~Pagtanggap~

164 6 5
                                    

Naglaho si Lira patungo sa pinakamataas na parte ng Lireo, iniwan nya  ang lahat ng kanyang mga ka dugo sa punong bulwagan lalo nat wala namang saysay na manatili pa sya kung hindi naman nila paniniwalaan ang mga sinasambit nya

Nang makarating sya, nabigla sya ng makita nya ang encantada na matagal na nyang pinagkakatiwalaan, ang encantada na nag titiwala sakanya.

Cassiopea? Anong ginagawa mo dito?

Hindi sya humarap ngunit sinagot ang katanungan ng Sanggre

Palagi akong nandito lira, lalo na't kapag nais kong tumakas sa realidad, nais kong makita ang lugar  na ito sa huling pagkakataon bago nila ako patulan ng kaparusahang kamatayan bago mag dilim, ika ng bathaluman habang pinagmamasdan ang langit

KAMATAYAN?! Grabe naman sila! Kung sila kaya ang patayin ko?!

Hayaan mona lira, nakatakda ang lahat ng ito, wika ni mata at agad naman syang tinabihan ng Sanggre

So ganun nalang?! Hahayaan mo silang paslangin ka sa kasalanan na hindi mo naman ginawa?! Naiiyak na tanong ng sanggre

Anong pang saysay? Kahit anong gawin ko hindi parin  ito sapat sa lahat, at sa huli ako ang naghihirap, ngunit nasanay nako, kinasusuklaman ako ng buong encantadia magingang ang mga ivtre, wala namang makakapansin kung tila mawawala nalang ako bigla hindi ba? Tanong ng bathaluman habang Nakangiti

Ako! Sino na magiging mentor ko?! Ang hirap ng panigan ng pamilya ko dahil kung tutuusin sila ang nagdadala ng gulo sa encantadia! dahil sa mali nilang mga desisyon! Hindi ako papayag na mawala ka! Alam kong guguho ang encantadia! Laking iyak muli ng Sanggre sa Bathaluman

Niyakap ni Lira si Cassiopea, hinayaan naman ng bathaluman na damdamin nya ang buong lungkot at Dismaya na nararamdaman ng kanyang munting alaga. Masakit man sa Bathaluman ngunit matagal na nya itong tinanggap, ang mga magaganap na nakita nya sa kanyang mga mata.

Bago paman sila magpatuloy ng kanilang pag uusap  Naglaho ang isang mala nyebeng nilalang sa lugar,

Avisala mga diwata, wika nito, agad naman silang tumalikod ngunit mabangis ang encantada  at natamaan nya agad si lira ng yelo, dahilan upang makulong ang sanggre

Naglaban ang bathaluman at ang encantada, ng masugatan sya agad naman syang Naglaho pabalik

Lira... wika ni mata agad nyang nilapitan ang sanggre, bago nya paman matanggal ang yelo sa kanyang katawan Naglaho ang mga Hara na may kasamang mga kawal at Mashna.

Lira! Sigaw ni Ybrahim

Sinasabi ko nangaba! Wika ni Pirena kung kayat agad nilang nilabanan ang bathaluman ngunit  hindi sya lumaban pabalik, hinayaan nyang matalo ang sarili nya, hinayaan nya na masugatan sya at matamaan ng anomang kapangyarihan na hawak nila.

Wala na syang nararamdamang sakit, lalo na't matagal na kanyang dinadama ang Dismaya na nararamdaman nya. Sanay na sya sa hirap at lungkot ng kanyang buhay.

Wala ng pag asa, Avisala Eshma Lira sa iyong tiwala, wika nya sa kanyang isipan. Hanggang sa muli, aking mahal na alaga.

Habang nasa yelo si lira, Nakita nya ang pangyayari  na kunin ng mga kawal ang isa sa mga pinakamatalik nyang kaibigan at pinuno at dalhin sya sa kanyang kamatayan.

Sinubukan ni Lira na makatakas ngunit walang silbi ang kanyang kapangyarihan, nagawa nya nalamang na umiyak.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon