~Ako, Siya, Kaming Dalawa~

107 5 54
                                    

STORY REQUESTED BY: Museane

(I HOPE MA ENJOY MO ANG IYONG REQUEST 🌸)

_______________________________________________________

Devas, ang mapayapang lupain ng mga mabubuting Ivtre, ang lupain kung saan nais muling masakop ng mga masasamang kampo. Ngunit hindi sila nagtatagumpay, kahit anong paraan na kanilang ginagawa palagi silang napipigilan, dahil sa mga mamamayang matatag lumaban at mga tagapagtanggol nito.

Sa loob ng devas Pinag mamasdan ng kanilang bathala ang mga nagaganap sa Encantadia, hindi umuurong ang kahit sino man sa kampo ng liwanag at dilim, patuloy na paglaban at pag sagupaan ng mga nilalang.

Habang nagmamasid ang bathala, May isang nilalang na pumasok sa silid, kasama narin ang ibang Ivtre.

Maari nyo na kaming iwan, wika ng nilalang

Agad naman silang sumang-ayon at umalis ng silid, dahilan upang maiwan ang dalawa.

Kay bilis mo naman yatang bumalik ng devas, Cassiopea wika ni Emre

Ngumiti ang Bathaluman, May nais lamang sana ako sa'yong hingiin na pabor, bago ako mag balik ng Encantadia, wika ni Cassiopea

At anong pabor naman ang iyong nais? Tanong ni Emre habang hinarap ang Bathaluman.

Ngumiti ang Bathaluman at nilapitan ang kapwa nya bathala, Nais ko sanang hiramin pansamantalang ang dejar, kung iyong mamarapatin. Wika ni Cassiopeia puno ng ngiti.

::

Samantala sa isang silid, naglaho ang isang nilalang dala dala ang dejar, laking gulat naman ng nga Ivtre ng makita nila ang nilalang.

Mahal na bathaluman, hindi ba't kakapasok nyo lamang sa punong bulwagan? Tanong ni Galatea, tila ang bilis nyo naman yatang nakalabas

Laking duda naman ang pumasok sa mukha ng Bathaluman,

Ano ang inyong ibig sabihin? Tanong ni Cassiopeia, Hindi pako umaalis ng devas.

Nagsitinginan ang mga Ivtre sa isa't isa, Lalo na't nakita palamang nila ang Bathaluman kanina.

Kung hindi pa kayo umaalis ng devas, Sino ang hinatid namin kanina? Tanong ni Arriana

::

Dejar? Kumunot ang noo ng bathala, Hindi ba't kakahiram molamang nito kanina?

Tsaka nainis naman si Cassiopea ng marinig nya ito, Ngunit wala pakong hinihiram sayo, nawa'y naibigay mo ito sa hindi inaasahang kalaban, munting sagot nya

Bago paman maipatuloy ang kanilang pag uusap, May naglaho na isang Cassiopea sa silid na kinaroroonan nila.

Wenuveska! Sigaw ni Cassiopea

Agad naman syang tiningnan ng dalawang bathala, Basang basa sa mukha ni Cassiopeia ang pagkainis at galit ng makita nya ang nasa harapan nya.

Anong karapatan mo na gayahin ang aking wangis! Sigaw ni Cassiopeia.

Hindi ba dapat ako ang tatanong nyan, Casilda? Tanong ni Cassiopeia

Nakatayo lamang ang bathala, pinagmamasdan ang dalawang hindi nagpapatalo sa isa't isa.

Bago paman magpatuloy ang kanilang pag aaway, ginamit ni Cassiopeia ang kanyang kapangyarihan upang magbigay usok sa silid, upang mapaglinlang ang dalawang bathala sa kanyang gagawin.

Ginamit ni Emre ang kanyang kapangyarihan upang tuluyan mawala ang Usok na tila Kumakalat sa buong silid, ngunit nakita nya ang dalawang Cassiopeia na nag aaway, parehas ng kasuotan, parehas ng sandata na kabilan, maging ang kanilang mga galawan.

Shedda! Sigaw ng bathala at ginamit ang kanyang kapangyarihan upang makulong ang dalawa.

Emre, tulungan Moko, paslangin mo ang huwad na Cassiopea! Sigaw ni Cassiopea

Emre, Huwag kang maniniwala sa impostor na nasa iyong harapan, Sya ang paslangin mo! Sigaw ni Cassiopea

Parehas silang tinitigan ng bathala, Wala akong paniniwalaan sa kahit sino man sainyo, lalo na kung wala kayong pruweba sa inyong mga binibintang.

Isinamo ni Emre ang dejar, at agad naman itong itinutok sa dalawang Cassiopea na nakakulong.

Emre alalahanin mo kung sino ako, wika ni Cassiopeia, ang diwata na hindi ka sinukuan noong mga araw na wala kang kapangyarihan, ang nag iisang Bathaluman na iyong minahal, Maniwala ka. Wika ni Cassiopeia.

Natawa lamang si Cassiopeia sa kanyang sinabi, Emre, kilala Moko, hindi ako ganyan mag salita. Ngumiti ang Bathaluman, Gayahin moman ang aking wangis, ang aking sandata, ngunit hindi mo magagaya ang nag iisang simbolo na nagpapatunay na ako ang tunay na Cassiopeia.

Ipinakita nya ang kanyang palad, Nakita rito ang isang simbolo ng bulaklak, nanlaki naman mata ng huwad na Cassiopeia. Bago paman ito makapagsalita, Ginamit ni Emre ang sandata laban sa huwad na bathaluman upang mapatumba sya, at pinakawalan naman tunay na bathaluman. Sa oras na napakawalan sya, bumalik ang tunay na wangis ni Casilda, at agad naman naglaho ang kanyang walang malay na katawan.

Tila nasira na ang aking surpresa, wika ni Cassiopeia na natawa.

Agad naman syang nilapitan ng bathala ay niyakap, Totoo ba ang iyong pinakita mahal ko?

Ngumiti ang Bathaluman, Isa sa dahilan kung bakit hindi muna ako umalis ng devas, ngunit sinira ng aking Warkang kapatid ang surpresa ko.

Ang mahalaga ay hindi ka nya nasaktan, wika ni Emre sabay halik sa noo ng Bathaluman.

Nawa'y hindi ka nya muling malinlang, at alam nating parehas na hindi ako ganoon, magsalita, hindi ako kagaya ng iba, laking tawa ng bathaluman.

Alam ko naman ang totoo, kung kaya't hinding hindi kita ipagpapalit sa kahit sinoman na huwad, Wika ni Emre sabay ngiti.

Ibinigay ng bathala ang sandata sa Bathaluman, agaran naman itong kinuha.

Alis na muna ako, upang mabigyan ko ng pananggalang ang ng kaharian na nasasakupan ng Encantadia laban sa ting mga kalaban.

Sasamahan na kita, wika ni Emre, nang sa ganon ay makasigurado ako na hindi ka nila muling paglalaruan.

Ngumiti si Cassiopeia, Avisala Eshma Mahal ko, tayo na. Ito ang kaniyang huling winika bago sila naglaho papaalis.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon