~Sikreto sa Tapiserya~

180 6 22
                                    

Sa Sapiro, nagpupulong ang mga Rama, Hara at mga Mashna dahil sa nalalapit na digmaan na paparating. Habang nagpupulong sila, biglang may naglaho sa harapan nila, Ang kambal na palaging kasama nila Lira at Mira

Poltre kung nasira namin ang inyong pagpupulong, ngunit nais lamang namin sunduin sina Mira at Lira wika ni Estellaria

Bakit nyo nais sunduin ang aking anak at si Mira Estellaria? Tanong ni Ybrahim

Kaya nga? tanong ni Lira

Hindi ba't kahapon nais nyong malaman ang sikreto na pinag uusapan namin? Tanong ni Crisento

Oo naman! wika nila Mira at Lira

Kung ganun sumama kayo samin, wika ni Estellaria

Sandali lamang anong sikreto ang tinutukoy nyo? Tanong ni Alena

Tila mas makakabuti kung lahat kayo sumama saamin, wika ni crisento

Ginamit nya ang kanyang kapangyarihan upang mapaglaho ang lahat ng nasa punong bulwagan, hindi nag tagal dumating sila sa silid ni Alena

Mawalang galang ngunit anong ginagawa natin sa silid ni Hara Alena? Tanong ni Muros

Silid ng mga Hara ng Lireo wika ni Estellaria bilang pagtama sa sinabi ni Muros

Pumunta sya sa higaan at ginamit nya ang kanyang kapangyarihan upang matanggal ito at nakita nila ang isang pintuan

Pintuan? Tanong ni Danaya

Sumunod kayo samin wika ni Crisento at duon bumaba sila

Sigurado ba kayong ligtas ito? Tanong ni Pirena

Hindi natin alam ngunit May mga brilyante naman tayo upang makalaban, sundan nalamang natin ang kanilang patutunguhan, wika ni Alena

Lahat naman sila sumangayon at duon sumunod sila sa kambal

Matapos ang mahabang hagdanan pababa naabot narin nila ang isang malaking pintuan

Hara Alena ilabas mo ang brilyante ng kalikasan at pagmasdan nyo ang mangyayari.

Lahat sila nagsitinginan ngunit sumangayon nalang, nilabas ni Alena ang brilyante at umalis ito sa kanya palad, lumutang ito at binuksan ang pintuan na napakalaki, sa loob nakita nila ang napakalawak na silid maraming mga muka at papel.

Ito ang Silid ng Tapiserya! Wika ng kambal Dito ang Tapiserya ng mga naging Hara ng Lireo, kasama ang mga nilalang na nanirahan sa kaharian na ito.

Mga Hara, na opisyal na kinilala ng lahat, kasama narin ang mga huwad na nang-agaw sa litro at sa trono, wika ni Crisento bilang parinig sa Hara ng Hathoria.

Ang mga kalatas na nakalagay dyan ay May sulat sa lahat ng pangyayari sa Encantadia.

Lahat ng nangyayari ngayon ay naisusulat sa mga kalatas na iyan .

Ang silid ay puno ng malalaking mga Tapiserya ng mga naging Hara ng lireo, May malaki ring puno na May mga mukha

Ahsti tingnan nyo oh si ina! Wika ni Lira

Lahat sila nag si tinginan nakita nila si Amihan sa kaliwa si Ybrahim, Lira Danaya at ang iba nyang mga kakampi. Sa kanan ay sina Pirena Alena at ibang mga kalaban nya. Nahahati rin ang kanyang kasuotan ang isa ay pang digma ang isa ay pang hara kita rin ang lireo sa likod at ang brilyante ng hangin.

Nilapitan nila ang bato na nakaimprinta sa baba ng Tapiserya

"Sakripisyo at kabayanihan
Pinaranas ni Hara Amihan
Ngunit ang kanyang pagbabalik
Ay mas inaasahan ng bayan"

Nabigla sila dahil sa nabasa nila bago paman makapagsalita sina Lira at Mira napansin nila na tinitingnan ni Danaya ang kanyang Tapiserya

"Posisyon na inialay ng kanyang ideya
Na hindi inaasahan ni Danaya
Sa pagbabalik ng nakaraan na kaharian
Pamumuno sa Encantado o puso kaya ang kanyang gagampanan?"

