Sa Devas nasasabik na si Amihan, ilang araw nalamang babalik na syang muli sa Encantadia, hindi bilang isang Ivtre, kundi bilang isang ganap na Encantada. Muli syang mabubuhay dahil sa napagtagumpayan nyang pagsubok na inihatol sakanya.
Sa kanyang silid nag aayos si Amihan ng kanyang mga kagamitan, hindi ito marami ngunit nais nya parin itong ayusin lalo na kung aalis na sya ng tuluyan sa kanyang pangalawang munting tahanan.
Hindi nag tagal May kumatok sa pintuan ng kanyang sariling Silid.
Tuloy! Wika ng sanggre nang hindi tumitingin kung sinoman ito.
At duon pumasok ang nilalang, walang iba kundi ang kanyang Ama na si Raquim, nakita nya na puno ito ng ngiti, agad nya naman nilapitan ang kanyang anak at niyakap. Hindi rin nag dalawang isip ang sanggre na ibalik ang pagmamahal na binibigay ng kanyang ama sakanya.
Handa kanaba Amihan? Tanong ng Rehav ng Sapiro
Humiwalay si Amihan at hinarap ang kanyang Ama
Oo Ama! sobrang handa nako! matapos ang ilang panahon makakasama kona muli ang aking pamilya! Nasasabik nakong muling makapiling sina Lira At Ybrahim! wika nya, kay tagal na panahon ko itong hinintay ama!
Ikinagagalak kong makakabalik Kana muli, wika ni Raquim.
Bago paman matuloy ang kanilang pag uusap May biglang sumabog sa labas ng silid ni Amihan,pareho silang nagulat dahil sa pangyayari.
Anong nangyayari? Tanong ni Amihan, bakit May nagpapasabog?
Hindi korin alam anak, ngunit dito kalamang ako na ang titingin wika ng Rehav at agad naman inilabas ang kanyang sandata.
Sasamahan na kita Ama! wika ni Amihan, hindi nya nais na mapahamak ang kanyang ama lalo na't kung anomang nangyayari ngayon sa Devas.
Hindi na Amihan, kaya ko naman lumaban kung May panganib na paparating, dito kanalamang, mas makakaligtas ka dito. Kinakailangan mong mag ingat lalo na't malapit narin ang iyong pagbabalik, maliwanag?
Kung yan ang iyong nais, Maliwanag ama.....mag iingat ka ama! wika ng Sanggre na nag aalala.
Ngumiti ang kanyang ama at agad naman lumabas ng silid, tumalikod si Amihan at huminga ng malalim, ngunit biglang nagkaroon ng malakas na usok sa kanyang silid.
Dumating ang punto na wala na syang nakikita, hinintay nya na mawala ang usok at May biglang nagpakitang nilalang sa kanyang harapan
Avisala Amihan wika ng nilalang na tila nakakakilabot ng mga dugo.
Sino ka? At anong ginagawa mo saaking silid! Pinag masdan ni Amihan ang kanyang wangis at napansin nya na ito ay si Cassiopeia.
Mahal na Bathaluman!...natakot nyo ako! anot bigla kayong nagpakita sa aking silid? Tanong ng Sanggre, hindi gaanong basta basta nalamang pumapasok ang Bathaluman ng walang pahintulot, ito ang kanyang pagkaka alam.
Ngumisi ang nilalang May nararamdaman si Amihan na mali May ibang pinapahiwatig ang nilalang. Iba ang kanyang pag iisip at galaw.
Matapos nito ipakita ang kanyang wangis, lumabas muli ang mga usok sa kanyang silid, naramdaman nya ang poot sakanyang dibdib at hindi nag tagal nawalan sya ng malay. Naiwan ang sanggre ng walang kalaban laban.
Nilapitan ng Encantada ang katawan ng Sanggre
Maligayang pagbabalik Sanggre wika ng nilalang
Ginamit nya ang kanyang kapangyarihan at naglaho papaalis dala ang Ivtre ng Sanggre.
BINABASA MO ANG
Encantadia (Short Stories)
FanficA COLLECTION OF ENCANTADIA SHOFT STORIES, FROM DIFFERENT TIMELINES THAT I MADE UP. NOTE📢📢 ____________________________________________ (NOT EVERYTHING IN THE STORY IS CANON OR RELATED TO THE 2016 SERIES) (TITLES THAT INCLUDE ~ THIS SYMBOL HAS BEE...