Propesiya sa Hinaharap

106 5 4
                                    

Gabi sa lupain ng mga encantado, napakalalim ng gabi na bumabalot sa lupain, lahat ng mga naninirahan mapa diwata man o ano paman na lahi ay nahihimbing na tulog sa kanilang mga higaan, liban nalamang sa isang nilalang.

Sinuot nya ang kasuotan na pang tago ng kanyang anyo, kinuha nya ang kanyang sandata at naglaho papaalis ng kanyang silid.

Naglakbay sya ng naglakbay hanggang sa maabot nya ang pinaka dulo ng Encantadia.

Pinagmasdan ng nilalang ang tubig na bumabalot sa lupain, huminga sya ng malalim at sinamo ang kanyang kapangyarihan.

Nakita nya ang mahika na bumabalot sa isang isla, ginamit nya ang kanyang Evictus at umalis sa lupain ng mga encantado.

Nagtungo sya sa isla na matagal na nanyang binayaan. Ginamit nya ang kanyang sandata upang maipakita ang isang lagusan.

Muli syang huminga ng malalim, Pinagmasdan nya ang lagusan at dinamdam ang kapangyarihan ni bumabalot dito.

Tama nga ang aking hinala, laking alala nya.

Gamit ang isang Encantasyon nagbukas ang lagusan, dahilan upang mapaatras ang nilalang, nakita nya ang buong lupain na puno ng nyebe, ang paligid na puno ng lamig at  dismaya.

Bago paman sya makapagsalita naglaho ang isang nilalang sa kanyang harapan.

Makalipas ang pitong putwalong siglo na ating huling pag uusap, Biglaan kanalamang dumating sa aking lupain, mahal kong kapatid. Wika ng nilalang

Avisala, Ursula wika ni Cassiopeia sa kanyang kakambal.

Ngumisi naman ang kanyang kakambal, Bathaluman Kana nga! Laking pasasalamat ko sa pinakamataas na bathala! Wika ni Ursula na alam ni Cassiopea nagiging sarkastiko lamang ito.

Huwag Mona akong paikutin ng iyong mga matatamis na salita Ursula, Hindi mo ako maloloko, Wika ni Cassiopea na naiirita

Inirolyo lamang ni Ursula ang kanyang mga mata.

Wala kaparin pinagbago, Kasing tigas parin ng yelo ang iyong pag iisip at puso, wika nya habang pinagmamasdan ang kanyang kapatid.

Alam mo ang dahilan kung bakit ako narito, huwag kanang mag panggap na wala kang alam.

Tama ka! Dumating na ang aking pinakasinasabik na araw, Ang aking kalayaan! Sigaw ni Ursula, at sabay naman kumidlat sa lupain at umulan ng malalaking bloke ng yelo, Ginamit naman ni Cassiopea ang kanyang kapangyarihan upang hindi sya matamaan.

Tama ka, Ngayong bathaluman nako, malaya Kana, wika ni Cassiopea, ngunit wag mong iisipin na hahayaan ko muling sakupin mo ang isang lupain, kagaya ng ginawa mo sa Neveria! Sigaw nya

Ngumiti lamang si Ursula, Bakit? Takot ka? takot ka na masakop ko ang Encantadia?

Tingnan nalamang natin kung kakayanin mo itong masakop, ngumisi si Cassiopea

Bago paman muling nagsalita si ursula, agad naman tumalikod si Cassiopeia upang umalis ngunit hinawakan ng kanyang kakambal ang braso.

Wag kang aalis ng basta basta nalamang, lalo na't hindi pa tapos ang ating pag uusap! Wala kang galang! Sigaw ng kanyang kapatid

Kahit kailan, hinding hindi ko talaga igagalang ang isang nilalang na Gaya mo! Sigaw ni Cassiopeia sabay pagkuha sa kanyang braso papalayo.

Hm? malakas na ang loob mo ngayong bathaluman Kana? Ngunit bakit noon hindi? Lalo na't parehas naman tayong binuhay bilang mga bathala, kung tutuusin mas humina ka kumpara ngayon, laking ngiti ni Ursula

Hindi nalamang ito pinansin ng Bathaluman at tuluyan na syang umalis,

Kung tuluyan kang nagmamadali, Ipapaalala ko sayo, Nasakop kona ang Neveria, kung kaya't madalian nalamang ang Encantadia para sa akin, at sa oras na magawa ko ito makikita mo ang iyong mga minamahal na nilalang na mag hihirap sa aking kamay.

Pinigilan ni Cassiopeia ang kanyang sarili na sabugan ng kapangyarihan ang kanyang kakambal, kung kaya't napatigil sya sa kanyang paglalakad

Isusunod ko rin ang ating pinanggagalingang langit, Isinusumpa ko na magsisisi silang itinapon nila tayo papaalis sa ating tahanan. Babagsak sila, kagaya narin ng nalalapit na pagbagsak mo! Ito ang huling sinabi ni Ursula bago naglaho na tumatawa.

Nilisan ni Cassiopeia ang lupain at isinara ang lagusan patungo sa Neveria, agad syang nagbalik ng Encantadia at nagtungo sa kanyang isla na mag isa.

Napaupo sya sa lupa, at pinigilan ang kanyang sarili na tumangis, naalala nya ang lahat na paghihirap na pinaranas sakanya ng kanyang kapatid lalo na noong magkasama pa sila.

Hindi ko hahayaan na manalo ka, isinusumpa ko sa aking sarili na muli kitang tatalunin, at sa pagkakataon na ito, hinding hindi Kana makakabalik pa, isinusumpa ko.

Tumayo ang Bathaluman sa kanyang kinaroroonan, sinamo nya ang kanyang dating sandata, ang Sentro ng Ornelda Ang kanyang pinaka una at makapangyarihan na sandata.

Itinutok nya ito sa langit at nag wika ng isang Encantasyon upang maprotektahan ang lahat ng nilalang ng Encantadia sa paparating na panganib, mapa pashnea man o encantado maging ang mga kagamitan, kasabay narin ng kanyang kapangyarihan binigyan nya ng basbas ang lupain para sa nalalapit na kaguluhan

Ito ang kanyang huling ginawa bago bumalik ng Devas, Sinigurado nya na walang nakakaalam ng kanyang isinagawa.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon