~Pagtanggi~

125 4 12
                                    

STORY REQUESTED BY: Encantadiks1285643

(I HOPE MA ENJOY MO ANG IYONG REQUEST, THE CONTINUATION OF PAGTANGGAP)

_______________________________________________________

Lira! Kausapin mo naman kami! Wika ni Mira sakanyang pinsan, ngunit ni isang tingin, ni isang bigkas ng salita hindi man lang nya ito binigyan ng kanyang pinsan.

Patuloy na naglakbay ang Sanggre patungo sa punong bulwagan ng Lireo, kung saan nais nyang ibigay ang tungkod ni Imaw, nakita sya mga pinuno. Laking ngiti nila lalo na't ang inaakala nila ay kakausapin na sila ng Sanggre

Lira, aming Hadiya ikinagagalak naming muli kang makita wika ni Hara Alena.

Hindi naman sya pinansin ng Sanggre, ang parehas na blankong mukha ang kanyang pinapahayag sa lahat.

Nunong Imaw, ito napo yung tungkod nyo, Avisala Eshma dahil pinahiram nyo. Maliit na ngiti ka pinakita ni Lira habang binibigay ang tungkod

Nagsitinginan naman ang mga Sanggre, alam nila na nawala ang saya sa mga mata ng Sanggre, at kung nandito lamang ang kanilang kapatid maaring kinasusuklaman narin sila nya, dahil sa nangyari sa kanyang anak.

Nilapitan ni Ybrahim ang kanyang anak at binati.

Avisala Anak, kamusta Kana? Tanong ng Rama sabay yakap, ngunit hindi naman ito ibinalik ni Lira, Bakus tinanggal nya ang pagkayap sakanya ng kanyang Ama ng madalian.

Lungkot ang bumalot sa Rama ng Sapiro ng itakwil sya ng kanyang anak, ginagawa nya ang lahat ngunit kahit anong paraan walang nagyayari sa kanyang mga balak, hindi parin naaalis ang galit ni Lira.

Hindi na muling nagsalita ang Sanggre at tumalikod upang umalis, ngunit hinawakan naman ni Pirena ang kanyang braso at hinarap sa mga pinuno.

Shedda Pirena! Wika ni Alena

Lira, itigil Mona ang iyong kahibangan! Hindi na ito tama! Wika ng Pirena na naiinis.

Kinuha naman ni Lira ang kanyang braso, Wow so kapag ako May nararamdaman na iba? Mali na agad! Ang galing nyo naman mang husga! Wika ni Lira.

Shedda Lira! Wala kang karapatan na pagsalitaan ang Ashti mo ng ganyan! Nag aalala lamang kami saiyong kalagayan, Wika ni Danaya.

Sorry nag bibigay lang ako ng opinyon ko! Nasa tamang gulang nako para sagutin kayong lahat lalo na't hindi nako bata! At FYI kaya kona gumawa ng sarili kong desisyon!, Kaya Excuse me kasi May patutunguhan pako. Wika ni Lira

Ngunit sa oras na tumalikod ang Sanggre, may naglaho sa kanilang harapan. Ang nagyeyelong nilalang na inaakala nilang wala na. Ang nilalang na pinatulan nila ng kamatayan, ngunit pano sya nakaligtas? Nagtataka sa kanilang mga isip.

Avisala mga Diwata, wika ng nilalang habang nakangiti.

Nanlaki ang mga mata ng bawat Mashna at pinuno, inihanda nila ang kanilang mga kapangyarihan at sandata, ngunit natawa lamang ang Encantada. Ginamit nya ang kanyang bagkis at kinulong ang mga Sanggre sa isang yelo na tila mahirap makalabas, gamit ang kanyang kapangyarihan, ngunit liban nalamang kay Lira na tila iniwan nyang nag iisa.

Lira! Umalis Kana! Sigaw ni Mira sa kanyang pinsan habang pinapalo ang yelo.

Lira! Wag mong sasaktan ang aking anak! Sigaw ni Ybrahim at sinubukan na kumawala sa yelo ngunit nabigo lamang sya. Binabalak kita! Wag mong sasaktan si Lira!

Ikaw! Sigaw ni Lira, at biglaan na isinamo ang kanyang kapangyarihan, Ikaw ang dahilan kung bakit wala na sya! Ang sama sama mo! Sigaw ng Sanggre sabay tama ng kapangyarihan sa nilalang, ngunit ginamit nyarin ang kanyang natitipong lakas upang maibalik ang enerhiya sa Sanggre, dahilan upang matumba si Lira.

Lira! Sigaw ng lahat, at sinubukan rin na kumawala ngunit walang nangyari. Liban nalamang kay Pirena at Mira na nagsisimula matunaw ang yelo.

Narito ako upang pasalamatan kayo, lalo na't kayo narin ang gumawa ng paraan upang matalo kayo. Laking tawa ng nilalang, kinilabutan ang ibang mga miyembro na nasa silid.

Ang kanyang boses na halatang nagpapahiwatig ng kasamaan, ang kanyang kapangyarihan na nagpapahinga sa mga Encantado

Ngayong wala na ang aking kakambal na si Cassiopea, wala nang makakapigil saakin upang paslangin kayong lahat at sakupin ang Encantadia! Sigaw ng encantada sabay tawa.

PASHNEA! sigaw ni Lira, at ginamit muli ang kanyang kapangyarihan upang matamaan ang nilalang, ngunit nakatakas na ito.

Hindi napigilan ni Lira ang pagtangis nya, lalo na't sa mga naalala nya, ang huli nilang pag uusap, at huling habilin nya sakanya. Sa oras na nakita nya ang kanyang eangis, naghalo ang kalungkutan at galit sakanyang loob.

Nang matunaw ang yelo na bumabalot kina Pirena agad naman pinakawalan ang ibang mga Diwata na nababalot rin sa nagyeyelong bloke.

Agad naman nilapitan ni Mira si Lira, ngunit itinaboy nya ito papalayo, dahilan upang matumba si Mira

Lira, Nagmamakaawa ako, bigyan mo naman ako ng pagkakataon na makausap ka! ayusin natin ang sigalot na mayroon tayo! Wika ni Mira habang naiiyak narin, sinusubukan nyang hawakan ang danggre ngunit napakasutil talaga nito at hindi pumapayag.

Lira, uminahon ka! At pag-usapan natin itong lahat! Nagmamakaawa na wika ng kanyang ama

Dahan dahan naman lumayo si Lira, kita nyo? Hindi kayo maniwala na inosente sya! At ngayon na alam nyo na ang katotohanan?, Tingan nalang natin kung sino pa ang tutulong sainyo! Ako man ang Luntei, ngunit hindi ko kayo ililigtas, lalo na sa mga desisyon nyong hindi naman makakabuti sa Encantadia! Avisala Mieste. Ito ang huling wika ni Lira bago sya naglaho papaalis.

Lira! Sigaw ni Mira habang naiiyak, nilapitan naman sya ng kanyang ina at mga Ashti at dinamayan sakanyang nadarama. Maging ang ibang mga danggre ay nangungulila sa kanilang natuklasan.

Kasalanan natin to, wika ni Mira, Hindi tayo karapat dapat na mamuno sa Encantadia.

Mira, Huwag mong sisihin ang iyong sarili, wala kang kasalanan. Wika ni Danaya

Huminga ng malalim ang sanggre at agad naman tinanggal ang kanyang mga luha, Hindi rin sya nagtagal na sa silid at lumisan sya kaagad, habang iniwan ang mga Sanggre.

Nagsitinginan lamang ang mga Sanggre sa isa't isa, at pinagmasdan rin ng mabilisan ang Rama ng Sapiro na tila nawala ang kanyang diwa matapos umalis ang Sanggre.

Samantala, Sa isla ng Capade, naglaho si Lira sa dating kuta ni Cassiopeia, dito nya ibinuhos ang kanyang paghihinagpis. Ang kanyang kalungkutan, ang kanyang galit, at ang ibang emosyon na nararamdaman nya.

Bakit kasi ang unfair nila! Sigaw ng Sanggre, sabay tama ng enerhiya ng kanyang kapangyarihan sa puno.

Isinamo ni Lira ang Kabilan, ang sandata na nagmula sa kanyang matalik na tagapangalaga. Kahit ipinangako ni Lira sakanyang sarili na hindi na sya hahawak ng sandata, itinago nya ito upang walang kahit sinomang Encantado ang basta basta nalamang gagamit o makiki alam nito.

Itinapon nya ang sandata sa puno, at agad naman itong bumalik sa kanyang mga kamay. Inilabas nya ang kanyang galit sa anumang makita nya. Ang kanyang pagtangis na walang hanggan na tumutulo.

Habang sa puno, May nagmamasid na isang ibon na nakatago dahil sa napakaraming mga dahon na pumapalibot dito. Pinagmasdan nito ang tumatangis na sanggre sa May maliit na kuta.

Nakita ng ibon kung pano umiyak ang Sanggre sa lupa, ibat ibang emosyon ang nararamdaman nya sa panahon na ito.

Huwag kang mag alala sanggre, sa oras na magampanan mo ang iyong nakatakdang tadhana. Matatapos narin ang iyong paghihirap.

Mag iingat ka, mahal na Luntei, simula palang ito ng iyong mga pagsubok.

Nawa'y gabayan ka ng tadhana, sa iyong nalalapit na tungkulin.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon