~Nangungulilang Puso~

137 4 0
                                    

Ilang panahon na ang nakalipas ng muling bumaba ng Encantadia si haliya, palagi syang nasa buwan, nasa kayang tahanan. Ang huling baba nya ay noong tinulungan nya ang kanyang kaibigan upang matalo sina Ether at Arde.

Hindi nya man aminin, ngunit masakit parin ang ala ala nya kahit Ilang taon na ang nakalipas, ngunit natuto syang tumanggap kahit sobrang hirap.

Bumaba sya ng Encantadia at nagtungo sa batis ng katotohanan, Ang lugar kung saan mahilig nyang paroonan. Lalo na kung nais nyang tumakas sa kahit anomang problema.

Gabi sa Encantadia kaya wala naman nakakapansin sakanya.

Umupo sya sa bato na nakita nya sa gilid at pinikit ang kanyang mga mata. Kay ganda na magpahinga sa isang lugar na tahimik.

Nag isip sya at pinahinga nya ang kanyang damdamin, naputol ito ng May marinig syang ingay agad naman syang nag tago.

Hindi nag tagal May nakita syang isang Encantado na umupo sa May tubig ng batis.

Pinagmasdan nya ng mabuti ang nilalang at namukaan nya ito ng mabilisan.

LilaSari, wika ni haliya

Napansin nya na tumatangis sya, agad naman syang nakaramdam ng lungkot para sakanya, mahirap man ngunit, kumuha sya ng lakas ng loob at nilapitan nya ang Sapirian

Habang tumatangis si LilaSari May naririnig syang isang boses sa likuran nya, kaya't agad syang nasindak.

Bakit ka umiiyak diwata? Tanong ng Encantada tumalikod sya at nakita ang isang napakaliwanag na Encantada

Ako si Haliya ang Bathaluman ng mga Buwan, ngayon bakit ka tumatangis LilaSari? Tanong nya sa Diwata

Wala lamang ito Bathaluman...naaalala ko lamang ang aking Anak...nangungilila nako ng sobra, wika nya habang tumatangis. Kay tagal na nang panahon na lumipas ngunit masakit parin sakanya na wala na si Deshna, ang pinaka malala pa dito, ay dahil sa kanyang asawa kaya napaslang ang kanyang nag iisang anak.

Nang marinig ito ni Haliya umupo sya sa tabi ni LilaSari upang bigyan suporta ang kanyang pangungulila.

Ngunit alam mo naman na nasa magandang lugar na sya hindi ba? Tanong nya upang mapagaan ang kanyang loob

Oo bathaluman... Sagot ni LilaSari

Kung ganun, hindi Mona kinakailangan mangulila, alam mong nasa maganda na syang lugar, pinag mamasdan ka kahit hindi mo nakikita, kaya tahan na diwata. wika ng Bathaluman

Natahimik si LilaSari at hindi nag tagal, tumigil narin ang kanyang pag tangis. Lalo na't dinamdam nya ang sinabi ng Bathaluman

Ikaw ang sanggol na isinumpa ko noon wika ni Haliya sa kanyang isipan, lalo lamang syang nalungkot.

Napansin ito ni LilaSari kaya't tinanong nya ang Bathaluman

May problema ho ba? Tanong ng diwata sakanya.

Ngumiti si Haliya at sinabing, Wala lamang ito diwata...naalala ko lang ang aking masakit na nakaraan.

Natahimik si LilaSari, naalala nya ang mga pagkakamali na nagawa nya noon, sa kanyang ina inahan at sa iba pang Encantado. Ang mga nilalang na nasaktan nya, ngunit ngayon ay bumabawi na sya sa kanyang mga pagkakasala.

Para sakin mas mabuting kalimutan ang nakaraan, mahirap man ngunit, hinding hindi tayo makakabangon kung hahayaan natin itong kunin tayo upang bumagsak. Wika ni LilaSari upang mapagaan ang loob ng Bathaluman

Ngumiti si Haliya tama ka...kung alam mo lamang ang katotohanan wika nya sa kanyang isip.

At dito, patuloy silang nagkwentuhan kahit May mga nawawalang parte na nais nilang hanapin para sa mga puso nila na nangungulila.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon