~Busilak na Tiwala~

105 4 5
                                    

Ire!

Duwe!

Kaskil!

Sire!

Pevis!

Isa ito sa mga wikang naririnig sa May baybayin, Kitang kita ang isang sanggre na nagsasanay ng mag isa, Bawat galaw, bawat liksi ay nasa dugo at paghihirap nya.

Pansin naman ng isang nilalang kung gaano kapursigido ang Sanggre sa kanyang pagsasanay, kung kaya't hindi sya nag dalawang isip na lapitan ito. At panuurin.

Ang Galing naman ng bessie ko! Sigaw ni Sanggre Lira, habang patuloy na sinusuportahan ang kanyang pinsan

Nasindak naman si Mira sa kanyang narinig at agad naman nabitawan ang kanyang sandata, hinarap nya ang nilalang at nakita si Lira na pumapalakpak.

Lira! Nagulat Moko! Hindi ba't binalaan na kita na huwag na huwag kang basta sadya nanggugulat ng kahit sinomang Encantado na nagsasanay? Napakadelikado nito! Lalo na't kung naitapon papunta sayo ang sandata! Wika ni Mira na nag aalala.

Ito naman! Wag ka over exaggerated! Malakas ng reflex ko and kaya ko agad maiwasan ang mga ganyan. Wika ni Lira

Talaga ba? Laking tawa ng Sanggre, noong nakaraang araw ay umiyak ka dahil lamang nahulog ang isang bunga ng prutas sa iyong ulo.

Hoy! To be fair ang laki naman kaya nun! Kasing laki ng isang apple, o mansanas. Laking wika ni Lira

Natawa lamang ang kanyang pinsan at muling pinatuloy ang kanyang pagsasanay. Habang nagsasanay si Mira, laking ngiti naman ni Lira lalo na't naalala nya ang kanyang Ashti Pirena sa oras na nagsasanay ito.

Grabe, manang mana ka talaga sa nanay mo sa pakikipag laban, wika ni Lira

Ngumiti naman si Mira, Avisala Eshma, nakuha ko ang kanyang tapang at bangis, habang ang pagpakumbaba naman galing sa inang Amihan mo.

Ramdam ni Mira ang kalungkutang pumasok sa puso ni Lira ng marinig nya ang ngalan ng kanyang ina, mahirap na makita nya ang kanyang pinsan na nagkakaganito kung kaya't naisipan nya.

Bakit hindi mo isamo ang iyong sandata? Tanong ni Mira, tulungan kita magsanay, ituturo ko sayo ang mga maituro sa akin ni inang reyna Amihan.

Mira naman eh! Hindi na nga ako gumagamit ng espada diba? Tanong ni Lira

Lira, wala naman masama na gumamit ka muli ng sandata, alam kong nagbibigay ito ng kalungkutan sayo lalo na't isa ito sa mga dahilan kung bakit napaslang ang iyong ina, ngunit nasa nakaraan na ito. Wika ni Mira

Pero, ang hirap eh, kahit nga tingnan ko lang ang sandata, minsan duda parin ako, kasi paulit ulit nag rereplay yung scene ng makita ko si inay, na walang malay, at sugatan.

Huminga si Lira ng malalim, nilapitan naman sya ng kanyang pinsan at ibinigay ang kanyang mga palad

Halika Lira, mag tiwala kalamang sakin, akong bahala sayo, laking ngiti ni Mira

Tiningnan nya ang kanyang mga palad, maging ang kanyang mga mukha at ngumiti, agad nya itong hinawakan, at dito bumangon sya sa kanyang kinauupuan sa tulong ni Mira.

Palagi ako mag tiwala sayo, laking wika ng Sanggre

(Author's Note: At nang hawakan nya ang kanyang palad, nagsimula itong magpakita ng liwanag, EME lang po, Kung hindi lang sila magpinsan Pwede na sana! >~<! Mikee x Kate for layp)

Isinamo ni Lira ang kanyang sandata, ang Avatar, laking ngiti naman ang ipinakita ni Mira dahil sa tiwala ng kanyang pinsan.

Esta Sectu Lira, wika ni Mira

Agad naman naghanda ang Sanggre dahil sa utos ng kanyang pinsan. Nilapitan sya ni Mira at Ginabayan sa kanyang pagsasanay.

Isipin mo na May kalaban ka, isipin mo na nais kang saktan ng prutas na nahulog saiyong ulo kahapon.

Mira naman eh! Laking reklamo ni Lira

Natawa lamang ang danggre, at muling nagseryoso, Poltre Lira, ngayon Simulan na natin!

Unti unting Ginabayan ng Sanggre ang kanyang pinsan, hanggang sa kinaya na nyang magsanay ng mag isa.

Magaling Lira! Ngayon, Subukan naman natin ako ang iyong kalabanin! Wika ni Mira

You're going down! Wika ni Lira na natutuwa

Isinamo ni Mira ang kanyang sandata, Tingnan nalang natin kung sino ang matibay, wika ni Mira at ngumiti.

Challenge, accepted. Wika ni Lira, at dito muli nagsimula ang kanilang pagsasanay.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon