~Bulaklak na Damdamin~

111 4 1
                                    

Pinagmasdan ni Gamil ang mga bulaklak na nakapalibot sa Hardin ng Diwa ng Devas, ilang araw na ang nakalipas matapos nila ito mabawi. Ang tahanan ng mga Ivtre

Habang nagmamasid ang kawal durie ng lireo, hindi nya namalayan na May tumabi sakanya na isang Ivtre rin

Avisala Gamil, tila nagagandahan ka sa tanawin, maari bang maki upo? Tanong ng nilalang

Humarap naman kaagad ang Ivtre at nakita nya Alira Naswen

Avisala Mashna, sige na, marami naman espasyo para makaupo ka wika nya

Nang tumabi ang Ivtre sa gilid parehas nila Pinag masdan ang napakagandang tanawin ng Devas

Hindi ko aakalain na magiging ganito ka tahimik ang Devas, matapos ang lahat ng nangyari wika ni Alira

Ako rin, ngunit masaya ako na nagbalik na ang lahat sa dati wika ni Gamil

Hindi ka nag iisa, wika ni Alira

Parehas silang natahimik at patuloy nagmasid ng mga tanim na tila sumasayaw at bumubungad ang amoy na kasing busilak.

Mashna, May tanong ako, May kakayahan ba ang isang ivtre na mag mahal muli? Tanong ni Gamil

Bakit mo naman ito tinatanong? Hindi ba't halata naman? Sagot nya habang natawa

Tila, sa dami nang pangyayari nakakalimutan kona ang mga simpleng bagay. Kagaya ng sagot saaking katanungan

Bakit? May namamataan kaba? Tanong ng Mashna na interesado

Oo, meron, ang laki ng naging tulong sya sa aking buhay, noong mga panahon na muntikan nako sumuko, isa sa mga dahilan kung bakit nabuksan nya ang puso ko. Dahil sa kanyang katapangan at kabutihan

Ngumiti ang Mashna sa pagkasabi nya, kung sino man ito hindi naman huli ang lahat, hindi man tayo buhay ngayon ngunit May pagkakataon parin tayo na umamin sa mga mahal natin. Kung kaya't huwag mo nang palagpasin ang panahon.

Tama ka mashna, baka dumating ang panahon na sabihin ko sakanya ang totoo kong nararamdaman, laking ngiti ng kawal

Hindi pa huli ang lahat wika ni Alira at tumalikod sya upang umalis, bago paman umalis ang Mashna pinigilan sya ni gamil

Sandali lamang, kunin moto! Wika ni Gamil hawak hawak ang ang isang kulay lila na bulaklak

Gamil bakit mo pinitas yan? Pinagbilinan tayo na wag basta basta pipitas ng mga Halaman rito ni Ades! Wika ni Alira na natataranta, maari tayong maparusahan!

Ako na ang bahala, tanggapin mo to bilang simbolo ng aking pasasalamat wika nya, habang inilagay ang bulaklak sa kamay ni Alira Naswen

Ngumiti naman si Alira Naswen at sinabit ang bulaklak sa kanyang tenga.

Mauuna nako Gamil, Avisala Eshma! Wika nya at matapos nila mag usap umalis na sya sa hardin na kanyang kinaroroonan

Pinagmasdan ni Gamil na umalis ang mashna, Avisala eshma E Correi Mashna, wika nya at ngumiti.

Matapos umalis ni Alira Naswen naglaho naman si Khalil sa tabi ni Gamil

Ano naibigay mo? Tanong nya habang Naka ngiti.

Oo Khalil, Avisala Eshma sa iyong tulong, laking pasasalamat ni Gamil.

Onting tiis lamang, alam kong gusto karin nya, kung kaya't wala kang dapat ipag alala. Kami ang bahala sainyo

Kami? Tanong ni Gamil

Ngumiti lamang si Khalil habang naglaho agad Papaalis ng hardin ng Diwa sa Devas na iniwan lamang si Gamil. Tulala sa pangyayari.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon