~Sapilitang Pagkumbinsi~

120 5 16
                                    

STORY CREATED FOR: Encantadiks1285643

This is for you, Yung meme na pinag send ko Haha!😉
-----------------------------------------------------------------------------------

Sige na Lola Cassy Please! Nagmamakaawang wika ng Sanggre sa Bathaluman,

Lira, Poltre, ngunit marami akong kinakailangan asikasuhin, lalo na ngayong nagbalik ang aking kakambal, Sagot ng Bathaluman sa Sanggre

Ilang araw na kinukulit ni Lira si Cassiopeia na magtungo sa mundo ng mga tao, upang kahit papaano mabigyan rin ng pagpapahinga ang Bathaluman sa kanyang mga tungkulin. Sinundan sya ng Sanggre kahit saan sya pumunta, mapa Encantadia man o Devas, o sa kanyang isla. Walang takas ang Bathaluman.

Sige na Mata! Please! Pinangako ng aking sarili na bibigyan kita ng day off, at hindi ako titigil Hanggang hindi ko ito nagagawa! Wika ng Sanggre upang makumbinsi ang Bathaluman

Bakit kasi hindi mona lamang pagbigyan ang Sanggre? Tanong ng Bathala na kakarating lamang.

Nagulat naman ang bathaluman at napabuntong hininga, wala syang tatakasan sa dalawang ito. Wika nya sa kanyang sarili

Tingnan mo! Pati si Emre nag a-agree na! Sige na Cassiopea Please! Wika ni Lira

Napabuntong hininga ang Bathaluman, inisip nya na sandali lamang sila at maari na nyang magawa muli ang kanyang mga tungkulin, at kapag pinagbigyan nya si Lira, maaring iwanan narin sya ng napaka kulit na sanggre.

Bago nya sagutin ang sanggre, napangiti sya dahil sa kanyang naisip.

Sige Lira, Sumasang-ayon nako wika ni Cassiopea at agad naman nagdiwang ang Sanggre, Ngunit sa isang Kondisyon, bugtong ng Bathaluman

Sige deal! pero anong kondisyon? Tanong ni Lira

Napangiti ang Bathaluman at hinarap ang kanyang Katabi, May kakayahan ka na basahin ang aking isipan hindi ba? Kung kaya't alam Mona ang aking sasabihin. Laking ngiti ng bathaluman

Poltre ngunit hindi ako papayag sa iyong nais, wika ng Bathala

At sinong nagsabi na May karapatan kang gumawa ng sarili mong desisyon? Tanong ng bathaluman habang nakangisi. Ikaw ang nagbigay ideya, kung kinakailangan kong maghirap sa kamay ng aking makulit na Luntei, Idadamay narin kita.

Ngunit- Bago paman makapagsalita ang bathala, agad syang pinigilan ng bathaluman.

Wala kanang maari lang sabihin, Baka nais mong muli akong magalit? Wika ni Cassiopea bilang babala.

Napabuntong hininga nalamang ang bathala, wala syang takas sa dalawang diwata na ito wika nya sa kanyang sarili.

Tara na Lira, Gawin na natin ang iyong nais wika ni Cassiopea

Finally! Dali habang May araw pa! Wika ng Sanggre na natutuwa, at dito naglaho silang tatlo papaalis ng Devas.

Hindi nag tagal, agad naman nakapunta ang tatlo sa mundo ng mga tao, sinigurado nila na ang kanilang mga kasuotan ay kapantay lamang ng mga naninirahan dito upang hindi magbigay ng katanungan.

Buong araw, nilibot ng Sanggre ang Bathaluman sa ibat ibang parte na matagal na nyang hindi napupuntahan, samantalang sinusundan lamang sila ng bathala kung saan sila nagtungo.

Kahit ayaw aminin ng Bathaluman, Nagustuhan nya rin ang araw na ito lalo na't naitala rin sya sa realidad na kanyang kinatatayuan. Binigyan sya ng pagkakataon na maging masaya kahit sandali lamang.

Bago nila tapusin ang araw, pinuntahan ng Sanggre ang Bathaluman at nagtanong.

Mata gusto mo ng streetfood? Baka nagugutom Kana dilang nag sasabi, kanina pa ako kain ng kain habang nakatayo kalang dyan. Wika ni Lira

Huwag kang mag alala Sanggre, akong nang bahala wika ng Bathaluman. Tiningnan nya ang paligid at nakita ang kapwa bathala na nakaupo malapit sa May fountain na tinutukoy ng Sanggre kung kaya't nilapitan nya ito.

Cassiopea, Tapus naba kayo ni Lira? tanong ng Bathala,

Oo na, ngunit bago tayo magbalik ng Encantadia, Maari moba ako ibili ng pagkain na kinakain ni Lira? Tanong ni Cassiopea

Bago paman magtanong ang bathala, nakita nya na nakataas ang kilay ng Bathaluman kaya't agad nya nalamang itong sinunod, natawa naman ang bathaluman nang maka alis sya.

Habang bumibili ang bathala nilapitan ni Cassiopeia si Lira, lalo na't pansin nya na todo ang pagtawa ng Sanggre sa kanyang Cellphone.

Lira, bakit tila tawang tawa ka? Tanong ni Cassiopea.

Pinakita ni Lira ang kanyang nakuhang litrato ng bathala, at agad naman natawa ang Bathaluman. Patuloy tumawa ang dalawa hanggang sa bumalik na ang bathala.

Ito na ang pinapabili mo, ngayon maari naba tayo bumalik ng Encantadia? Tanong ng Bathala

Tiningnan sya ng dalawa at patuloy lamang natawa, inisip nya na tila nababaliw na sila ng tuluyan. Matapos ang kanilang kasiyahan muli narin silang nagbalik ng Encantadia upang matapos ang kanilang ginawang paglalakbay.























































Encantadiks1285643 Yung Meme:

Encantadiks1285643 Yung Meme:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon