Battle of the Best
SUMALANG na sa arena ang grupo nina Cid. Wala pa ang makakalaban nila.
“Nasa’n na po ang makakalaban namin?” tanong ni Diego na halata namang kinakabahan dahil nangangatal ang pagsasalita niya.
“Malapit na sila. Maghintay lang tayo nang konti,” tugon ni Prof. Max.
“Mga pa-VIP pa talaga ang mga taga-2-A,” sambit ni Diego.
“Andyan na pala sila,” ani ng propesor.
Sa wakas, dumating na rin ang makahaharap ng grupo ni Cid. Halata sa pangangatawan at itsura nila na mga bihasa at sanay na sila sa pakikipaglaban. Ang mga tinginan pa nila ay pangmatindihan.
“Dahil nandito na ang dalawang grupo. Ipakikila ko na kayo sa isa’t isa. Sa Team D.A.C.S., Ms. Sarah, Prin--Ms. Aryan, Mr. Diego, at ang tumatayong lider nila, Mr. Cedrick. Sa Ultimate Warrior naman, Mr. Jordan, Mr. Alejandro, Ms. Kate, at si Mr. Christopher o Chris, ang captain nila.”
Nagkamayan silang walo maliban sa hindi kinamayan ni Chris si Cid. Mukhang mainit ang dugo nito sa kaniya.
“Hi, Princess. Na-miss mo ba ako?” tanong ni Chris kay Aryan.
“Neknek mo. Tigilan mo nga ako Chris. Get lost! Naiirita ako sa pagmumukha mo,” pagtataboy ni Aryan sa kaniya.
“ ‘Yan ang na-miss ko sa’yo. ‘Yang katapangan mo. Pero hindi ko muna iisipin ang pag-ibig ko sa’yo ngayon dahil nandito kami para talunin kayo.”
“Kung kaya mo? Tingnan natin kung sino ang matatalo.”
“Group battle o one-on-one battle? Pumili kayo Team D.A.C.S. ng gusto n’yong category.”
“One-on-one battle!” sabay-sabay na sagot ng apat.
“Wow! Impressive. May inihanda na akong bunutan kung sino ang makakalaban n’yo. Bumunot na kayo.
Nabunot ni Sasa sa bunutan ay si Kate, ni Diego si Jordan, ni Aryan si Alejandro, at ang huli ang lider laban sa kapitan, si Cid at Chris.
“Simulan na natin ang laban. Team D.A.C.S. versus Ultimate Warrior.”
Maririnig ang hiyawan at sigawan ng mga estudyante ng 1-E. Inaalo nila ang grupo nina Cid.
***
“Sigurado ba kayong ayos lang na maging kalaban nila ang pinakamahusay at pinakamagaling na grupo ng PAG? E section lang sila. Ano magagawa nila laban sa grupo ni Chris?” sambit ng isang propesor na nagngangalang Mr. Philip Grimphiz.
“Huwag kang mag-alala, Mr. Philip,” wika ni Mr. Mikhail. “Sigurado kami sa desisyong ginawa namin. Ngayon, malalaman natin kung sino ang mas malakas sa dalawang grupo.”
“Pimihado namang mananalo ang grupo ni Chris. Hindi ko nga lang sure sa laban ng prinsesa at ni Alejandro. Parehas silang may angking galing at lakas.”
“Let’s see, Mr. Philip,” sabi ni Prof. Max. “Don’t judge the book by its cover.”
“Sabi n’yo e.”
***
Unang laban, sa pagitan ni Sasa at Kate.
“Narinig ko kay Mr. Mikhail na you’re team daw is strong,” mutawi ni Kate. “Pero it looks like hindi naman. Itsura mo pa lang, wala na agad kadating-dating. You don’t have a taste b*tch.”
“Huwag mo akong sagarin at baka hindi kita matantya,” galit na wika ni Sasa.
“Oh, calm down. Hindi mo need na maging angry. I’m just saying what’s the totoo. Hindi mo kayang tapatan ang magic ko b*tch.”
BINABASA MO ANG
Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) Completed
FantasyAnong gagawin mo kung mapunta ka sa isang lugar kung saan kailangan mong itago ang taglay mong kapangyarihan? Hanggang kailan mo maikukubli ang tunay mong katauhan sa ibang tao? Ito ay kwento ng isang binatang nagtataglay ng pambihirang mahika na h...