~Sayaw sa Lamig~

137 4 0
                                    

Sa gubat, Nag lalakad sina Paopao Lira at Mira dahil ang Encantadia ay nababalot sa nyebe, Naisipan ni Lira na dalhin ang kanyang mga kaibigan na sina Mira at paopao sa isang ilog na naging yelo na nakita nya noong nakaraang araw

Ilang araw na ang nakalipas ng kumalat ang nyebe sa Encantadia, kahit hindi panaman panahon ng tag lamig ngunit hindi naman ito ikinakabahala ng mga pinuno

Lira! hindi naman ako marunong mag ice skate!siguraduhin mo aalalayan mo kami! Wika ni paopao habang pinagmamasdan ang paligid

Don't worry ako bahala sainyo! wika ni Lira at ngumiti

Napatigil ang kanilang pag lalakad ng may biglang naglaho sa harapan nila agad naman silang umatras

Nilabas ni Lira ang kanyang kapangyarihan habang nilabas nila Mira at Paopao ang kanilang mga sandata, hindi nag tagal nakita nila sina Cassandra Hekatia Adamus at Helia

Avisala! Wika ng mga diwani

Nang makita nila ang mga diwani agad naman silang uminahon

Cassy naman! Akala namin kung sino buti nalang hindi namin kayo natamaan ng sandata o kapangyarihan! wika ni Lira

Tama si Lira, kundi baka kami pa ang nabaon ng mga ashti at ina natin! wika ni mira

Poltre ideya, hindi na mauulit. wika ni Hekatia

Ano nga palang ginagawa nyo dito? Tanong ni Paopao

Dahil wala kaming magawa sa Lireo, naisipan naming sundan kayo! wika ni Adamus

Pasan nga pala kayo? Wika ni Helia sa tatlo

Ahh! papunta kami sa frozen lake mag a- ice skating kami! May nakita kasi ako nung isang araw na frozen lake kaya naisipan ko na dalhin sila paopao at Mira dun. wika ni Lira

At duon natahimik ang mga diwani, nagtinginan sina Paopao Lira at Mira sa isa't isa

Hindi ka nila naiintindihan! wika ni Mira

Ahhh! wika ni lira Sumunod nalang kayo samin! At duon nagsimula na muli ang paglalakbay nila, Nagtinginan ang mga diwani ngunit sa huli sumunod nalamang sila.

Matapos ang paglalakbay nila ng ilang oras naabot narin nila ang lugar na tinutukoy ni Lira.

Nakita nila ang isang ilog na naging yelo, mga puno na puno ng nyebe at May mga pashneya na para sa panahon ng taglamig, meron ding mga lambana at maraming tanim.

Lira ang ganda dito! Wika ni Mira

Oo nga ideya ang ganda! wika ni Hekatia

At duon nag hiwa hiwalay sila upang napagmasdan ang lugar, naglaro ang mga diwani habang tinuruan niya Lira at Mira sina Paopao na mag Ice Skating ng Hindi sya mahihirapan.

Habang nag lalaban ang tatlo na kung sino ang mas magaling mag ice skating may narinig silang kakaiba.

Tada! Sabi ko sayo ako mas magaling! wika ni Lira

Oo na Lira, wika ni paopao at mira ngunit nawala ang atensyon nila ng May marinig silang isang boses

Naririnig nyo bayun? Tanong ni paopao

Oo wika ni Mira,

Uy gagi! Ako din! wika ni Lira sundan natin kung saan sya nanggagaling!

Lira wait! Ang kulit talaga nya! I-tetape na talaga kita tandaan moyan! Wika ni paopao at duon sinundan nila ang sanggre

Nakita nila si Lira ng May makita syang isang nilalang tiningnan nya ng mabuti hindi nya namalayan sina Paopao at Mira na katabi na nya

Lira naman! Wika ni Mira

Wag kang maingay Mira! Wika ni Lira

Bakit ano ba ang nangyari? Tanong ni paopao

Tingnan nyo yun oh! Wika ni Lira agad naman nila tiningnan

Nakita nila ang isang Encantada na tila nag a-ice skating din. Patuloy nilang pinag masdan ngunit hindi nila napansin ang mga diwani at bigla silang ginulat

Hoy! Wika ng apat at napasigaw ang tatlong magkakaibigan narinig ng Encantada ang sigaw kaya nahulog rin sya sa kanyang mga Paa dahil sa pagkagulat.

Hala tulungan natin! Wika ni paopao at tumakbo upang tulungan ang Encantada

Huy wait lang! Wika ni Lira

Lahat sila sumunod upang tulungan ang Encantada agad naman nila nakita ang kanyang wangis

Cassiopea?! Ikaw yung nag a-ice skating dito? Tanong ni Lira galing mo ha! Wika ni Lira

Mga sanggre! diwani! anong ginagawa nyo rito? Tanong ni Cassiopeia sa mga lahat.

Nag A-Ice skating! wika ni Mira kagaya ng ginagawa nyo kanina.

Ang pagsayaw sa nyebe? Wika ni mata habang nakangiti

Oo ganun! wow ang galing mo! pano mo natutunan yun? Tanong ni Lira

Ngumiti si mata May mga alala na dapat hindi na balikan pa Lira, wika ni Cassiopeia

Paturo naman nga kami! wika ni adamus

Tumango sya at ginamit nya ang kanyang kapangyarihan upang baguhan ang kanilang mga kasuotan.

Buong araw tinuruan nya ang mga Sanggre at Rehav sa kanyang dating gawain

Walang nakakaalam na ito ang isa sa mga pinakagustong gawin ng kanyang kapatid na malapit ng magbalik.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon