STORY REQUESTED BY: Museane
(I HOPE MA ENJOY MO ANG IYONG REQUEST 🌸)
_______________________________________________________
Naglaho si Lira sa kanilang silid ni Mira dala dala ang isang pulbos na mahika, Kitang kita sa kanilang higaan na nahihimbing ang Sanggre ng Hathoria. Ngumiti si Lira ng makita nya ang kanyang pinsan.
Sorry Mira, pero sana magustuhan mo to. Wika ni Lira
Gamit ang Pulbos ng mahika, hinihip nya ito sa hangin at Agaran naman naglaho papaalis.
Ramdam ni Mira ang kakaibang pangyayari ngunit patuloy syang nagpahinga.
Nagising ang Sanggre sa Hardin ng Lireo, pinagmamasdan ang puno ng kanilang Ila Minea, laking puno at bunga ang pinapahiwatig nito.
Nawa'y masaya Kana sa iyong kinatatayuan ila wika ni Mira.
Ipinikit nya ang kanyang mga mata, inamoy ang simoy ng hangin, hanggang sa May naramdaman sya na biglang yumakap sa kanyang likuran.
Nagmulat ang mata ng Sanggre at hinarap ang nilalang, nanlaki naman ang kanyang mga mata ng makita nya ang hindi inaasahan.
A.. Anthony? Tanong ni Mira
Ako nga Mira, it's been so long, wika ni Anthony sabay muling niyakap ang Sanggre.
Hindi maintindihan ng ssnggre ngunit tila biglaan nyang naiintindihan ang mga winiwika ng mortal.
Gulat naman ang pumasok sa isipan ni Mira, ngunit hindi nya pinigilan ang kanyang sarili na muling mayakap ang mortal na kanyang minahal, sa una at sa huli.
Anthony, pano ka nakapunta rito? Tanong ni Mira, at bakit bumalik ang iyong dating wangis?
Mira, Relax kumalma ka wika ni Anthony
Anthony naguguluhan ako, Pano? Tanong ni Mira.
Mira, nandito ako para tapusin ang misyon ko with you, o Sayo. Laking ngiti ni Anthony
Ano ang iyong ibig sabihin? Tanong ni Mira
Hinawakan ni Anthony ang kanyang mga pisngi, Mira alam kong nasasaktan kaparin, alam kong matagal monang kinikimkim ang sakit at pighati na nararamdaman mo dahil saakin. I want you to be free from that.
Unti unting tumulo ang luha ng Sanggre, pinagmasdan nya ang kanyang mukha.
Poltre Anthony, Mahal na mahal kita, ang hirap mong bitawan, ikaw lamang ang nilalang na nagparamdam ng ganitong pagmamahal saakin. Wika ni Mira, Hindi ito ganun kadali
Wala kang dapat ipaghingi ng tawad, nagpapasalamat ko na minahal Moko, isang mortal, alam kong wala akong chance o pag asa, ngunit binigyan moparin ako ng posisyon sa iyong puso. I'm so grateful to meet someone like you.
Anthony, kung maari kolamang ibalik ang nakaraan...
Mira, wala kang dapat baguhin, nakatakda ang lahat ng ito, Minahal kita Mira, mayroon kang space sa puso ko na para lang sayo, pero ayokong habang buhay kang maghihirap dahil lang sa akin. Gusto kong buksan mo ang puso mo para sa ibang lalaki, marami sila, darating din ang araw na makakasama mo ang dapat sayo.
Ngunit, ikaw ang aking nais. Wika ni Mira na tuluyan naiiyak
Sa ibang Universe, May posibilidad na maging tayo, ngunit hindi sa panahon na ito. Alam kong magiging masaya ka, sa oras na pakakawalan Mona ako. Gawin mo ito Mira, para sa akin at para sayo.
Ito ang huling narinig ng Sanggre, Inilapit ni Anthony ang kanyang mukha at hinalikan ang ssnggre sa labi, hindi naman nag dalawang isip na humalik pabalik ang ssnggre sakanya.
Nagising si Mira sa kanyang panaginip, agad syang napabangon, tiningnan nya ang kanyang paligid, tila wala si Lira wika nya
Hinawakan nya ang kanyang pisngi, Ramdam nya ang luha ns tumulo rito.
Naalala ng Sanggre ang kanyang panaginip, Dinama nya ang mga winika sakanya ni Anthony.
Kung ito ang makakabuti para saatin, Pinapakawalan na kita Anthony, Avisala Eshma. Mahinhin na wika ng Sanggre sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Encantadia (Short Stories)
FanfictionA COLLECTION OF ENCANTADIA SHOFT STORIES, FROM DIFFERENT TIMELINES THAT I MADE UP. NOTE📢📢 ____________________________________________ (NOT EVERYTHING IN THE STORY IS CANON OR RELATED TO THE 2016 SERIES) (TITLES THAT INCLUDE ~ THIS SYMBOL HAS BEE...