Sigurado kaba Mashna na dito ang ating patutunguan? Tanong ng Kawal Sapirian
Pauli ulit konang binasa ang liham, kung kaya't alam ko na tama ang ating patutunguan wika ng Mashna ng mga Sapirian
Inabot sila ng ilang araw, Linggo hanggang buwan, nilibot nila ang himpapawid, ang tubig, ang lupain nguni't hindi nila natatagpuan ang encantado na pinapahanap ng kanilang rama.
Mashna Maica, kailan pa tayo babalik ng Encantadia? Tanong ng kanyang mga kasama
Makakabalik tayo ng Encantadia sa oras na mabigyan natin ng sagot ang ating paglalakbay sagot naman ng mashna
Ngunit Mashna, halos ilang panahon narin ang nakalipas ng lisanin natin ang Encantadia, tila wala nang patutunguhan ang ating paghahanap kung kaya't mas makakabuti kung umuwi nalamang tayo, malaking payo ng kawal
Muling tiningnan ng Mashna ang liham na hawak hawak nya, pinaikot ulit na pinagmasdan, binasa at iniimbestigahan ngunit tila tama sila.
Kung ganun, halina kayo ay bumalik na tayo wika ng Mashna
Agad naman nagsi-ayos ang mga kawal upang bumalik ng Encantadia, ngunit sa oras na paalis na ang mga Sapirian May nakita sila na isang kuwago na gawa sa yelo.
Mashna tingnan mo! Wika ng kawal
Agad naman tumingin ang mashna sa kalangitan at pinagmasdan ang kakaibang Pashnea na ngayon nya lamang nasilayan.
Este ivi? Kakaibang Pashnea!, ngayon ko lamang ito nakita sa aking buong buhay!
Gumawa naman nang ingay ang kuwago at umalis sa kanilang kuta. Nang maka alis ang Pashnea sinundan naman ito ng Mashna upang malaman kung saan ito nagmula, agad naman sumunod ang mga kawal.
Patuloy silang naglakbay hanggang sa May nakita sila na pambihirang lupain, lupain na gawa sa yelo at lamig.
Mahabaging Emre, Anong lugar ito? Tanong ng Mashna
Maging ang kanyang mga kasama ay tila nasindak sa ganda ng lugar, lalo na ang kaharian na nakita nila sa distansya. Dahil dito pinatuloy nila ang kanilang paglalakbay hanggang sa maabot nila ang kaharian, Isang palasyo na gawa sa kakaibang yelo na hindi basta basta natutunaw, bago paman ito pasukin ng mga Sapirian pinigilan sila ng mga nilalang.
Shedda! Wag kayo papasok sa palasyo Nayan! Lalo na't sobrang mapanganib! Sigaw ng nilalang
Agad naman sila lumingon at nakita ang nag iisang encantado na matagal na nila hinahanap
Apitong! Wika ni Maica at agad naman lumapit sa mandirigma na tinuturing na ama ng kanilang Rama
Kinakailangan nyong magingat lalo na't delikado ang mga nilalang na nakatira dyan, maari nila kayong paslangin ng basta basta nalamang wika ni Apitong
Ngunit sino naman ang nakatira sa palasyong iyan? Tanong ng Kawal Sapirian
Bago paman ito masagot ng mga mandirigma na kasama nya, may naglaho na nilalang sa kanilang harapan, at agad naman nagsitakbuhan ang ibang mandirigma liban nalamang kay Apitong
Avisala, ikinagagalak kong makarating kayo saaking lupain wika ng nilalang
Inilabas naman ni Apitong ang kanyang sandata bilang panglaban ngunit agad naman nagtaka ang mga Sapirian
Hara Durie, Avisala ikinagagalak namin kayo na makita wika ng mga sapirian habang nag bibigay pugay
Ngumisi lamang ang nilalang Sakanila, at hindi na nagsalita
Mata, Kailan pa nabubuhay ang lupain na ito? At bakit mo ito nakatago sa ibang mga kaharian? Tanong ni Maica
Layuan mo kami! Sigaw ni Apitong habang tinututok ang kanyang sandata habang patuloy na nakangiti lamang ang nilalang
Bakit mo kinakalaban ang Sinaunang Reyna ng mga Diwata? Tanong ng kawal
Wag kayong basta basta maniniwala sakanya! Hindi sya ang Bunggaitan, Sya ang isunampang kakambal ni Cassiopeia
Tila natahimik ang mga Sapirian sa kanilang narinig, muli nilang tinitigan ang wangis ng encantada, kamuka na kamuka na kamuka nya ang Hara Durei ng mga diwata ngunit napansin nila na nawala ang ngiti sa kanyang muka
Bakit mo naman sinira ang laro Apitong? Tanong nilalang, Hindi na ako natutuwa sa laro na ito, Kung kaya't panahon na upang ako naman ang gumawa ng sarili kong laro wika nya
Unti unting naging yelo ang mandirigma hanggang sa mawalan ito ng hininga at nabasag ang kanyang nagyeyelong kaharian.
Nang makita nila ang nangyari sa mandirigma, inihanda nila ang kanilang sarili upang makidigma ngunit unti unti narin silang kinakain ng yelo na kinatatayuan nila
Ang huling nakita lamang nila ay ang ngisi ng Encantadia bago paman magdilim ang kanilang mga paningin at nawalan malay.
BINABASA MO ANG
Encantadia (Short Stories)
FanfictionA COLLECTION OF ENCANTADIA SHOFT STORIES, FROM DIFFERENT TIMELINES THAT I MADE UP. NOTE📢📢 ____________________________________________ (NOT EVERYTHING IN THE STORY IS CANON OR RELATED TO THE 2016 SERIES) (TITLES THAT INCLUDE ~ THIS SYMBOL HAS BEE...