~Habang Buhay~

155 5 1
                                    

Ilang Dekada narin ang nakalipas ng naitapon ang limang bathala sa abandonadong lupain , inaakala nila ang pagiging nuetral ay isa sa mga paraan upang hindi nila makalaban ang kahit sino man sa kanilang mga kaibigan, ngunit nag kakamali sila.

Matapos ang mahabang panahon na paghahanap ng lupain na maari nilang matirahan naisipan nilang lumikha ng isang lupain na alam nilang mapakikinabangan nila, naging ang mga nilalang na naririto kung saan mapag hahati hatiian nila.

Ilang panahon na ang nakalipas ng malalang ang Encantadia, parang perpekto na ang lahat ngunit hindi maalis sa kanilang mga isip ang pangungulila dahil sa naiwan nilang tahanan.

Naglalakad si Ether sa gubat ng makita nya si Haliya, na umiiyak sa May bato, agad nya naman nilapitan ang kanyang kaibigan upang saklolohan ito.

Haliya, bakit ka umiiyak? Tanong ng Bathaluman

Tiningnan ni haliya ang kanyang kaibigan at sumagot, Sinubukan kong bumalik sa ating Tahanan ngunit nanataling sarado ang pintuan ng langit, habang buhay na tayo rito maninirahan wika ni Haliya at muling umiyak. Wala na tayong pag asa na makabalik

Naawa sya sa kanyang kaibigan lalo na't alam nya na hindi basta basta ang mga bagong bagay na dapat nilang kasanayan, ayaw nyang aminin ngunit maging sya ay nahihirapan din sa bago nilang estatos.

Tumahan Kana kaibigan, halika bibigyan kita ng isa sa mga pagkain alam kong magugustuhan mo! wika ni Ether at ngumiti sakanya

Ngumiti ng onti si Haliya, Avisala Eshma Ether at duon niyakap nya ang Bathaluman agad naman yumakap pabalik si Ether upang suportahan sya.

Nang gabing iyon umupo si Ether sa dulo ng isang bangin at pinag masdan ang kalangitan.

Naisip nya ang mga sinabi ni Haliya, nakita nya ang buwan na tila napaka liwanag hindi nag tagal May tumabi naman sa kanyang isang nilalang

Hindi sya nabigla lalo na't alam nya kung sino ito.

Ether nandito kanalang pala, kanina pa kita hinahanap, anong ginagawa mo dito? At bakit ka mag isa? Tanong ni ate

Tumingin lamang sya sa kanyang muka at ngumiti, hindi na nagsalita ng kahit isang letra ang Bathaluman.

Nararamdaman kong May problema ka, bakit hindi mo sabihin sa akin? Tanong ni Arde sakanya.

Naisip ko lamang habang buhay na tayo maninirahan dito, at napaka sakit naman sa aking looban na hindi natayo makakabalik kahit kailan man sa langit, marami tayong mga kaibigan na naiwan roon at mga ala ala na tila iniwan nalamang natin. Hindi ko aakalain na aabot tayo sa ganito.

Tiningnan ni Arde si Ether at nagsalita.

Alam mo, hindi naman masama dito sa lupain, May mga bagong nilalang tayo na maari nating makausap at maari tayong pagsilbihan, at isa pa narito naman ako hindi paba ako sapat? Tanong ni Arde na tila nagtatampo

Kung Ano-ano ang iyong mga iniisip Arde!, wika ni Ether at natawa

Tumingin naman ng papalayo ang Bathala at itinago ang kanyang ngiti.

Avisala Eshma, at kahit ano mang nangyari hindi Moko iniwan wika ni Ether

Bakit naman kita iiwan? Mahal na mahal kita Ether wika ni arde, Walang magiging dahilan upang iwan kita ng basta basta nalamang.

Tumingin si Ether sa bathala at ngumiti hindi naman nag dalawang isip na halikan nya ang Bathaluman sa labi.

Hindi nag tagal bumitaw ang bathaluman

Bumalik na tayo sa ating tahanan, malapit nang mag hating gabi wika ni Ether Tumango naman si Arde at duon Umalis sila pabalik sa lugar na kanilang tinitirahan.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon