Nagtungo si Pirena sa Azotea ng Lireo, pinagmasdan nya ang langit na tila napakaliwanag kahit gabi sa lupain ng mga diwata. Inamoy ng Hara ng Hathoria ang simoy ng hangin at huminga ng malalim.
Habang tahimik na mapag-isa ang Sanggre mayroong biglang humawak sa kanyang balikat, dahilan upang sya ay tumalon at muntikan nang masabugan ng apoy ang nilalang.
Agad naman tiningnan ni Pirena kung sino ito, at nakita ang isa sa mga nakakairita na diwata ng kanilang lahi
Grabe naman si Ashti, ang gugulatin! Wika ni Lira habang natawa
Warka! Ikaw talaga Lira! Ang hilig mong mang gulat! Ano kaya ang mararamdaman mo kung bigla kitang nasabugan ng apoy gamit ang aking brilyante! Sigaw ni Pirena sa kanyang Hadiya
Syempre po masasaktan! Muling tawa ni Lira, ngunit nagsungit lamang ang kanyang ashti sakanya.
Wag na kayo maging bitter Ashti, Promise hindi kona uulitin, wika ni Lira habang kinukumbinsi ang kanyang Ashti
Siguraduhin mo lamang Lira, wika ni Pirena
Agad naman tinalikuran ni Pirena si Lira, Muling tumingin ang Hara sa langit, muling pinagmasdan ang mga bituin, napansin naman ito ni Lira kaya't naisipan nya na tabihan ang Sanggre, ginaya nya ang kanyang ginagawa. Napuno ng katahimikan sa kanilang paligid
Habang nagmamasid, nagsalita si Lira.
Bat malungkot ang ashti ko? Tanong ni Lira na tila nagbibiro
Malungkot? Tanong ni Pirena, hindi dahil nais ko lamang mapag-isa, dahilan na agad upang ako ay nagmumukmok!
Ayan ka nanaman Ashti! Nag tatanong lang naman ako, ang bitter mo talaga, manang mana sayo si Mira, wika ni Lira
Muli lamang nainis si Pirena sakanya
Bakit ka nga ba nandito? Hindi ba dapat nagpapahinga Kana? Ang lalim na ng gabi! Wika ni Pirena
Hindi po kasi ako makatulog, kaya naisipan kong mag lakad lakad, tapos nakita kita bigla! Speaking of which, Alam mo Ashti pirena, grabe ang nangyari kanina no? Tanong nya
Hindi naman nagsalita ng Hara sa kanyang Hadiya, ngunit tama sya, grabe rin ang naganap kanina ng sumugod ang Hara ng nyebe sa Lireo, maraming nawalan ng buhay, at marami rin syang nasaktan.
Hindi ko aakalain na ganun na talaga kasama si Casilda, nakita ko yung nga mata nya nung sinaksak nya Cassiopea kanina, wala na talagang pag asa. Hindi na talaga sya babalik sa liwanag, laking lungkot ni Lira
Lira, alam kong nais mong makita ang kabutihan sa mga nilalang na nakikilala mo, ngunit hindi silang lahat ay May kakayahan magbago, May mga nilalang na ganyan na talaga ang ugali kahit noon paman. Lalo na kung buong puso na nilang tinanggap ang galit at dilim sa kanilang mga sarili. Wika ni pirena
Alam kong nasaktan yun kanina si Mata, naalala ko tuloy si Inay, wika ni Lira, lalo na kayong magkakapatid, Ikaw kaya ashti?, Ano kaya ang mangyayari ngayon kung hindi ka nagbago? Kung tuluyan nanaig ang galit at dilim sa iyong pag iisip.
Natahimik naman si pirena sa tanong ng kanyang Hadiya
Naalala nya ang mga memorya kung saan pinaslang nya si amihan.
Sinaksak nya si Danaya.
Pinahirapan at at pinaikot nya si Alena..
At marami pang ibang masasama na ginawa nya sa kanyang mga kapatid noon, maging sa kanilang ina, alam nyang napatawad na sya ng kanyang mga kapatid ngunit dinadala nya parin sa sarili nya ang lahat ng sakit at pagsisisi na mayroon sya.
Tumulo ang luha ni pirena, habang tuluyan nagsalita si Lira.
Bakit kaya kapag mga magkakapatid, hindi nagkakasundo? Lalo na kapag magkakadugo, May sumpa ba ang mga kagaya nila?
Tinanggal ni Pirena ang kanyang luha, at hinarap si Lira.
Lira, kung ito ang nakatakda sa mga magkakapatid, wala na tayong magagawa dito, bagkus manalangin na kung ang isa man Sakanila ay makain ng dilim, makakagawa sila ng paraan upang muling makabalik sa liwanag.
Ngumiti naman si Lira, Alam ko po na affected kayo, Pero laking pasasalamat ko na muli kayong nagbalik loob sa Lireo, lalo na sa mga kapatid nyo ashti.
Niyakap naman ni Lira si Pirena, ngumiti naman ang Hara sa kanyang Hadiya at niyakap sya pabalik, hindi napigilan ng Hara na tumulo muli ang kanyang luha.
Samantala sa Koridor hinahanap ni Mira ang kanyang pinsan na tila tumakas nanaman sa kanilang silid.
Nasan nanaman kaya si Lira? Laking tanong nya sa sarili
Habang naglalakad sya malapit sa May Azotea ng Lireo, nakita nya si Lira at ang kanyang ina na niyayakap ang isa't isa.
Napangiti naman si Mira, pinagmasdan nya ang dalawang importanteng tao sa kanyang buhay.
Hindi na nya Naisipan na lumapit Sakanila lalo na't ayaw nyang masira ang kanilang pagsasama kung kaya't pinagmasdan nalamang ni Mira ang pangyayari.
BINABASA MO ANG
Encantadia (Short Stories)
أدب الهواةA COLLECTION OF ENCANTADIA SHOFT STORIES, FROM DIFFERENT TIMELINES THAT I MADE UP. NOTE📢📢 ____________________________________________ (NOT EVERYTHING IN THE STORY IS CANON OR RELATED TO THE 2016 SERIES) (TITLES THAT INCLUDE ~ THIS SYMBOL HAS BEE...