~Sa Ilalim ng Puting Buwan~

89 3 2
                                    

STORY REQUESTED BY: Museane

(I HOPE MA ENJOY MO ANG IYONG REQUEST 🌸)

_______________________________________________________

Amarro? Tanong ni LilaSari sa kanyang asawa

Agad naman humarap si Amarro ng marinig nya ang kanyang ngalan, laking  ngiti ang bumalot sa kanyang mga labi, Avisala LilaSari, sagot nito.

Nilapitan sya ng Sapirian, at niyakap, Sino mag aakala na makakahanap parin ng pag-ibig ang isinumpa na diwata, na gaya nya? Isa sa mga tanong na hindi nya parin nasasagot.

Poltre kung ginagambala kita mahal ko, ngunit nais sana kitang yayain. Wika ni LilaSari

Yayain, patungo saan? Tanong ni Amarro

Patungo ng batis ng katotohanan, tayo lamang na dalawa, nais kong magkaroon rin tayo ng oras para sa isa't isa, lalo na't sunod sunod narin ang ating mga tungkulin, wika ni LilaSari

Ngumiti naman si Amarro, Kung ganun, ano pang hinihintay natin? Magtungo na tayo roon ngayon na!

Avisala Eshma mahal ko! Wika ni LilaSari, matapos ang kanilang pag uusap agad naman silang umalis ng Lireo upang magtungo sa batis na ninanais ni LilaSari.

Ramdam na ramdam sa batis ang katahimikan, ang liwanag ng buwan maging ang linis ng tubig na nakikita sa buong lupain.

Nang makarating ang dalawa, nagtungo si LilaSari sa isang bato malapit sa tubig, agad naman syang umupo.

Halika amarro! Samahan Moko rito! Laking tuwa ni LilaSari

Ngumiti naman si Amarro at agad naman nilapitan si LilaSari at tinabihan. Ramdam nila ang lamig ng tubig na dumadaloy sakanilang mga paa, ibat ibang mga pashnea na lumilipad sa paligid, katahimikan na nakakamit ng lugar.

Sa dami ng ating mga suliranin, Isa ito sa mga bagay na nais ko munang gawin, ang tumakas sa realidad wika ni LilaSari

Bakit LilaSari? Ano ba ang nais mong takasan? Tanong ni Amarro

Napabuntong hininga ang kanyang asawa, Sa tagal ng kapayapaan na bumabalot sa Encantadia, hindi ko aakalain na muling babalik ang kadiliman akala ko ay matatapos na ang lahat ng ito kay hagorn. Ngunit nagkamali ako

Hindi naman maaring basta bastang mawala ang Dilim, lalo na't kakambal ito ng liwanag, hindi mabubuhay ang isa kung wala rin ang isa. Wika ni Amarro

Tiningnan ni LilaSari ang buwan at napaisip.

Naalala ko ang iyong winika, ang Bathaluman na nakatira sa buwan, ang niloko ng aking ama.

Ano ang iyong ibig sabihin? Tanong ni Amarro na napakunot noo

Ikwento ni Ina, Ang Bathaluman na nagbigay sa akin ng sumpa, ngunit hindi ko sya masisisi. Sobra sobra ang sakit na ipinatong sakanya ng aking ama, dahilan kung bakit sya nagalit, nagkaganito.

Ang Bathaluman ng mga buwan ay ang nagsumpa sa iyo? Laking gulat ni Amarro, Hindi na nagsalita pa si LilaSari, sa kanyang katahimikan agad naman tinanggap ni Amarro ang magiging kasagutan.

Hindi ko ito inaasahan, Ngunit avisala eshma at sinabi mo saakin.

Pag-ibig, nahanap ko sayo, Laking ngiti ni LilaSari sabay harap kay Amarro. Hindi Korin aakalain na makakahanap rin ang aking ina-inahan, Ngunit Sya?  May bubuo pa kay sa kayang munting puso?

Gaya ni Alena, alam kong masakit parin Sakanila, ngunit kung bibigyan nila ang kanilang sarili na magmahal muli, May pagasa pa na bumukas ang kanilang mga puso. Wika ni Amarro

Hinawakan ng Mashna ang pisngi ni LilaSari, nakakatunaw ang ngiti na kanyang pinapahiwatig

Gaya ko, Binuksan ko muli ng aking puso, at dito kita natagpuan, kung kaya't laking pasasalamat ko, na dumating ka sa aking pangalawang buhay.

Ngumiti si LilaSari, Dahan dahan nyang inilapit ang kanyang mukha, Hinalikan nya ang Mashna sa kanyang labi, hindi naman nagdalawang isip na ibalik ang kanyang matamis na halik si Amarro, habang ang liwanag ng buwan ay nakatutok Sakanila.

::

Sa malayong parte ng batis, pinagmamasdan ng isang nilalang ang dalawang magkasintahan, Isang ngiti ang bumuo sa kanyang mga labi.

Nawa'y maging masaya ka sa iyong pag-ibig diwata, Huwag kang gumaya sa iyong ama, Langhapin, at sulitin mo, ang pag ibig na inaalay sayo.

Maging masaya ka LilaSari.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon