STORY REQUESTED BY: Museane
(I HOPE MA ENJOY MO ANG IYONG REQUEST 🌸)
_______________________________________________________
Nagkaroon ng malaking kasiyahan ngayon sa Lireo, lalo na't nadaig narin ang Hara ng nyebe, matagal na panahon na paghihirap at pakikidigma, sa wakas ay tuluyan naring natapos ang Kabanata na ito sa mga Encantado.
Nagtungo si Alira Naswen sa kinaroroonan ni Aquil, nais nyang magtanong sa Mashna ukol sa sitwasyon na kinatatayuan nya ngayon, nais nyang malaman kung ano nga ba talaga ang dapat nyang gawin.
Poltre kung ginagambala kita Mashna, ngunit maari ba kitang makausap? Tanong ni Alira
Napaharap naman ang Mashna at ngumiti ng makita nya ang kanyang kaibigan, Oo naman Alira, tungkul saan ang nais mong pag usapan? Tanong ni Aquil
Tiningnan ni Alira ang paligid, Pansin nya ang kapwa Ivtre na matagal na nyang nagugustuhan, Kinuha nya ang kamay ni Aquil at dinala sa lugar kung saan hindi sila maririnig ng Ivtre na nagugustuhan nya.
Nagtaka naman si Aquil ng agad syang hinila patungo sa sikretong lugar, hanggang sa naintindihan na nya ang sitwasyon.
Natawa ang Mashna sa kanyang kaibigan, Dahil ba ito kay Gamil?
Namula ng kaonti ang Ivtre at hindi nag tagal sumang-ayon sa kanyang wika.
Oo Mashna, nais kong humingi ng payo. Wika ni Alira Naswen
::
Sa punong bulwagan ng Lireo, patuloy na hinahanap ni Danaya ang kanyang asawa, lalo na't noong malaman nya na hindi sya natatagpuan ng kanilang anak.
Nakita ni Danaya sina Muros kung kaya't nilapitan nya ang mga Mashna at nagtanong.
Muros, nakita nyo ba si Aquil? Tanong ni danaya, Kanina pa sya hindi natatagpuan ni Daleya
Nagsitinginan naman ang mga Mashna, Oo mahal na Hara, umalis sila ni Alira Naswen wika ni Muros
Ang pagka alam ko ay kanina lamang sila umalis, wika ni Mashna Maica
Agad naman tumaas ang dugo ni Danaya ng marinig nya ito, alam nya na hindi naman magiging ganitong encantado si Aquil, matagal na silang kasal at kilala nya ang kanyang asawa, hindi sya basta basta gagawa ng mga bagay na makakasira sa kanilang relasyon.
Ngumiti nalamang si Danaya at nagpasalamat at agaran naman umalis.
Basang basa sa muka ang pagseselos ni Danaya ng marinig nya ang ngalan ni Alira, wika ni Mashna Maica
Natawa naman si Muros, Wala parin pinagbabago ang pagseselos ng Sanggre danaya, wika ni murps sabay inom ng alak.
Tuluyan naman hinahanap ni Danaya ang kanyang asawa, hanggang sa matagpuan nya ito na lumabas ng silid, Kasama si Alira Naswen, at agad naman silang naghiwalay ng paroroonan.
Ramdam ng Sanggre ang kirot sa kanyang puso, ngunit uminahon lamang sya, hindi nya nais na masira ang gabing ito.
Hindi nya pansin na tila nasa harapan na nya si Aquil. Bago paman makapagsalita ang Mashna, tinanong sya ni Danaya.
Bakit magkasama kayong lumabas ng silid ni Alira Naswen? Tanong ni Danaya na napakaseryoso
Agad naman nabigla si Aquil, ngunit natawa, alam nya na nagseselos ang kanyang asawa lalo na't basang basa na sa kanyang mukha.
Kinausap nya lamang ako lalo na't humingi sya ng payo, wika ni Aquil.
Kanina kapa hinahanap ng ating anak, at hindi mo manlang sya inuuna? Tanong ni Danaya
Bakit raw ako hinahanap ng ating anak? Tanong ni Aquil na nagtataka,
Hindi ko alam, Puntahan mo sya upang malaman mo, o baka naman unahin mo nanaman ang ibang Encantada. Sagot ni Danaya
Natawa naman si Aquil muli, Danaya wala lang dapat ipagselos, lalo na't magkaibigan lamang kami ni Alira kung yan ang iyong iniisip.
Inikot lamang ni Danaya ang kanyang mga mata, bago sya makaalis agad syang niyakap ni Aquil.
Humingi sya ng payo kung pano nya aaminin ang kanyang nararamdaman kay Gamil, mahinhin na pagkasabi ni Aquil.
Hindi naman ito inaasahan ni Danaya, ngunit ramdam nya ang pagkalma ng kanyang puso.
Si Gamil? Ang Ama ni Mira? Tanong ni Danaya
Oo matagal nang May gusto si Alira sakanya, ngunit hindi nya lamang ito masabi. Nawa'y mawala naman ang anomang duda na bumabalot sa iyong puso wika ni Aquil sabay hinalikan ang kanyang pisngi.
Napangiti lamang ang kanyang asawa, agad nyang tinanggal ang pagkayakap ni Aquil sa kanya at hinarap ang Mashna.
I love you ka talaga! Wika ni Danaya na naiirita at sabay naman syang umalis.
I love you din Danaya, wika ni Aquil ng mahinhin at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Encantadia (Short Stories)
Fiksi PenggemarA COLLECTION OF ENCANTADIA SHOFT STORIES, FROM DIFFERENT TIMELINES THAT I MADE UP. NOTE📢📢 ____________________________________________ (NOT EVERYTHING IN THE STORY IS CANON OR RELATED TO THE 2016 SERIES) (TITLES THAT INCLUDE ~ THIS SYMBOL HAS BEE...