STORY REQUESTED BY: ReicelCervantes
(I HOPE MA ENJOY MO ANG IYONG REQUEST 🌸)
_______________________________________________________
Tumakbo ng tumakbo ang bathaluman sa korido ng Devas, iniiwasan nya ang mga nagbabagsakan sya ng mga semento at estraktura, sinubukan nya na makalayo ngunit May isang nilalang na hinila ang kanyang Paa at naitapon sya sa pader. Sinubukan nyang bumangon ngunit hindi kinaya ng kanyang katawan, tiningnan nya ang mga nilalang sa harapan nya.
Panahon na upang mamaalam ka Cassiopeia wika ng nilalang, tumawa ito kasama ang kanyang mga kasama
Namukaan nya ang mga ito, si Ether, si Arde, si Haliya at si-Hindi, hindi maari! wika nya.
Kinuha ng nilalang ang hawak hawak nyang sandata at sinaksak ang bathaluman.
Dahil sa pangyayari biglang nagising si Cassiopeia, ang kanyang hininga na ay parang hinahabol sya, tiningnan nya ang paligid at nakita nya ang dilim, malayo pa ang sikat ng araw tiningnan nya ang kanyang asawa na natutulog ng mahimbing, ngumiti ang bathaluman bago sya tumayo at lumisan sakanilang silid.
Nagtungo ang Bathaluman sa kanilang balkonahe, pinagmasdan ang mga ulap at ang langit, kasama ang mga bituin at ang buwan.
Gising pa kaya si Haliya? Tanong nya sa kanyang isipan, inamoy nya ang sariwang hangin at pinagisipan ang kanyang panaginip, lahat ng panaginip nya ay malaking babala, at itong panaginip na'to ay halos mag i-isang Linggo nang bumabalik balik sa kanyang isipan, huminga sya ng malalim at ipinikit ang kanyang mata, maya maya May naramdaman syang nilalang na niyakap sya bigla, ngumiti si Cassiopeia at nagsalita.
Hindi ba dapat tulog kana? Tanong ng bathaluman
Hindi ba dapat ako ang nagtatanong nyan sayo E Correi?
Ngumiti nalamang sya bago nya harapin ang kanyang asawa. Nang harapin nya ito hinalikan sya bigla sa labi at hindi naman nagdalawang isip si Cassiopeia na halikan sya pabalik
Nabigla nalamang ako ng hindi kita maramdaman sa tabi ko, kung kaya't hinanap kita agad agad
Hindi mo naman ako kailangan alalahanin lalo na't kaya ko ipagtanggol ang sarili ko.
Alam ko naman yan, nguni't bakit ka nga ba nandito? Napakalalim na ng gabi.
At duon tumalikod si Cassiopeia, naramdaman nya ang lungkot na pumasok sa kanyang asawa kung kaya't nagtanong sya
Ano bumabalabag sa iyong isipan? Maari ko bang malaman?
Hindi na kailangan Emre kaya ko itong masolusyunan, wika nya
Tungkol ba ito sa iyong napapanaginipan? Tanong ng bathala at duon natahimik si Cassiopeia
Oo, wika nya, paulit ulit nalamang na napapaslang ako sa aking panaginip, at ang pinaka ayoko na naalala ay ikaw ang pagpaslang sakin. Kung kaya't minsan ay natatakot nako sayo, hindi kona alam ang aking gagawin wika ni Cassiopeia, hinayaan nya na tumulo ang kanyang luha, totoo naman hindi na nya kayang kimkimin pa ang kanyang nararamdaman na pighati, kapag hindi sya umamin ay baka May masama pang mangyari.
Niyakap sya ni Emre at pinatahan sa kanyang pagtangis, masakit para sakanya na nahihirapan ang kanyang minamahal kung kaya't nagsalita na sya.
Cassiopeia wag na wag mong iisipin na magkakatotoo ang iyong panaginip, mahal na mahal kita at hindi ko ito magagawa sayo, nais kong isipin mo na mali ang ibang mga nakikita mo at napapa naginipan, ano man ang mangyayari ay hinding hindi kita sasaktan tandaan moyan, wika nito at hinalikan ang noo ng Bathaluman
Noong araw na pinaslang ka ni Arde, biglang gumuho ang aking buhay at mundo kung kaya't hindi ako gagawa ng ano mang bagay na ikakapahamak mo dahil mahal na mahal kita, gagawin ko ang lahat para sayo. E Correi Diu Cassiopeia.
Tiningnan sya ng bathaluman, natigil na ang kanyang pagtangis at winika
E Correi Diu Emre, Avisala Eshma at pinalakas mo ang aking loob, ikaw talaga ang pinaka mabuting gantimpala na pinagkaloob sakin.
Maging ikaw rin, ikaw ang naging susi ng aking pagkatao. Halikana at bumalik na tayo sa loob, malapit narin sumikat ang araw.
Kinuha nya ang kanyang kamay at pumasok sila sa kanilang silid at muling nagpahinga, Sa pagkakataong ito ramdam ni Cassiopeia na nasa ligtas syang kamay, wala na syang dapat ikatakot sa ngayon.
BINABASA MO ANG
Encantadia (Short Stories)
FanfictionA COLLECTION OF ENCANTADIA SHOFT STORIES, FROM DIFFERENT TIMELINES THAT I MADE UP. NOTE📢📢 ____________________________________________ (NOT EVERYTHING IN THE STORY IS CANON OR RELATED TO THE 2016 SERIES) (TITLES THAT INCLUDE ~ THIS SYMBOL HAS BEE...