Ang pagiging Hara ay hindi isang biro, napakalaki ng tungkulin ng pagiging Hara, mas malaki kesa sa tungkulin ng pagiging Rama.
Ang pagiging Hara ng Lireo ay napaka hirap, marami kang batas na dapat sundin, at mga tungkulin na dapat isagawa, nakakalimutan mong magkaroon ng oras para sa sarili mo, dahil hindi lamang ang Lireo ang pinamumunuan mo, kundi ang buong lupain ng Encantadia.
Umaga ngayon sa Encantadia, naisipan ni Alena na umalis muna sa kanyang kaharian, nag iwan sya ng kasulatan sa mga Dama at umalis kaagad, upang makabalik sya ng maaga.
Nagtungo sya sa lupain ng Adamya, ang lupain na pinag tataguan nya minsan upang maalis ang mga problema nya.
Nagtungo sya sa gubat na walang katao tao, ng makita nya ang napakalinis na tubig ngumiti sya, Isinamo nya ang brilyante ng tubig at agad naman tinawag ang kambal diwa nito, hindi naman nag tagal na nakalabas si Agua sa kanyang tahanan na brilyante.
Avisala Agua, poltre kung isinamo kita, ngunit nais ko sanang samahan moko wika ni Alena
Patungo saan panginoon? tanong ng kambal diwa
Lalangoy ako patungo sa ilalim ng dagat, at may mga bagay akong itatanong na alam kong ikaw ang makakasagot, lalo nat ikaw ang kambal diwa ng brilyante ng tubig, wika ni Alena
Kung yan ang inyong nais panginoon. Sagot ni Agua
Ngumiti si Alena at nag tungo sa gitna ng dagat, ginamit nya ang kanyang kapangyarihan upang maging sirena at nagsimula na syang lumangoy sa ilalim ng dagat. Ang dami nyang mga nakitang kakaibang bagay, pinaliwanag naman ni Agua ang mga katanungan nya.
Nang naisipan nyang bumalik na sa Lireo may nakita syang isang malaking kaharian, nagtaka sya kaya agad nya itong nilapitan, napakalaki ng kaharian, may mga berde na kulay ay symbolo ng Adamya sa gitna na gawa sa bato.
Agua anong kaharian ito? tanong ni Alena, Kamangha mangha!
Ito ay ang nilubog na kaharian ng adamya, pinag utos ito ni Hara Sideria upang hindi masakop ng mga Etherian ang lupain ng Adamya, lalo nat noon mas ninanais ng mga Etherian na masakop ang lupain na may roong malalaking Kaharian. Ang kaharian ng Adamya ay ang pangatlong napakalaking Kaharian ng Encantadia, kahit maliit lamang ang lupain ng Adamya napakalaki ng kaharian nito
Alam bato ni imaw? Tanong ni alena
Oo Hara, dahil nandun sya nooong nangyari ang mga ito, sagot ni Agua,
Alam ng kambal diwa ang mga pangyayari lalo na't isa sa mga dahilan kung bakit lumubog ang kaharian, dahil humingi ng tulong ang Hara ng Adamya upang mapalubog ang kaharian sa Hara ng mga diwata. Gamit ang Inang brilyante, nilubog nito ang munting kaharian ng mga Adamyan sa malalim na parte ng Tubig.
Pinag isipan ni Alena at tumingin kay Agua, maari kobang gamitin ang aking brilyante upang maibangon muli ang kaharian na ito?
Hindi ko alam Hara, mas makakabuti kung humingi kayo ng pahintulot sa nunong adamyan, o sa ibang mga sanggre upang muling maibangon ang kaharian.
Tama ka, at sa mabuting palad makakabuti ang kaharian na ito para sa ibang mga adamyan, wika ni Alena habang patuloy na pinagmamasdan ang kaharian.
BINABASA MO ANG
Encantadia (Short Stories)
FanfictionA COLLECTION OF ENCANTADIA SHOFT STORIES, FROM DIFFERENT TIMELINES THAT I MADE UP. NOTE📢📢 ____________________________________________ (NOT EVERYTHING IN THE STORY IS CANON OR RELATED TO THE 2016 SERIES) (TITLES THAT INCLUDE ~ THIS SYMBOL HAS BEE...