Nakita rin ni Alena ang kanyang Tapiserya

"Sirang puso ni Alena
Ang nagtulak sa pagiging Hara
Pagbabalik ng kakambal ng kasamaan
Kasabay ng pagbubukas puso nanaman"

Natulala si Alena..pagbubukas ng puso? Tanong ni Alena sa kanyang sarili

Nakita ni Pirena ang kanyang Tapiserya

"Panganay na puno ng hinagpis
Pirena na nalason ng dama
Huwad na Hara
Humalili sa lupain ng Encantadia"

Nang mabasa ito ni Pirena agad naman bumalik ang mga ala ala nya sa nakaraan, agad naman syang nilapitan ni Azulan

Nakita nina Alena at danaya ang Tapiserya ni Minea

"Mapagmahal ng Hara Minea
Sa mga anak at sa Encantadia
Sawi sa pag-ibig
Kasama narin ang nakaraan na walang dapat makarinig"

Nakita nila Muros ang Tapiserya niya Dimetria

"Sawi sa kalungkutan
Dimetria ang kanyang ngalan
Iniwan ang Encantadia
Puno ng lungkot at dismaya"

Habang ang iba naman ay pinagmasdan ang kina Ursula, at Lila Sari.

Habang pinagmamasdan nila ang mga Tapiserya napansin ni Lira na tila May kulang sa mga Hara , na naririto.

Teka, parang kulang, wika ni Lira sa kanyang sarili. Agad nyang binilang ang mga Reyna hanggang sa mapansin nya na wala ang Tapiserya ni Cassiopeia.

Lira, ayos kalamang ba? Kanina kapa nagbibilang dyan, wika ni Mira

Bessie, kanina kopa pinag tataka, Wala yung kay Cassiopeia, Tingnan mo ang Paligid. Wika ng sanggre sa kanyang pinsan.

Agad naman tiningnan at binilang rin ni Mira ang mga Hara, at tila tama si Lira.

Tama ka nga, Bakit tuloy wala ang Tapiserya ng Sinaunang Reyna ng mga Diwata, lalo na't Sya rin ang nag tatag ng Lireo? Tanong ni Mira

Ang Wired wika ni Lira, ngunit pansin nya ang isang bagay sa pader, ang malaking puno na kasing eangis ng puno ng buhay, nakita nya ang wangis ng ibat ibang mga diwata.

Nakikita nya ang kanyang sarili,ang kanyang pinsan, ina at marami pang iba.

Ang pinaka bago ay sina Cassandra ñ, Adamus Mithra, at Daleya.

Sa pinakataas nakita nya si Cassiopeia na walang nakalagay na magulang kaya nag taka sya, nakita nyarin ang isang Encantado na katabi nya, at sa baba ang magkambal na si Estellaria at Crisento

Tila nakita mo ang ugat ng pamilya ng Lireo, at tila nabigla kapa sa mga impormasyon na nalaman mo Sanggre. wika ni Crisento

Ang Dami kong Tanong, Una Bakit nandyan kayo sa, I guess Family Tree ng Lireo? Tas Bakit wala yung Tapiserya ni Cassiopea's, Diba sya yung First Queen? Esta Hara, Nasa Nickname na nya, Sinaunang Reyna ng mga Diwata/ Hara Durei

Nagtinginan ang kambal sa isa't isa at ngumiti lamang.

Darating ang panahon at makikita morin sila Lira, wika ni Estellaria. Ang mga kasagutan rin na hinahanap mo. Wag kang mag alala magkakaroon karin ng Tapiserya, laking ngiti nito at Umalis kaagad

Luh! Wait ano sabi mo?! Nagtataka na wika ni Lora

Sa gilid nakita nya ang isang bakante na Tapiserya na tila nga sisimulan na ang pagkagawa

Ako kaya to? Tanong ni Lira. Habang nakatingin sa Makina

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon