~Ligaw na Nararamdaman~

115 5 4
                                    

Ilang panahon na ang nakalipas ng magkaroon ng digmaan sa Encantadia. Matagal ng panahon ang nakalipas ng natalo nila ang kampo nila Hagorn at Ether sa ngayon malaya na ang Encantadia sa kaguluhan at lahat ng nilalang sa bawat lupain at tribo ay muling makabangon

Nagtungo si Cassiopeia sa kuta ng ibat ibang mga encantado upang bigyan sila ng kanilang mga pangangailangan, pagkain, kagamitan at iba pa.

Bilang isang bathaluman tungkulin nya na tumulong sa lahat ng encantado, pinangako nya sa kanyang sarili na uunahin nya ang kapakanan ng lahat bago paman ang kanyang sarili.

Matapos nyang tapusin ang kanyang tungkulin naglaho sya papunta sa Lireo, Ang kanyang dating tahanan.

Nag laho sya sa gitna ng silid ng trono napansin sya ni Alena at ng iba pang mga kawal kung kaya't lahat sila nag bigay pugay

Avisala mahal na bathaluman anot mapadalaw kayo sa Lireo? Tanong ng Hara habang binaba ang kalatas na kanyang binabasa

Tiningnan nya ang paligid at sabay tingin sa Hara

Iwan nyo muna kami, wika nya nais kong makausap ang inyong Hara.

Hindi naman nag dalawang isip na sumunod ang mga kawal at dama kung kaya't lahat nila Lumisan ng silid trono

Nang makaalis na silang lahat muli syang nagsalita at sinagot ang katanungan ng hara

Wala naman Hara nais kolang pagmasdan ang Lireo, nais kong malaman kung May mga kailangan rin ba kayo sa akin, bago ko tapusin ang tungkulin ko para sa araw na ito tanong nya

Ilang sandali nag isip si Alena bago nya sinagot ang katanungan, Wala naman kaming kailangan bathaluman lalo na't naipagkaloob Mona ang mga pangangailangan namin noong nakaraang lingo, sa ngayon halos kumpleto Panaman ang mga kagamitan at kapangyarihan ng Lireo wika ni Alena

Kung ganon hindi kona kinakailangan pang mag tagal dito, wika nya bago sya umalis napansin nya na tila walang kasama si Alena liban nalamang sa mga kawal ay dama na pinaalis nya kanina kung kaya't nag tanong nya ,ngunit bakit nag iisa kalamang? hindi ba't palagi mo dapat kasama si Danaya? O ang mga Sanggre?

Ngumiti nalamang si Alena, Kamasa ho nila ang kanilang mga katipan kung kaya't halos wala sila sa bawat kaharian, hindi ko rin alam kung ano ano ang mga ginagawa nila wika ni Alena

Ngumiti si Cassiopeia at nagsalita

Alena lumapit ka sa'kin utos nya

Nagtaka ang hara ngunit sumunod nalamang sya sa kanyang kautusan

May kailangan ba kayo sakin? Tanong ng Hara

Agad naman syang nag tanong Nais ko lamang maitanong wika ni Cassiopeia Napamahal kaba sa gunikar na ama ni Adamus?

Lumaki ang mga mata ni Alena at namula ng kaunti.

Bathaluman saan naman nanggagaling ang katanungan na ito? Tanong nya na tila naiinis

Wala lang Hara, ngunit yan ang aking katanungan at base sa aking nababasa tila oo nga.

Namula si Alena ng sobra at agad naman tumingin papalayo sakanya dahil sa pamumula at kahihiyan.

Hindi ka naman dapat mahiya Alena, wika nya at natawa ng onti, ng bumalikang lakas ni Alena muli nyang tiningnan ang bathaluman

Tama ka, kahit mahirap aminin, napamahal rin ako kay Memfes, pinatunayan nya na kaya nya kong mahalin kahit kikitil pa ito sa kanyang buhay wika ni Alena at ngumiti

Kapag natapos ang iyong pamumuno, marami akong nakikitang posibilidad at isa dito ang muli kang mag mamahal, isang encantado na handa kang ipaglaban at pakasalan

Ngumiti lamang si Alena malayo layo Payan, hindi pa nagtatagal ang aking pamumuno wika nya Ikaw bathaluman? May plano kabang mag hanap ng encantado na magmamahal sayo? Tanong ng Hara

Ngumiti lamang si Cassiopeia sapat na para saakin na makita ang Encantadia na payapa at ligtas, wala akong panahon na magkaroon ng kahit sino mang katipan lalo na't makakasira lamang ito sa aking tungkulin wika ni mata

Tumawa si Alena at tinitigan sya ng Bathaluman na tila nag tataka

Poltre bathaluman ngunit parehas na parehas ang sinabi mo sa sinabi ni Pirena, ngunit Tingan mo sya ngayon wika ni Alena

Ngumiti sya, tila malaking kalapastanganan kung ikukumpara Moko sa iyong kapatid hindi ba Alena? Tanong nya habang ngumingiti

Oo bathaluman poltre, wika ni Alena ngunit sa tagal ng buhay mo sa Encantadia ni isang encantado ay wala manlang na lumalapit at nais kang ligawan? Tanong ng Hara parang hindi naman ata makapani paniwala lalo na't isa ka sa mga sinaunang Encantado

Isa lamang ang dahilan dyan, natatakot sila saakin wika nya lalo na't noong panahon isa akong malupit na reyna, hindi man makapani paniwala ngunit totoo ito

Hindi nga talaga maka pani paniwala wika ni Alena ngunit para saakin parang hindi Panaman huli ang lahat , subukan mong maghanap ng encantado na para sayo hindi natin alam baka ang iyong hinahanap ay nasa tabi tabi lamang wika ng Hara at ngumiti

Ngumiti rin sya pa pabalik, susubukan ko Alena wika ni mata kahit mahirap

At duon natapos ang kanilang pag uusap bago paman makapagpaalam si Cassiopeia biglang dumating sina Danaya at Aquil

Mahal na bathaluman wika ng dalawa at nag bigay pugay anot naparito kayo sa Lireo? Tanong ni Danaya

Wala nag uusap lamang kami tungkol sa- wika ni Alena ngunit bilang tinakpan ang kanyang bibig

Tungkol saan? Tanong ni Aquil

Wala lamang iyon, wag nyo nalamang pansinin ito lalo na't hindi naman importante hindi ba Hara? Tanong nya

Oo wika ni Alena at natawa ng kaonti

Kung ganon mauuna na muna ako sainyo May mga tungkulin pako na kinakailangan isagawa wika ni Cassiopeia

Avisala Eshma sa pagbisita wika nila

At duon naglaho na sya papa alis, agad naman nagtungo ang dalawa sa Hara at nag tanong

Anong pinag usapan nyo Alena? Tanong ni Danaya

Natawa lamang si Alena hayaan nyo nalamang iyon wika ng Hara, saamin nalamang ang pag uusap na iyon wika nya at duon tumalikod pabalik sa kanyang trono

Nagtinginan naman sila Aquil at Danaya sa isa't isa naguguluhan sa pangyayari.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon