~Pasasalamat~

132 4 0
                                    

Gabi sa lupain ng Encantadia, tapos na ang tungkulin ni alena para sa araw, agad naman nyang naisipan na mag pahinga lalo na't halos lahat ng mga diwata ay nagpapahinga narin, liban nalamang sakanya.

Nang naglakad si Alena sa timog parte ng kaharian ng Lireo, May nakita syang isang encantado na nakatayo sa balkonahe

Nagtaka sya kaya agad nya itong nilapitan, ngunit agad nyarin namukaan ang encantado

Ybarro anong ginagawa mo dito? Tanong ng Hara at nilapitan ang Rama

Agad naman tumalikod ang Rama at nagbigay pugay, Avisala mahal na Hara wika ni Ybrahim poltre nag papahangin lamang ako, lalo na't kaka hatid ko lamang kay Lira at Cassandra Sagot ni Ybrahim sa Hara

Ngumiti si Alena at tumabi sa gilid, pareho nilang pinagmasdan ang kalawakan ng lireo napakatahimik nila ngunit agad naman itong pinutol ni Alena

Ang ganda ng gabi hindi ba? Tanong ng Hara habang nakatingin sa baba ng kaharian kung saan kitang kita ang mga ilaw ng Lireo, busilak sa katahi8at kapayapaan ang lupain ng mga Encantado, at nais ni Alena na habang buhay nalamang ito.

Oo... napakaganda wika ng Rama habang Naka tingin sa langit

Nangungulila kaparin sakanya hindi ba? Tanong ni Alena ng at sabay tingin sa Rama, habang nakangiti.

Lumaki ang mga mata ng Rama ngunit agad naman syang nagsalita, hindi nya maitatago ang kanyang nararamdaman, lalo na sa nasa Sanggre.

Oo, hanggang ngayon hinihintay ko parin ang kayang pagbabalik wika ni Ybrahim ng hindi tumitingin kay Alena, alam kong malabo, ngunit umaasa parin ako na babalik sya sa piling namin ni Lira. Lalo na't nangako sya.

Ngumiti lamang si Alena, Ramdam nya ang pagaasa na natitira sa dati nyang katipan, ang maari nya nalamang bagyong gawin ay ipagdasal sya, upang mabuo ang nawawalang parte ng kanyang puso.

Matapos ang ilang minuto ng katahimikan tumalikod si Alena upang umalis at magpahinga ngunit bago sya umalis nagsalita sya.

Ybarro? Tanong ni Alena

Alena? Tanong ng Rama sa Hara, upang malaman ang kinakailangan nito. Hindi nya inaasahan ang susunod na magiging mensahe nya

Avisala Eshma, Sa last wika ng Hara

Tumalikod si Ybrahim at nagtaka, Bakit tila biglaan nalamang nagpapasalamat si Alena? Tanong nya sa kanyang isipan

Para saan Alena? Tanong ng Rama na naguguluhan

Ngumiti lamang si Alena at agad ng umalis ng hindi sinasagot ang katanungan ng Rama ng sapiro, habang naiwan na nagtataka si Ybrahim

Muli syang tumingin sa balkonahe, pinagmasdan ang langit ngunit napasambit rin sya.

Avisala Eshma Alena, wika nito ng mahinhin.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon