~Bisita ng Dugo~

124 3 2
                                    

Masaya na naglalakad si Lira patungo sa punong bulwagan ng Hathoria kasama ang kanyang pinsan, ang panganay na anak ni Hara Pirena.

Lira ako na mismo nag sasabi, hindi ito magugustuhan ni ina.

Mira hindi naman tayo gaanong humingi ng kahit ano, tsaka hayaan mo baka pumayag, ako lang to! si Lira!

Huminga lamang ng malalim ang sanggre ng Hathoria at Lireo, bago makarating sa kinaroroonan Nina Pirena at Azulan

Hi Ashti! Hi Rama Azulan! Wika ni Lira

Lira, hindi ako papayag! Sigaw ni Pirena

Nabigla naman ang sanggre sa kanyang pag sigaw

Mahal na Ashti, alam ko sinabi agad ni mira sayo kahit sabi kong wag muna nyang sabihin, Sige na ashti Pirena onti lang naman ang hinihingi ko sayo sige na please! Nagmamakaawang sabi ng sanggre

Tiningnan ni Pirena si Azulan upang tulungan sya sa sitwasyon, hindi nag tagal nagsalita rin ang Rama

Pirena alam kong mahihirapan ka sa sitwasyon ngunit pag bigyan Mona si Lira, kagaya ng sinabi nya bihira naman syang humingi ng kahit ano, at sa ganitong paraan malalaman natin kung tuluyan ngabang walang puso ang nilalang na ito, sa huling pagkakataon masasabi mo ang lahat ng galit at inanakit mo sakanya, kaya't pumayag Kana mahal ko.

Tiningnan ng Hara ang sanggre at huminga ng malalim, Pumapayag nako wika ni Pirena

Nabigla naman si Mira sa desisyon ng kanyang ina, Ina totoo ba ang aking naririnig? Pumapayag ka? Tanong ni Mira

Oo, ngunit hindi kita isasama, mas mabuti na kami nalamang ni Lira ang mapahamak lalo na't sya ang nag pilit sakin na gawin ito, wika ng Hara na tumitingin sa sanggre.

Luh ang unfair naman nyan! Wika ni Lira

Bago pa makareklamo ang sanggre hinawakan sya ni Pirena at naglaho papa alis. Tumingin si Mira sa kanyang Ama at ngumiti lamang si Azulan

Wag kang mag alala anak, alam kong kakayanin ito ng iyong ina at  ni Lira.

Matapos ang matagal na paglalakbay inabot din nila ang lagusan patungo sa balaak, nakita nila na hinihintay sila ng Bathalumang Cassiopeia at ni Alira Naswen

Mabuti at nandito narin kayo wika ni Cassiopeia

Avisala mahal na Bathaluman, Avisala Alira Naswen, wika ng dalawang diwata

Wag na natin hintayin pang maubos ang oras, halina kayo wika ni mata

Yiee first balaak adventure with Ashti Pirena! Wika ni Lira habang nag selfie gamit ang kanyang cellphone

Napatawa lamang ang ivtre at nainip at nahiya si pirena sa sitwasyon, matapos mag selfie ni Lira agad naman silang pumasok sa balaak.

Habang naglalakad sila nagsalita si Alira, malaking paalala na malaki ang pagkakaiba ng devas at balaak, hindi kayo maaring basta basta mangialam sa mga hadezar na naninirahan dito lalo na't maari kayong mapaslang ng wala sa oras.

Ang scary naman nyan! Kahit yung mga simpleng kawal lang? Tanong ni Lira

Oo sanggre, kung kaya't kinakailangan natin mag ingat sa bawat galaw natin, wika ni Cassiopeia.

Huwag kayong mag alala, hinding hindi kami makiki alam ng kahit ano man rito, nais ko lamang makausap ang isang nilalang na matagal nang nahihimlay sa balaak. Wika ni pirena

Nandito sya Pirena, pagmasdan mo wika ni mata habang tumigil, isang silid na puno ng mga kawal na nagbabantay sa pintuan

Ama, wika ni Pirena

Nakita nya ang dating hari ng Hathoria, si Hagorn na Naka poot sa isang maliit na silid.

Maari ba akong pumasok upang makausap sya? Tanong ng Hara

Hindi ka nya sasaktan, kung kaya't pinapahintulutan kita wika ng Bathaluman

Sumang ayon naman ang Hara at pumasok sa silid, habang si Lira ay nakaalis sa kanilang lugar, napansin ito ni Alira Naswen kung kaya't agad nyang hinanap ang sanggre, natagpuan nya ito sa May pintuan kung saan nakapitt ang dating Mashna ng Sapiro

Kita moyan? Patay Kana buhay pako? Sino ngayon ang matibay? Tanong ni Lira bilang pang iinsulto

Sanggre Lira! hindi ba't sinabihan namin kayo na hindi kayo maaring pumunta kung saan saan ng walang pahintulot? Tanong ng ivtre

Alira Naswen wag ka mag alala! Wala naman akong ma rirelease na evil spirit! Plus kung meron man kaya koyan! Wika ni Lira

Pagtalikod ng sanggre agad naman nitong natamaan ang isang bagay na naglalaman ng itim na kapangyarihan, ng mahulog ito May isang itim na enerhiyang nakalabas

Bago paman matamaan ang sanggre hinawakan ito ng Mashna at naglaho papa alis sa lugar

Sa kinaroroonan Nina Cassiopeia at Pirena nakalabas ang Hara ng Buhay.

Sa pagkasama ng kanyang ugali, hindi ko aakalain na kaya nayaparin magpakita ng onting simbolo ng kabaitan wika ni Pirena

Wag tayong magpakakampante Hara, hindi natin masisigurado kung isa nga ba itong totoong gawi o isa lamang na patibong, kinakailangan parin natin mag ingat.

Tama ka bathaluman wika ni Pirena ngunit hindi naman ako basta basta magpapa-uto sakanya, lalo na't kilala kona ang kanyang ugali

Bago paman sila maka alis sa koridor naglaho si Alira naswen kasama si Lira

Mahal na bathaluman Kinakailangan na natin umalis ngayon din

Bakit alira? Anong nagaganap? Tanong ni mata

Si Lira.. wika ni Alira habang tumitingin sa sanggre na tila nahihiya

May natamaan po akong parang vase tas nabasag ko yung lalagyan at May Naka laya na parang evil spirit ata yun.

Lira, sinasabihan na kita na wag kang magiging makulit kapag sa mga sitwasyon na ganito! ngunit hindi ka talaga natuto! Wika ni pirena na naiinis at kinurot ang sanggre

Aray ko naman ashti! Wika ni Lira habang hinahaplos ang kanyang balikat

Alira naswen, ako na ang bahala rito, ihatid Mona sila pa Encantadia wika ni mata

Luh pano ka? Tanong ni Lira

Magtiwala ka lamang Lira, ngayon umalis na kayo, E-nai! Sigaw ng bathaluman

Sumang-ayon naman ang tatlo at hindi nag tagal naglaho na agad sila papa alis

Nang tumalikod si Cassiopeia nakita nya ang itim na mahika na sinasabi ni lira, isinamo nya ang kanyang sandata ng mabilisan, upang labanan naman ito.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon