Hi goyssss hindi pako officially nagbabalik pero naboring lang ang ferson ang dami ko pang pending both schools and social life also napansin ko majority ng short stories ko is about/involved si Cassy pero ok Nayan yolo na HSHAHAHAH
~~
Kay liwanag ng kaharian ng lireo, ang lupain ng mga diwata, ang kaharian na nagdiriwang sa muling pagkabuhay ng kanilang luntei, ang nag-iisang anak ni Hara Durei Amihan at Rama Ybrahim, si Lira ang munting liwanag ng Lireo, kasabay narin nilang ipinagdiriwang ang pagbabalik ni Cassiopeia hindi bilang isang bunggaitan, bagkus isa nang ganap na bathaluman.
Sa loob ng palasyo karamihan ng mga Encantado ay nag uusap, ang iba naman ay kumakain habang ang iba ay gumagawa ng ano paman na maiisip nilang maaring isagawa sa piging. Matapos kausapin ng Bathaluman ang ibang konseho naisipan nyang maglakad lakad sa Koridor ng palasyong. Sa isang balkonaje naabutan ng Bathaluman ang kanyang pinakamamahal na Luntei, bago nya paman ito lapitan narinig nya ng kanyang mga wini-wika kung kaya't naisipan nya na magtago at makinig.
Hi inay! Kamusta kana? Kung nasan kaman... hindi parin ako makapaniwala na ang tagal na pala kitang nakasama, kaya pala kahit paano sobrang malapit ako kay arriana, kasi ikaw na pala yun, ang hina ng pag iisip ko! Ano bayan! Wika ni Lira na pinipigilan maluha. Bat kasi ang daya ng tadhana? Ayaw tayong magkasama kahit sandali lang...
Narinig ito ng Bathaluman, lahat ng winika ni Lira, kay lungkot para sa isang diwata na kakabalik palamang mula sa kamatayan ngunit kalungkutan parin ang bumabalot sa kanyang mga isipan..
Naisipan ni Cassiopea na lapitan ang Sanggre na tumatangis ng tahimik. Nang mapansin ni Lira na tila may katabi na sya napatalon ang Sanggre dahil sa gulat, dahilan upang mabitawan nya ang kanyang cellphone, ngunit dahil sa kapangyarihan ng Bathaluman napigilan nya itong mahulog mula napakalalim na lupain.
Lola Cassy naman! Ginugulat nyoko! Wika ni Lira habang tinatanggal ang kanyang luha.
Poltre, lalo na't kanina pa kita pinagmamasdan mula sa dulong hilaga wika ni Cassiopea habang ibinigay ang cellphone na muntikan pang mahulog
(A/N TAKE NOTE NA NASA TOP PART SILA NG LIREO SO IMAGINE 40-60TH FLOOR YUNG NGA FLOATING PARTS NG LIREO YES NANDUN SILA SO KAPAG NAHULOG PHONE NI LIRA WALA NANG SALVAGE YARNN)
Agad naman itong tinanggap ng Sanggre at napatingin, Ibig sabihin narinig nyo yung buong speech ko? Ano bayan! Kala ko May moment nako eh! Nagrereklamo na wika ng sanggre
Ngumiti lamang ang Bathaluman, Huwag kang mag alala, hindi ko ito ipagkakalat, hindi ako kagaya mo.
Aray, grabeng tama naman yan, patawang wika ng Sanggre, muling pinagmasdan ni Lira ang kalangitan at tinanong ang Bathaluman.
Cassiopea, sa tingin Moba ang Ivtre ni inay Nakay Ariana parin kahit patay na sya o babalik sya sa dati nyang wangis? Tanong ng Sanggre
Napatahimik nalamang ang Bathaluman, alam nya sa kanyang sarili na wala tuluyan ang Ivtre ni Amihan lalo na't napaslang na sya sa kanyang Sarkosi. Ngumiti nalamang ang Bathaluman at sumagot upang hindi mas lalong malungkot ang Sanggre
Malalaman mona lamang iyan mahal kong Luntei. Laking ngiti ni Cassiopea
Napatingin naman ang Sanggre na tila nag Tataka at nag tanong, anong ibig mopong sabihin?
Ngumiti lamang ang Bathaluman, at dito naglaho papaalis ng kanilang kinaroroonan
Wow Silent treatment! Grabe ka naman lola Cassy! Sigaw ng Sanggre
~~~
Inabot ng hating gabi ang kasiyahan sa Lireo dahilan upang gabing gabi narin makauwi ang mga bisita sa palasyo ng mga Diwata. Bago umalis ang Bathaluman, sinigurado nya na hindi na tumatangis ang Sanggre o nakakaramdam ng lungkot o mawawalan nanaman ng buhay bago sya tuluyang bumalik narin sa kanyang tahanan.
Nagbalik ang Bathaluman sa Devas, at agad nyang hinahanap si Khalil upang malaman kung narito pa ang Ivtre ng kanyang Ashti, Hindi naman nag tagal natagpuan nya ng ivtreng hinahanap nya kausap ang ibang mga tagapangalaga noon.
Avisala mahal na Bathaluman wika ng mga Ivtre
Avisala rin, Khalil nais ko sanang malaman kung nakita Moba ang Ivtre ng iyong Ashti Amihan? Tanong ng Bathaluman
Poltre mata, ngunit walang nagbalik mula sa Sarkosi ni Ashti Amihan noong araw na muli rin kaming nagbalik rito. Sagot ni Khalil
Laking Ramdam ng pagkabigo naman ang nakuha ng Bathaluman ng marinig nya ito, alam nyang nagsasabi ng totoo si Khalil lalo na't hindi rin nararamdaman ng kanyang kapangyarihan ang kanyang Ivtre
Avisala Eshma Khalil, wika ni Cassiopeia sabay naglaho papaalis.
Nagsitinginan naman ang mga Ivtre at muling bumalik sa kanilang mga pinag uusapan
~~
Nagdaan ng ilang araw, unti unting nawawala ang kalungkutang ng Sanggre mula sa pagmamasid nya sa kanyang balintataw, ngunit nababasa nya ang kanyang puso na nagpapakatatag lamang sya upang hindi mag alala ang kanyang mga kaanak, sa mga panahon na ito nalulungkot na ng lubusan ang Bathaluman sa kalagayan ni Lira. Pansin rin ng bathala na tila May bumabalot na bagay sa isipan ng kanyang Bathaluman kung kaya't tinanong nya ito ng harapan.
Cassiopea, bakit tila napakalalim ng iyong iniisip, tila parang nag iisip ka kung paano natin mababawi muli ang devas, ayos ka lamang ba mahal ko? Tanong ni Emre
Hindi! Sigaw ng Bathaluman na tila naiiyak na, Naawa ako kay Lira,..... na.. wala akong maaring gawin... upang maibalik...ang kanyang dating sarili ... lalo na noong nalaman nya...ang tungkol kay amihan.... ang sakit... para saakin.. na makita syang... tumatangis, wika ng bathaluman na umiiyak ng lubusan
Nalungkot naman ang bathala ng makita nyang tumatangis ang kanyang pinakamamahal kung kaya't nilapitan nya ito at niyakap habang tahimik naman na naiyak ang Bathaluman.
Tahan na mahal ko, May nais kabang hilingin saaming na maari kong magawa? Upang matulungan kita maging si Lira? Tanong ni Emre
Tiningnan sya ng Bathaluman, ang kanyang mata na namumula dahil sa pag iyak, Maari mo ang buhayin muli ang Ivtre ni Amihan?
Napangiti naman ang bathala, Napakasimple naman pala ng iyong hinihiling mahal ko, wala kang dapat ipag alala lalo na't kayang kaya ko itong tuparin, kung kaya't tahan na, wika nya habang tinatanggal ang kanyang luha
Ngumiti lamang ang Bathaluman sa kanyang winika at patuloy syang niyakap, habang pinagmamasdan ang Sanggre sa balintataw na nasa harapan nila.
~~~
Sa araw ng koronasyon ni Hara Alena, naghahanda ang mga Ivtre na muling bumaba ng Encantadia upang bumisita sa kanilang mga minamahal, Sa silid ng isang Ivtre nag hahanda sya ng kanyang sarili, dahil ito ay ang muli nyang pagbabalik
Handa kanabang muling makita si Lira?
Oo, At s. Pagkakataon na ito, hinding hindi ko sasayangin ang mga oras na mabibigyan ako para lamang sa aking mag ama, wika ni Amihan
Tiningnan nya ang liwanag sa kanyang palad at ang liwanag mula sa mga bintana.
Babalik na ako anak.
BINABASA MO ANG
Encantadia (Short Stories)
FanficA COLLECTION OF ENCANTADIA SHOFT STORIES, FROM DIFFERENT TIMELINES THAT I MADE UP. NOTE📢📢 ____________________________________________ (NOT EVERYTHING IN THE STORY IS CANON OR RELATED TO THE 2016 SERIES) (TITLES THAT INCLUDE ~ THIS SYMBOL HAS BEE...