~Avisala~

129 5 0
                                    

Naglalakad ang isang Encantado sa gubat, sa dating lupain kung saan nakatayo ang nasirang kaharian ng Sinaunang Etheria.

Huminto sya at pinagmasdan ang paligid, at duon hinawakan nya ang lupa. Ramdam nya ang presensya ng isang nilalang, laking ngiti nya ng maramdaman nya ang hinahanap nya.

Naramdaman nya na nandito lamang ang kanyang hinahanap kaya't ng matapos sya sa kanyang ginagawa agad syang naglakbay muli.

Matapos ang ilang minutong paglalakabay May nakita syang isang bato sa gilid, hindi pangkaraniwang bato kagaya ng ibang napapalibutan nito.

Ngumisi ang Encantado at agad naman itong nilalapitan

Tila nahanap kona ang aking pinakamamahal wika ng Encantado

Ginamit nya ang kanyang kapangyarihan upang mai-alis ang bato at duon naipakita ang isang ahas na nagpapahinga, isang ordinaryong ahas na tila pamilyar para sa mga Encantado na nakakita dito.

Agad naman itong kinuha ng Encantado ng dahan dahan upang hindi ito masaktan o nasugatan, at duon nagising ang pashnea.

Hindi naman nagdalawang isip na kagatin ng pashnea ang Encantado, Nang nakagat sya,tumawa lamang ito bilang sagot ng ginawa ng pashnea

Ngayong natagpuan na kita, panahon na upang ibalik kita sa dati mong anyo mahal ko. wika ng Encantado

At duon naglaho sya papa alis dala ang ahas na pashnea, iniwan nya ang Etheria, sinigurado na walang kahit sinomang Encantado ang nakakita sakanya

Naglaho ang Encantado sa malayelong lugar ng makita sya ng mga kawal hindi naman sila nagdalawang isip na papasukin sya, lalo na't kilala na nila kung sino sya. Isa sya sa kanilang mga kaanib

Pumasok ang Encantado sa kaharian na gawa sa yelo at dumiretso sa isang silid, ang silid kung saan matatagpuan ang Hara ng kaharian.

Nang pumasok sya nakita nya ang isang nilalang na nakatalikod at Pinag mamasdan ang kanyang sentro

Narito Kana pala, tila ang bilis ng iyong misyon, parang alam mo kung ano at saan matatagpuan ang iyong hinahanap, parang binabantayan mo sya. wika ng nilalang, hindi pinapakita ang kanyang eangis ngunit nakangisi

Nahanap kona sya, ngayon gawin na natin ang usapan, wika ng Encantado

At duon humarap ang nilalang, hindi ako sumisira sa usapan kagaya ng iba Arde, wika ng nilalang ang usapan ay usapan.

Ano pa ang nais mong ipagawa? Tanong ni Arde

Ilagay mo sya sa gitna ng simbolo, wika ng nilalang

Agad naman itong sinunod ni Arde at dahan dahan ibinaba ang pashnea na hawak nya.

Ngayon gamitin mo ang kapangyarihan mo upang hindi sya makatakas at ako na ang bahala sa iba, wika ng nilalang

Sumangayon nalamang ang Bathala at duon nagsimula na ang kanyang Encantasyon

Matapos ang Encantasyon nagkaroon ng malaking usok sa silid kung saan natakpan ang lahat, ginamit ni Arde ang kanyang kapangyarihan upang mai-alis ang usok at duon nakita nya ang isang nilalang na nakatayo sa gitna. Laking tuwa ng bathala ng namukaan nya ito, sya na nga talaga.

Ngumiti sya, Avisala, mahal ko wika ni Arde

Ngumisi naman ang nilalang habang, nagmamasid lamang si Ether sa pangyayari, pinagmasdan ng nilalang kung gaano kadesperado ang bathala sa kanyang ginawa.

Malaking tulong ang maari nyang gawin para sa akin wika ng Encantada sa kanyang isipan.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon