~Surpresa~

246 7 4
                                    

Ilang dekada narin ang nakalipas ng ikasal sila, May dalawa na silang anak at walang kahit sinomang encantado ang sumisira ng kanilang relasyon. Mahal na mahal nila ang isa't isa at tila habang buhay na ito para sa kanila.

Sa hardin ng lireo naghahanda ang isa sa mga mashna ng kaharian, sya ay si aquil ngayon ang anibersaryo ng kanilang kasal ni Danaya.

Ilang araw nya na pinaghahandaan ang kanyang surpresa humingi sya ng tulong sa mga kapatid na Hara ni danaya at maging sa bathaluman upang hindi nya malaman ang kanyang ginagawa.

Nang mailagay ni aquil ang litrato na hiningi nya kay Lira, tapos na sya sa kanyang surpresa na inihanda.

Mahabaging Emre nawa'y magustuhan ito ni Danaya! wika ni Aquil.

At duon agad naman syang umalis sa hardin upang sunduin ang kanyang asawa.

Nilibot nya ang lireo at natagpuan sya na nakaupo sa isang silya, kausap ang maliliit na adamyan.

Ngumiti sya at nilapitan nya ito hawak ang bulaklak na inihanda nya.

Avisala mahal ko wika ni Aquil.

Lumingon si Danaya at ngumiti, Avisala rin mahal wika nya

Para nga pala sayo! at duon binigay nya ang bulaklak, tinanggap naman ito ni danaya ng agad agad.

Bakit May pa bulaklak ka? May okasyon ba? Tanong nya.

Wala naman mahal..ngunit May inihanda ako para sa iyo nais mo bang makita? Tanong nya

Oo naman wika ni Danaya na natutuwa.

Halika at dadalin kita sa lugar na aking inihanda para sating dalawa! Sagot ni Aquil

Ibinigay nya ang kanyang kamay ngumiti si danaya at agad naman nyang tinanggap ito.

At duon naglakbay sila patungo sa hardin ng lireo. Nang makita ni Danaya ang lugar nabigla sya, dahil ang daming nakalagay na mga bagay dito ang iba ay hindi nya alam ngunit halatang galing sa mundo ng mga tao ito galing.

Nagustuhan mo ba? Tanong ni aquil

Oo naman! Napakaganda ng iyong inihanda! Avisala eshma E Corrie ..ngunit bakit May pasurpresa kang ganito? Tanong nya

Dahil ngayon ay ang araw na kinasal tayo!...Nais ko lamang ipag diwang muli.

Ngumiti si danaya...naalala Morin pala.

Wala akong bagay na hindi ko makakalimutan wika nyang nakangiti, Lalo na pagdating saiyo.

Seryoso kaba? Noong isang araw lamang nakalimutan mong ipadala ang mensahe ni Muros sa mashna hathoria at ngayon sasabihin mong wala kang bagay na nakakalimutan? Tanong nyang natatawa

Napakamot naman si Aquil sa kanyang ulo.

Poltre, Ngunit kasalanan Morin kaya halos ayaw Mona akong bitawan ng araw na iyon kasama narin ng ating mga anak wika nya

May punto ka..

At duon hinalikan nya ang kanyang asawa hindi naman nag dalawang isip na humalik pabalik si Danaya

Ngunit pinutol nya ang kanilang pag hahalikan

May problema ba? Tanong nya

Ngumiti ang sanggre. Naisip ko lamang, Ang sinabi mo saakin noon.

At ano iyon? Tanong ni aquil

Sutil ka talaga danaya, maawa ako sa magiging asawa mo wika ng sanggre habang ginagaya ang bosses ni aquil

Tumawa si Aquil naalala mopa pala iyon, akala ko hindi na!

Lahat ng bagay na sinasabi mo saakin tanda ko E Correi.

Halata naman eh! wika nya habang tumatawa.

Ngumiti si Danaya at umupo na sa sahig kung saan nakahanda ang mga pagkain at kagamitan, hindi nag tagal sinamahan sya ni Aquil. At dito nila sinimulan ang kanilang maliit na kasiyahan, walang sinomang encantado na gumagambala Sakanila.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon