Ikinagagalak kong natapos narin ang sandatang para kay Cassandra wika ni Cassiopea.
Pinagmasdan nya ang sandata na inilikha nya para lamang sa munting Diwani, alam nya na malaki ang gagampanan ni Cassandra kung kaya't ang espada na kanyang inilikha ay magiging matulungin, gaya nalamang ng espadang Avatar ni Lira.
Ginamit nya ang kanyang kapangyarihan upang ito ay maglaho, at maitago muna lalo na't alam nya na hindi pa naman ito ang panahon upang ibigay ang sandata kay Cassandra.
Pinagmasdan ng bathaluman ang kanyang mahiwagang bukal, at napagmasdan nya na tila wala na itong tubig.
Tanakreshna, tila natuyo ang kanyang mahiwagang tubig para sa kanyang balintataw wika nya sa kanyang isip.
Tila kinakailangan konanaman kumuha ng tubig sa batis ng katotohanan, wika ni Cassiopeia
Pinagmasdan nya ang buwan, kay liwanag nito, isa lamang ang ibig sabihin ng pangyayari. Nasa Encantadia si Haliya wika ni Cassiopeia
Tila Panahon na upang kumuha ako ng tubig sa batis, at sa ganitong paraan mabibisita Korin ang aking kaibigan. Ito ang huling wika ng bathaluman bago naglaho papaalis sa kanyang kuta.
::
Nagtungo ang Bathaluman sa isang gubat, upang mahanap rin ang ibat ibang nga kagamitan na kinakailangan nya, habang naglalakbay ang Bathaluman rinig nya ang boses ng isang Encantado sa gilid na umiiyak.
Sinundan nya ang boses na narinig, at nakita ang encantado na tila tumatangis sa May puno,
Avisala wika ni Cassiopeia, anot tila tumatangis ka? Tanong nya sa Encantado
Tiningnan sya ng encantado at nagbigay pugay bago nagsalita, Poltre mahal na bathaluman, ang pagkain na dapat ko sanang dadalhin sa aking pamilya, ay May nagnakaw noong nagbabanlaw ako sa batis ng katotohanan.
Laking lungkot naman ng bathaluman ng marinig nya ito, kung kaya't naisip nya na gamitin ang kanyang kapangyarihan upang maglikha ng mga pagkain na maari nyang dalhin para sakanyang pamilya.
Tanggapin mo ang mga pagkain na ito, at balikan Mona ang iyong pamilya lalo na't nag aalala na sila sa iyong matagal na pagkawala wika ng bathaluman.
Nang makita naman ng encantado ang inilikha ng Bathaluman, laking ngiti naman ang bumalot sa kanyang mukha, agaran nya naman kinuha ito, Sabay nagpasalamat at agad umalis.
Huminga ng malalim ang Bathaluman, bago pinatuloy ang kanyang paglalakbay. Nang malapit na nyang marating ang batis, tila narinig nyarin ang ibang encantado na tila nagagalit.
Bago sya muling makatapak, May nag bigay ng babala sa Bathaluman.
Mag iingat ka bathaluman, lalo na't May hindi pangkaraniwang nilalang ang nagnanakaw ng mga pagkain sa batis.
Kumunot naman ang noo ni Cassiopeia, ngunit inisip nya na alamin ang kahulugan na tila nangyayari sa May batis ng katotohanan.
Isinamo ni Cassiopeia ang Kabilan at agaran naman umalis, sakanyang paglalakad, naririnig nya ang isang encantado na tila nasisiyahan. Sinundan nya ang tunog hanggang sa makaabot sya sa batis.
Kitang kita ang linis ng tubig, ang silaw ng buwan, ngunit pag tingin ng Bathaluman sa May puno nakita nya ang isang nilalang na napakalakas kumain, at tila nasisiyahan sa kanyang napapalibutan mga ninakaw.
Halata sa kanyang itsura kung sino ito, maging ang mga kinakain nya, kung kaya't agad naman nyang nilapitan ang nilalang.
Haliya... Huwag mong sabihin na ninakaw mo ang lahat ng pulot sa ibat ibang encantado, Babala na wika ng bathaluman
Agad naman syang tiningnan ng kanyang kaibigan habang kumakain, Kung yan ang iyong nais hindi ko sasabihin, sagot ni haliya habang muling kinain ang pulot.
Haliya, hindi ka maaring basta basta nalamang magnanakaw ng mga pagkain ng ibang encantado, baka nakakalimutan mo na bathaluman ka? Hindi ganyan ang mga asal ng bathala wika ni Cassiopeia
Masisisi mo ba ako? Kung May isang encantado na dala dala ang isa sa aking pinaka paboritong pagkain, at iisipin ko na hindi ko ito kukunin, ngunit maya maya, ay nagpanggap ako bilang dambuhalang halimaw para lamang makuha ito at matakot ang ibang encantado?
Huminga ng malalim ang Bathaluman, alam nya na walang patutunguhan ang kanilang pag uusap, lalo na't mas mahal ng Bathaluman ang pulot kahit sa ano paman.
Nais mobang tikman? Tanong ni haliya habang binibigay ang kanyang kinakain.
Agad naman itong tinanggihan ng Bathaluman, isa sa mga ayaw nyang ginagawa ay ang kumain ng kahit ano man. Poltre kaibigan ngunit sayo nalamang yan, magpakabusog ka wika ni Cassiopeia habang nakangiti.
Hindi naman nag dalawang isip ang bathaluman na muling kainin ang pulot, habang patuloy lang syang pinagmasdan ng kanyang kasama na tila dambuhalang pashnea na matagal na hindi nakakakain.
BINABASA MO ANG
Encantadia (Short Stories)
FanfictionA COLLECTION OF ENCANTADIA SHOFT STORIES, FROM DIFFERENT TIMELINES THAT I MADE UP. NOTE📢📢 ____________________________________________ (NOT EVERYTHING IN THE STORY IS CANON OR RELATED TO THE 2016 SERIES) (TITLES THAT INCLUDE ~ THIS SYMBOL HAS BEE...