~Puno sa Puso~

83 2 0
                                    

STORY REQUESTED BY: Museane

(I HOPE MA ENJOY MO ANG IYONG REQUEST 🌸)

_______________________________________________________

Isang matatag na puno ang pinagmamasdan ng isang Ivtre, kay tagal narin ng huli nyang makausap ang kanyang pinakamamahal. Laking bunga, laking buhay ang pinapahiwatig nito sa hardin.

Umupo ang Ivtre sa May puno, patuloy na pinagmasdan ang kaharian ng lireo, kung narito lamang sya, sana ay muli na silang magkasama, ngunit tanggap nya ang kanyang desisyon, ang desisyon na makakapagpabago sa lahat.

Avisala mahal kong reyna, wika ni Raquim

Pinagmasdan ng Rehav ang puno, ngumiti ito ng maramdaman nya ang hangin na biglang dumating.

Kamusta Kana? Kay tagal narin nating hindi nagkita, o nagkausap.

Sana, kung nasaan ka man ngayon, masaya ka sa iyong kinatatayuan, nagpapasalamat ako sa mahal na bathala at binigyan ako ng oras na makasama ka. Kahit sa sandali lamang.

May nahulog na dahon sa ulo ng Rama, agad nya itong kinuha, pinagmasdan nya ang dahon na tila kakaiba sa mga ibang napapalibutan nito.

Tanda ng Rehav ang araw, ang araw na kinuha nila si Minea. Nilabanan nya ang ibat ibang hadezar, ginawa nya ang lahat upang mailigtas ang Hara Durei, ngunit wala syang laban, ginamit nila ang kanilang kapangyarihan upang manalo, at dito kinuha nila si Minea.

Ang huling segundo, nakita nya kung gaano naghihirap ang Hara na kumawala, ngunit wala syang magawa lalo na't pinigilan sya ng wenuveshkang bathala.

Tumulo ang luha sa mga mata ng Rehav, ipinikit nya ang kanyang mga mata, naidlip ng kaonti, kasama ang puno ni minea. Ang lugar na hindi nya muna nais iwan.

Naglaho ang isang nilalang, rinig nya ito ngunit hindi nya maigalaw ang kanyang katawan.

Avisala mahal ko, wika ng nilalang sabay halik sa kanyang pisngi.

Iminulat ni Rehav ang kanyang mga mata, nakita nya ang isang nilalang na kamuka na kamuka ni minea.

Umupo ang nilalang sa kanyang tabi, niyakap ang Rehav, ramdam na ramdam nya ang kanyang lamig, ngunit ang pagkabait sa kanyang puso.

Kay tagal na kitang nais makasama mahal ko, wika ng nilalang

Nawa'y, hindi ka nangungulila, narito lang ako, nagbabantay, nagmamasid, at hinding hindi alis sa piling ng aking mga nasasakupan, maging sa iyong puso.

Laking ngiti ang bumalot kay Raquim. Minea, nais kitang makasama muli, kung mayroon lamang ibang paraan.

Ngumiti naman ang espiritu ni Minea, huwag kang mag alala, hindi ako mawawala, habang buhay mo ako makakasama, kahit hindi na tayo nagkikita.

Poltre, lalo na't wala akong nagawa upang tulungan ka, sa nga panahon na kinakailangan mo ako, aking tulonh, paghingi ng tawad ni Raquim

Bago paman sya maiyak, pinigilan sya ng Hara Durei.

Wala kang dapat ipaghingi ng tawad, nakatakda ang lahat ng ito, huwag mong sisihin ang iyong sarili. Wika ni Minea.

Ikaw na muna ang bahala sa lahat, narito lamang ako, hindi aalis, bagkus ay pagmamasdan sila, maging ikaw, E Corrie Diu, Raquim

Nawa'y, maging masaya ka, E Corrie Diu, Minea, wika ni Raquim

Hinalikan nya ang prinsepe sa kanyang labi, sabay naman tumulo ang luha ni Raquim, hanggang sa tuluyan naglaho ang espiritu sa kanyang piling.

Nagising ang rehav sa kanyang paghimbing, Pinagmasdan nya ang paligid, ramdam nya ang luha na tumulo sa kanyang mga mata.

Tiningnan nya ng huling beses ang puno, Binigyan nya ito ng halik, bago paman tuluyang naglaho pabalik sa Devas.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon