Misteryosong Nilalang

110 7 3
                                    

Tumakbo ng tumakbo ang nilalang na sugatan, hinihingal at hindi huminto sa kanyang paglalakbay, walang malay kung nasaan man sya o kung natakasan na ba nya ang mga nilalang na humahabol sakanya. Pinagmasdan nya ang paligid, dilim lamang ang kanyang nakikita maging ang maliwanag na buwan, nais na nyang sumuko ngunit hindi nya ito ginawa. Pinatuloy nya ang kanyang paglalakbay.

Sa isang gubat, isang kuta kung saan naninirahan ang ibang mga encantado, makikita dito ang isang hindi pangkaraniwang encantado, nagbibigay pagkain, gamot at kahit ano paman na pangangailangan nila.

Avisala Eshma saiyo, nawa'y pagpalain kayo ng mahal na Bathalang Emre dahil sa iyong kabutihan.

Ngumiti lamang ang encantado, Sakanila. Avisala Eshma wika nya.

Matapos ang kanyang pagsisilbi sa ibang mga encantado agad syang lumisan upang walang kahit sinoman ang mamukaan sya o matandaan ang kanyang wangis.

Nang makalayo na ang encantado sa lugar na kanyang kinaroroonan naglaho na ito ng tuluyan na May malaking ngiti na bumabalot sa kanyang mga labi. Laking galak nya ng malaman nya na hindi panaman lahat ng encantado ay sumuko sa malakas na pwersa ng Etheria.

Kung maari lamang syang tumulung ng lubusan ay ginawa na nya ito, ngunit hindi maari lalo na't kinakailangan ng mga encantadong matuto na lumaban at hindi umasa sa kahit ano man.

Bago sya bumalik sa kanyang tahanan, ninais nya munang mag lakad at magmasid sa gubat. Kitang kita ang silaw ng mga buwan kung saan nakatira ang kanyang kaibigan, maging ang lamig na bumabalot sa hangin.

Habang sya ay naglalakbay mayroong nilalang na biglaan nalamang syang nakasalubong at parehas silang natumba sa lupa dahil sa mabilis na pagtakbo ng nilalang.

Agad naman syang bumangon at pinagmasdan ang paligid, nakita nya ang isang nilalang na bumangon mula sa kanyang pagkatumba.

Poltre, tila hindi kita nakita dahil sa dilim wika nya ng pagbigay paumanhin.

Bago paman nya lapitan ang nilalang, agad itong tumalikod at tinutukan ng kanyang kapangyarihan. Hindi nya ito inaasahan kung kaya't napaatras sya. Pinagmasdan nya ang isang babae, kakaibang nilalang. Mayroong kapangyarihan na kulay lila, matulis na taenga, at sugatan.

Shedda, hindi kita sasaktan. Wika nya sa Encantado

Huwag na huwag kang lalapit, pano ako makakasiguro na hindi ka kampo ni Mitena?! Sigaw nya

Mas lalo naman nabigla ang encantado sa kanyang narinig at nakita, kakaiba ang kanyang pagsasalita, lalo na't hindi ito galing sa kanyang bibig. Mitena? Ngayon nya lamang ito narinig, at laking duda nya lalo na't ang kanyang pagsasalita ay galing sa kanyang noo, na mayroon na simbolo ng karunungan, gaya ng sa mga bathala.

Huwag kang matakot, hindi kita sasaktan. Wika nya sa Encantada

Nilapitan nya ang nilalang at lalo lamang itong nagalit at natakot, ngunit ipinaramdam nya ang kanyang mabuting presensya. Hindi nag tagal napaluhod naman ang nilalang dahil sa sakit mula sa kanyang mga sugat. Hawak hawak nya ang mga sugat na tila nagdurugo parin hanggang ngayon.

Agad nya itong nilapitan, at agarang ginamot ang kanyang mga sugat. Nanlaki naman ang mga mata ng nilalang ng ginawa nya ito, ng malaman nyang mayroon din siyang kapangyarihan ngunit hinayaan nya lamang ito.

Matapos syang gamutin ng encantado, agad nyang pinagmasdan ang kanyang sarili. Wala na ang mga sugat nya. Laking ngiti naman ang bumalot sa kanyang mga labi.

Maraming salamat sa iyong tulong. Wika nya

Agad syang tumalikod, bago paman sya maka alis sa kanyang kinaroroonan pinigilan sya ng encantado.

Sandali lamang, maari ko ang malaman kung ano ang iyong ngalan? Tanong ng encantado.

Nagdalawang isip ang nilalang na sabihin ang kanyang ngalan ngunit napahinga nalam.ng ito ng malalim. Cassiopea, wika ng nilalang at ngumiti.

Kay gandang ngalan Cassiopea, ngunit bakit tila ngayon lamang kita nakita sa encantadia? Tanong nya. Totoo naman ang kanyang katanungan lalo na't wala panaman syang inilikha na isang nilalang na gaya nya, maging sina ether at arde lalo pinagmamasdan nya sila ng mahigpit.

Nagtaka naman si Cassiopea, Encantadia? Ano iyon? Tanong nya. Ano ang tinutukoy nitong nilalang? Tanong nya sa kanyang isip

Laking gulat naman nya ng hindi alam ng nilalang ang lupain na kanilang kinatatayuan.

Bago paman sya muling makapagsalita, biglang nanlamig ang paligid. Pinalibutan sila ng mga kawal na hindi pangkaraniwan. Halatang hindi sila galing sa Etheria lalo na't hindi naman ganito ang kawal ni ether o avria, mas lalong hindi tila galing sa hathoria lalo na't apoy ang sumisimbolo Sakanila. Samantala ang mga kawal na kaharap nila ngayon ay gawa sa yelo.

Paslangin si Kera Cassiopea! Sigaw ng kawal.

Bago paman sila makasugod, agad ginamit ni Cassiopea ang kanyang kapangyarihan. Nagpasabog ng malakas na enerhiya upang mapaslang ang lahat ng kawal na pumapalibot Sakanila.

Avisala Eshma, wika ng encantado, sabay tingin sa kanyang kasama.

Muling nagtaka si Cassiopea. Paumanhin ngunit hindi kita naiintindihan, ngunit hindi na ito mahalaga. Kinakailangan kinang umalis. Paalam kung sino kaman.

Ay dito nag Evictus si Cassiopea papaalis. Laking gulat muli ang bumalot sa mata ng encantado, isang Encantada na May hindi pangkaraniwang lakas at kapangyarihan. Kinakailangan nyang malaman kung sino ito.

Matapos ang kanyang pag iisip, agad syang naglaho pabalik sa kanyang munting tahanan.

Nang sya ay makarating agad naman syang sinalubong ng mga Ivtre na nagbabantay.

Avisala mahal na Emre, at muli na kayong nagbalik ng devas.

Hindi na nya pinansin ang mga Ivtre at agad nagtungo sa punong bulwagan. Sinubukan nyang hanapin ang nilalang ngunit nahirapan syang gawin ito. Kung kaya't pinanood nalamang nya ang naganap nilang pagtatagpo kanina lamang.

Sinubukan nyang basahin ang kanyang isipan ngunit tila hindi nya ito magawa, sinubukan nyang hanapin kung sinong bathala ang lumikas sakanya na kakilala nya ngunit wala rin. Ngunit sa patuloy na pagmasid nya sa kanyang wangis, dito nya napagtanto.

Hindi ka galing sa Encantadia...

~~~

Samantala sa isang kuta, naglaho si Cassiopea. Huminga ng malalim...

Encantadia? Laking duda na bumalot sa kanyang isipan.. pinagmasdan nya ang paligid..... Tubig na tumutulo sa ulap at dilim na kumakalat sa paligid. Ramdam nya ang presensya ng kasamaan sa lupain

Ibig sabihin, wala nako sa Mineave... Laking lungkot nya

Ngunit mas makakabuti ito...babalik ako aking tahanan... Babalikan ko kayo at ililigtas kay Mitena.

Ipinikit nya ang kanyang mga mata, ginamit nya ang kanyang kapangyarihan upang malaman ng kalagayan ng lupain ng Mineave. Ngunit huli na ang lahat lalo na't ang buong lupain ay nababalot na ng nyebe.

Nang makita ito ni Cassiopea, napaluha nalamang sya. Ngunit ginawa nya paring maging matatag lalo na't nasa isang lugar sya na wala man lang Kaalam alam.


___

Since the release of ice queen and since confirm man na na hindi lang Encantadia ang world marami pang iba I always think about the theory na hindi taga Encantadia si Cassiopea since sya ang odd one out from the rest. So yeah enjoy my head Canon 🗣️🗣️

Encantadiks1285643 Theory natin talaga is spot on🤩

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon