~Kakaibang Sanggre~

141 4 4
                                    

Nagtungo si Adamus sa punong bulwagan ng Lireo, ngayon na ang araw na itinakda, alam na ng kaniyang ina at mga kadugo ang matagal na nyang itinatagong lihim, nananalangin sya sa Bathalang Emre na sana ay hindi sya husgahan ng lubusan, sana ay maunawaan nila ang kanyang nararamdaman ngunit mahina ang kanyang tiwala, lalo na't ang kanyang mga kamag anak ay napakalakas ng kapit sa tradisyon.

Nang makapasok si Adamus, sinundan sya ng mga kawal, nakita nya ang kanyang ina sa trono, ang mga ashti nya na Naka upo at ang mga kapwa nya diwata, kasama ang mga konseho at sina Nunong Imaw, huminga ng malalim ang Sanggre bago nito harapin ang kanyang ina

Adamus, wika ni Alena Ikaw na rehav ng Adamya at Sanggre ng Lireo, Anak ni Memfes at ng reyna ng Lireo ay pinatawag ngayon sa isang malubhang dahilan. Alam Moba kung ano ito? Tanong ni Alena

Oo, mahal na Hara, dahil sa kumakalat na balita sa Encantadia tungkol sa akin.

Adamus, anak kita kung kaya't papakinggan kita, alam kong May dahilan ka na makakabuti para sa iyo,ngunit ang magiging desisyon ng konseho ay hindi ko magiging desisyon. Kung kaya't sana'y unawain mo.

Nalungkot si Adamus ngunit kinailangan nyang intindihin, Oo ina Nauunawaan ko.

At duon umupo si Alena sa kanyang trono, tumayo si Pirena at Danaya at hinarap sya.

Adamus, totoo ba ang kumakalat na balita, na mayroon kang kasintahan na encantado? Tanong ni Danaya

Oo ashti, hindi ko ito itinatanggi, totoo nga na May kasintahan ako na lalaki at mahal na mahal ko sya, at mahal na mahal nya rin ako, kung kaya't ano man ang maging desisyon ninyo ay hindi sisira ng relasyon namin. Pinandigan na sinabi ni Adamus

Nagsitinginan ang mga diwata at mga konseho tila totoo nga ang kumakalat na balita, nagsimulang mag salita ang iba lalo na sa mga opinion nila ngunit pinatigil ito ni Alena.

Bilang ang iyong mga ashti kaya ka namin tanggapin sabi ni Pirena, ngunit bilang mga Hara, at dahil May batas ang Lireo, kailangan namin ito sunduin. Wika ni Alena na seryoso, ngunit sa kanyang loob ay nalulungkot sya.

At ang batas na nakasaad ay, ay kung sino man na May lahing diwata ang umibig sa kapwa nila kasarian ay tatanggalan ng posisyon sa trono, mapapawalang bisa ang kanyang pagiging sanggre, at  tatanggalan ng kapangyarihan maging ang mga serbisyo na hatid ng pagiging isang diwata, wika ni Imaw

Tinatanggap ko ang lahat, ngunit hindi nyo ba talaga kaya na gumawa man lang ng isang paraan para lamang sakin? Tinanong ni Adamus habang naiiyak

Walang sumagot sa kahit sino man Sakanila, maging si Lira, alam nyang nais nya sumagot ngunit May takot sya, hindi nya kayang biguin ang kanyang ina at nauunawaan nya ito.

Kung ganon, kalimutan nyo na nagkaroon ng Sanggre ang lireo at Rehav ang Adamya na nagngangalang Adamus, kung itatakwil nyoko dahil mahal ko ang isang lalake mas mabuti pa na kalimutan nyo na nabuhay pako!, Avisala Mieste.

At duon umalis si Adamus, habang tumulo ang luha ni Alena na hindi pinapakita ang emosyon, bago paman magsalita si Alena, sinundan ni Lira si Adamus.

Bumalik si Alena sa kanyang trono at muling umupo, habang sinundan naman Nina Mira at Paopao Si Lira at Adamus.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon