Gabi sa Lireo, ngunit hindi ito ang ordinaryong gabi ng mga diwata, lalo na't rinig na rinig ang kasiyahan na isinagawa ng mga diwata. Hindi lamang dahil sa pagkagapi ng mga kalaban na sina Hagorn, ngunit dahil rin Nagising na ang Munting Luntei, ang panganay na anak ni Hara Amihan, at dahil rin sa pagbabalik ni Cassiopeia, bilang ganap na bathaluman.
Sa korido ng Lireo, kitang kita ang pagmamadali ng isang punjabwe dala ang magagandang bulaklak na tila inihanda nya para sa isang nilalang. Dahil sa kanyang pagmamadali biglaan nyang nakasabay si Amarro.
Kaibigan, bakit tila nagmamadali ka? Tanong ng Mashna
Lalo na't May nag hihintay sa akin sa hardin, at nais kong puntahan na sya ngayon rin, kung kaya't mauuna nako wika ni Azulan ay muling naglakad.
Laking ngiti naman ang bumuo sa muka ng Mashna lalo na't alam nya kung sino ang patutunguhan ng punjabwe.
Sa hardin ng Lireo, pinagmamasdan ni Hara Pirena ang puno ng kanilang ina, ilang panahon narin ang nakalipas ng maitanim sya sa lupain ng mga diwata. Laking ngiti ng Hara ng makita nya itong punong puno ng buhay, pinagmamasdan lamang ang kanyang kaharian at mga anak.
Nakarating naman ang punjabwe sa Hardin at agad naman nakita ang hinihintay nyang Sanggre, laking ngiti naman ni Azulan at nilapitan agad sya.
Avisala Pirena, wika ni Azulan habang tinatago ang bulaklak na hawak nya
Avisala Azulan, wika ni Pirena habang tiningnan ang punjabwe na kakarating lamang.
Isa rin sa nagbibigay ng mga ngiti sakanya ay ang makita ang nag iisang nilalang na nasa harapan nya ngayon, aminin nya man o hindi, totoo na nahulog na sya puso ni Azulan.
Bakit mo nga pala ako nais makausap? Tanong ni Pirena na nagtataka
Bago ko iyan sagutin, para nga pala sayo wika ng punjabwe sabay ipinakita ang mga bulaklak na hawak hawak nya.
Nanlaki naman ang mata ng Hara, isa ito sa mga nagugustuhan nyang bulaklak sa Lireo, ang mga nakaka alam lamang nito ay sina Mira at ang kanyang mga kapatid kaya't laking duda nya kung pano nya ito nalaman.
Avisama Eshma! Wika ni Pirena, ngunit pano mo nalaman na ito ang aking mga paboritong pananim? Tanong ng Hara habang inaamoy ang bulaklak.
Tinulungan ako ng iyong anak na mamili, laking pasasalamat ko sakanya dahil hindi Korin alam kung alin ang nais mong mga bulaklak, sana naman ay nagustuhan mo, laking ngiti ng punjabwe
Oo, nagustuhan ko nga! Avisala Eshma muli! Wika ni Pirena, ito lamang ba ang nais mong ipahiwatig sakin? Nagtataka nya natanong
Tiningnan nya si Azulan, habang kinuha ang kanyang mga kamay.
Pirena, Tapus na ang digmaan, wala nang kalaban, laking ngiti ni Azulan, nawa'y panahon narin upang tanggapin mo ang aking alok, na pakasalan moko, nais kong ikaw ang makasama ko habang buhay, nais kong mapasaakin ang puso ng Hara ng mga Hathor, kung iyong mamarapatin? Tanong ni Azulan Mahal na mahal kita Pirena.
Malaking ngiti naman ang namuo sa mukha ng Hara, onting luha ang bumuhos sakanyang mga mata.
Wala namang dahilan upang tanggihan ko ang iyong alok, lalo na't mahal kita Azulan, wika ni Pirena Mahal na mahal kita, at nais rin kitang makasama habang buhay.
Malaking kasiyahan ang bumalot sa tenga at utak ng punjabwe, hindi nya pinatagal pa ang sitwasyon at agad nyang iniangat ang Hara habang inikot, laking tawa naman ni Pirena lalo na't biglaan lamang ang ginawa ni Azulan.
E Corrie Diu Pirena, wika ni Azulan
E Corrie Diu, Azulan wika ni Pirena
Hinawakan ng Hara ang kanyang pisngi at hinalikan nya ang kanyang labi, agad naman ibinalik ni Azulan ang halik ng kanyang pinakamamahal. Tila isa nga itong mabuting pagpapala wika nila parehas sakanilang mga isipan.
BINABASA MO ANG
Encantadia (Short Stories)
FanfictionA COLLECTION OF ENCANTADIA SHOFT STORIES, FROM DIFFERENT TIMELINES THAT I MADE UP. NOTE📢📢 ____________________________________________ (NOT EVERYTHING IN THE STORY IS CANON OR RELATED TO THE 2016 SERIES) (TITLES THAT INCLUDE ~ THIS SYMBOL HAS BEE...