Hanggang sa Muli

101 4 1
                                    

STORY REQUESTED BY:ashyydream

(I HOPE MA ENJOY MO ANG IYONG REQUEST 🌸)

_______________________________________________________

Before I start (Eliana is 30-40 years old in Enca verse halos 2 younger sa edad nila Lira and Mira pero halos same appearance and attitudes as mga Sanggre)

Pinagmasdan ni Muros ang isang Sanggre na muling nagpatibok ng kanyang puso, pinagmasdan nya ang kanyang pagsasanay, ang kanyang galaw at ang kanyang natural na kagandahan. Walang kna kundi si Sanggre Eliana, ang nag iisang anak Nina Sanggre Damayan at Masama Aquil. Gaya ng kanyang ina at ama nakuha nya ang kanilang tapang at bagsik sa pakikipaglaban.

Gaya rin ni Aquil, sya ang masama na gumabay sa mahiyain na saggre, ang saggre na binigyan ngalan bilang napakakulit at tahimik, makikipag usap lamang kapag nariyan ang kanyang mga kadugo.

Habang nagsasanay si Eliana ramdam nya ang mga mata na nag mamasid sakanya, ang mga mata ng mashnang kanyang napupusuan. Ramdam nya ang kaba at takot ng kanyang puso, ngunit hindi nya ito ipinakita, hindi nya ito pinahalata.

Pinatuloy nya ang kanyang pagsasanay hanggang sa matapos ito ng tuluyan, agad naman nyang narinig ang palakpak ni Muros, namula ang kanyang mga mata ngunit muli syang huminahon

Magaling Sanggre!, mas lalong nagiging kakaiba ang iyong pagsasanay, lalo itong nagiging magaling.

Avisala Eshma mashna, mahinhin nyang sinabi habang nakaukrong ang ulo.

Nagtaka naman ang mashna sa kanyang ginawa, Bakit ka yumuyuko? Hindi mo naman kailangan maging mahiyain saakin Eliana, matagal kona itong sinabi saiyo. Ngumiti naman si muros, hinawakan nya ang kanyang pisngi at ipinakita ang kanyang nahihiyang mukha. Agad namang namula ang sanggre kung kaya't biglaan itong naglaho papaalis

Nalungkot naman ang mashna ng bigla itong umalis, napahinga ng malalim si muro bago lumisan ng silid.

Naglaho naman si Eliana sa kanyang silid, na hindi na napipigilan ang kanyang pagkabata, ibinagsak nya ang kanyang sandata sa sahig at tumalon sa kanyang napakalambot na kama

Naalala nya ang ginawa ng mashna kanina, ramdam nya ang init ng kanyang mga palad sa kanyang pisngi, sa oras na naalala ito ni Eliana lalo lamang syang natutuwa, o kinikilig kagaya ng sinasabi ni Lira

Eliana, tila nahulog Kananga talaga kay mashna Muros wika nya sa kanyang sarili.

Ngunit hindi dapat ito malalaman ng iba, mas makakabuti, maaring sa habang panahon ngunit hindi ngayon, laking lungkot ng sanggre.

Dumating ang araw kung saan pinatawag si muros para sa nakatakdang pagmamasid sa lupain ng Encantadia na pinasimulan ni Hara Alena. Ngunit sa gawaing ito, May malaking pagbabago lalo na't hindi lamang silang mga kawal ang mag mamasid kundi kasama din ang isa sa mga Sanggre, at walang iba kungdi si Eliana,

Sigurado ba kayo Hara na isasama namin ng Sanggre? Tanong ni Muros

Oo Muros, ipinag-utos ito ng kanyang ina upang mas lalong mapabuti ang kanyang pagsasanay kung kaya't May basbas kayo upang isama ang sanggre Eliana.

Kung ganon, ipinapangako ng aking sarili na iingatan namin at hindi pababayaan ang sanggre sa aming  paglalakbay, makakaasa ka Hara. Wika ni Muros

Tumango naman si Alena upang simbolo ng pag aproba, habang nanatili lamang tumahimik si Eliana  sa gilid habang nag tatago, ngunit sa loob ay tuwang tuwa ang Sanggre lalo na sa bagong impormasyon na kanyang nasagip. Ngumiti ito bago pa bumalik sa kanyang silid.

Ang araw ng paglalakbay, inabot nila ang ibat ibang tribo o mga lokasyon maging ang ibat ibang kaharian at mga isla upang malaman ang kalagayan ng mga encantadong naninirahan dito, laking tuwa naman nila ng malaman nilang mapayapa naman ang kanilang pamumuhay. Hindi nila napapansin sa isa't isa na tila nagkakamabutihan na sila, ang akala lamang ni Eliana ay ginagawa lamang ni Muros ang kanyang katungkulan ngunit iba pala ang nasa kanyang isip, parehas din ng naiisip ni muros.

Sa oras na kinakailangan nang bumalik ng mga diwata sa Lireo, bigla silang hinarang ng mga hindi pamilyar na kawal, laking gulat naman nila ng makita nila ito..

Mga kawal esta sectu! Protektahan ang Sanggre! Sigaw ni Muros

Pinalibutan sila ng isang batalyon ng kawal at agad silang nilabanan ng mga ito, ngunit dahil sa pambihirang lamig ay natalo ang kampo ng mga diwata, dahilan upang mabihag sila ng mga hindi kilalang kalaban.

Nagising si muros, laking alarma ang naramdaman ng makita nya ang kanyang sariling nakagapos, ngunit bago pa sya muling makagalaw tinutulan sya ng sandata ng mga kawal.

Nakita nya si Eliana na nasa kanyang harapan na walang malay, laking galit ang bumuo sa kanyang nararamdaman.

Mga pashnea! Anong ginawa nyo sakanya! Sigaw ni Muros

Ngunit walang kahit sino ang Sakanila ng sumagot saknya, sinubukan nya muling ginalaw ngunit mas lalong itinutok ang punyal sa kanya dahilan upang sya ay napatigil.

Nagising ang Sanggre sa hindi pangkaraniwang lugar, sinubukan nyang gumalaw ngunit napasigaw si muros ng shedda.

Nakita nya ang paligid ay malapit na syang mahulog sa napakataas na bangin, bigla itong kinabahan, habang nakita nya ang mga kalaban sa kanyang harapan sa harap ni Muros na May hawak na. Punyal sa kanyang leeg.

Eliana, wag na wag kang gagalaw. Wika ni Muros

Pakawalan nyo kami! Mga wenuveshka! Sigaw ni Eliana Ano ba ang inyong ninanais saamin?!

Hindi nagsalita ang kawal ngunit itinuro nila ang kanilang nais, isa dito ang kanyang pagtalon upang mailigtas sa kamatayan si muros, ang kanyang pinakamamahal na mashna

Eliana, wag mo itong gagawin. Wag mo silang susundin! Sigaw ni Muros

Tiningnan ni Eliana ang paligid, ang kanyang Evictus na hindi gumagana, pinagmasdan nya ang wangis ni muros sa huling pagkakataon at ngumiti.

Eliana....

Walang nagawa si Eliana, ipinikit nya ang kanyang mga mata at tumalon, laking gulat naman ang bumalot sa mga mata ng mashna. Isinigaw nya ang kanyang ngalan. Ginamit nya ang kanyang buong lakas upang makawala sa kanyang pagkagapos, kasabay rin nito ang kanyang pagtalon sa bangin, sinundan nya ang Sanggre na tila kay bilis nangpagkahulog, niyakap nya ito upang maprotektahan habang ipinikit lamang ni Eliana ang kanyang mga mata hanggang sa nahulog sila sa nagyeyelong gubat.

Sa oras na nakarating sila sa tubig, nagsimulang muling mabuo ang yelong nasira dahil sa lakas ng kanyang pagkabagsak, habang ang kanilang mga buhok na nagiging puti kasabay narin ng pagkawala ng kanilang mga malay.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon