~Labanan Ng Magkapatid~

265 4 0
                                    

Hindi maitatago ni Amihan ang pagmamahal nya kay ybrahim ngunit alam nyang mahal parin ni Alena si Ybrahim. Pareho silang naguguluhan dahil pareho silang pinapakitan ng prinsepe na pareho silang mahal nito, kung kaya't hindi ka nya alam ang kanyang gagawin.

Alam nilang dalawa na isa Sakanila ay matatalo sa kanyang pagmamahal, alam nila na isa lang ang mag wagi kaya't hindi nila hahayaan na matalo ang pagmamahal nila sa isang Encantado.

Sa lireo nagpupulong ang mga diwata kasama ang kanilang Hara na si Amihan ng biglang naglaho si Alena sa gitna na nakasuot ng pandigma.

Alena bakit ganyan ang iyong kasuotan? May naganap bang hindi kanais nais? Tanong ni Danaya

Tumingin si Alena kay amihan na berde ang mata dahil sa kanyang brilyante, Nababasa nila ang kanyang ekspresyon sa muka na tila punong puno ng galit.

Alena? Tanong ni amihan, Anong nangyayari saiyo? nagaalala na tanong nya sa kanyang kapatid

Inilabas nya ang kanyang kapangyarihan at ginamit ito sa lahat ng encantado sa loob at naglaho sya sa harapan ni amihan.

Hinawakan nya ang kanyang leeg ng mahigpit, Kita ng Hara ang kanyang galit at hinagpis.

Alena! Bitawan moko! Sigaw ni amihan habang sinusubukan kumawala

Hindi tayo dito mag tutuos kaya sumama ka sakin! wika ng sanggre at duon umalis na sila sa Lireo

Dinala ni Alena si amihan sa isang bundok malayo sa lireo, at duon binitawan nya ang kanyang kapatid.

Hinawakan ni amihan ang kanyang leeg halos hindi na sya makahinga dahil sa pagkahawak sakanya ni Alena.

Nilabas nya ang kanyang brilyante at nag palit ng kasuotang pandigma

Alena bakit moto ginagawa?! Sigaw ni amihan

Hindi sya sumagot at agad naman sumugod si Alena laban sakanya, masakit man kay amihan ngunit kinakailangan nyang labanan si Alena upang makaligtas.

Habang naglalaban silang magkapatid agad naman syang nag salita

Ikaw! Ikaw ang May kasalanan kung bakit nag kakaganito si ybarro! bakit ba hindi mo namalamang kami hayaang maging masaya! Sigaw nya

Alena mahal ko sya! sana naiintindihan Morin At isa pa sya ang ama ng aking anak! Sigaw nya

Bakit?! Wala ba kaming anak?! May anak rin kami amihan! Napaka wala mong kwentang kapatid! Sigaw nya

At duon nag sagupaan sila ng kanilang mga brilyante dahil sa pareho nilang galit halos sumabog ang kanilang mga kapangyarihan kaya't naglaban ulit sila gamit ang mga sandata

Nasugatan nila ang isa't isa ngunit dahil sa galit ni Alena nasaksak nya si amihan

Para ito sa pag sira mo sa relasyon namin! isa kang wenuveshka! Sila nya at sinaksak nya muli ang Hara

Kung mamatay ako ... Isasama narin kita wika ni amihan

Nilabas nya ang brilyante at ginamit ang enerhiya nito upang matamaan si Alena sabay kuha sa sandata nya upang masaksak rin sya.

Ginamit ni amihan ang kanyang brilyante upang alisan ng hininga si Alena upang tuluyan ng mamatay ngunit nasabayan rin sya ni Alena na ginamit ang brilyante ng tubig upang lunurin sya.

Hindi nag tagal dahil sa taglay na kapangyarihan ng mga brilyante pareho silang napaslang.

Nakabitay sa hangin ang katawan ni Alena habang nababalot ng tubig ang katawan ni Amihan

Hindi nag tagal Kinain ng tubig ang katawan ni Amihan habang naitapon naman papalayo ang katawan ni Alena gamit ang hangin.

At ang kanilang mga brilyante at naglaho nalamang na parang bula.

Walang Naka aalam kung saan ito nag punta.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon