~Hasne Ivo live~

183 7 3
                                    

Sa silid ni Lira, inaayos nya ang isang regalo na matagal na nyang Pinag hahandaan na ibigay sa isang nilalang. Sa sobrang abala nya hindi nya napansin si Mira sa likuran nya.

Hoy! Sigaw ng Sanggre at duon mapatalon naman si Lira at agad itinago ang regalo

Anong ginagawa ng anak ni Hara Durei Amihan?

Ito naman nang gugulat! Masisira Kopa yung regalo!

Kaninong regalo bayan? Tanong ni Mira

Sayo! Joke lang! asa kapa! tagal pa ng birthday mo! or natin, para to kay Cassiopea, Birthday nya kasi ngayon este, kaarawan nya ngayon

Teka totoo bayan? Natutuwang tanong ni Mira

Oo! hindi ako nang jojoke! nung isa kasi tinanong ko si Nunong Imaw kung kailan ang birthday ng ilang mga kakampi natin, at natanong narin ako kung kailan yung kay Matta, pero grabe hindi nya pala Pinag diwang yun pati ngayon! kaya naisip ko ako nalang mag gegreet sakanya gusto Moko samahan?

Alam mo hindi ko naintindihan ang iba mong sinabi, ngunit sasamahan kita dahil naisip ko tama ka, hindi manlang Pinag diriwang ni Mata ang kanyang kaarawan, laking duda ngarin.

Great! Pero nasan sya? Tanong ni Lira

Yun lang, hindi korin alam...magtungo nalamang tayo ng Devas, ang pagkaka alam ko palagi naman sya nandun.

Wow ang layo...pero sige na nga halikana!

Teka! mag paalam muna tayo sa ating mga magulang, wika ni Mira

Tama ka baka alisan ni inay ang buong Encantadia ng hangin since kakabalik nya palang bilang ganap na Encantada ulit.

At baka sunugin ni ina ang buong Encantadia kakahanap satin, wika ni Mira

Matapos ng kanilang pag uusap kinuha ni Lira ang kanyang regalo at agad naman silang umalis upang mag paalam. Pinayagan naman sila lalo na't wala naman kalaban na ang Encantadia

Matapos ang matagal na paglalakbay naabot rin nila ang Devas at agad naman sila sinalubong ng ibang Ivtre.

Lira! Mira! Anong ginagawa nyo rito sa devas? Tanong ni Muyak

May ibibigay lang kami kay Bathalumang Cassiopea nandyan ba sya? Tanong ni Lira

Oo, sanggre nandyan sya halikayo sasamahan namin kayo wika ni Arianna

Avisala eshma sainyo! wika ni Mira

At duon pumasok sila sa loob, inalalayan sila ng mga kaibigan nila ay hindi naman nag tagal naabot nila ang punong bulwagan.

Mahal na bathala May panauhin ang Bathaluman wika ni Ades

Avisala Mahal na Emre, wika ni Lira at Mira

Hindi po kami mag tatagal, ibibigay lang po namin ito kay Bathalumang Cassiopea, wika ni Lira habang ipinapakita ang isang kahon

Avisala rin sainyo mga Sanggre, Poltre ngunit Hindi nyo na sya naabutan lalo na't bumaba sya ng Encantadia, kanina lamang wika ng Bathala

Poltre?! Tanong ng dalawa na tila nabigla

Kaloka! Nag effort tayong pumunta dito tapos wala sya! Kaya minsan ayoko dito ehh! agad naman napansin ni Lira ang kanyang sinabi at humingi agad ng tawad

Pumunta sya ng Lireo, lalo na't May importante syang ipapa alam sa Sanggre, ngunit dahil sa sobrang pagod at hirap nyong makapunta rito ako na ang mag hahatid sainyo upang makita nyo sya.

Talaga po?! Tanong ni Lira

Hindi na ho kailangan mahal na Bathala, kami nalamang ang babalik ng Lireo wika ni Mira

Mira! Ang pagod mag lakbay! chance na natin to!

Tama si Lira, kaya't halina kayo, wika ng Bathala

Grabe Lira, ang lakas ng loob mo, wika ni Mira kay Lira

At duon umalis sila upang bumaba ng Encantadia. Sa Lireo nagtaka ang mga Sanggre lalo na't alam nilang umalis sina Mira at Lira upang puntahan sya ngunit May biglang naglaho sa likuran nila, bago paman makapag salita si Danaya

Mata! Finally nakita karin namin! nagka salisihan pa tayo! wika ni Lira

Hasne Ivo live Bathaluman! wika ng dalawang Sanggre

Natahimik naman si Cassiopea at ngumiti dahil May Naka alala sakanyang kaarawan, kahit ang pagkaka alam nya walang nakaka alam nito.

Ito mata! galing yan sa mundo ng mga tao! ako nyan nag pa customize! regalo namin ni Mira, wika ni Lira at ngumiti

Binuksan nya ang kahon at nakita ang isang diamante na May disenyo ng kanyang mata.

Avisala Eshma Lira at Mira, nag abala pa kayo wika ni mata habang pinagmamasdan ang regalo

Hindi naman! Kung kaya nyo mag sakripisyo para samin lahat, it's the least we can do wika ni Lira habang nakangiti

Avisala Eshma talaga mga Sanggre wika ni mata

Binati narin sya ng ibang mga Sanggre at bilang dating Hara nag bati rin ang mga kawal sa utos ni Hara Alena

Tila panahon natin upang ibigay ko ang aking regalo sayo wika ng Bathala, ginamit nya ang kanyang kapangyarihan at lumutang ang isang kwintas na May simbolo ng bathaluman at isinabit nya ito sa leeg ni Cassiopea

Hasne Ivo live E Corrie, wika ng bathala at hinalikan sya sa pisngi. Ngumiti naman ang bathaluman at muling nagpasalamat

Nang marinig ng mga Sanggre agad naman sila ngumiti habang kinilig sina Mira at Lira

Ehem! sana oll! Ehem! wika ni Lira

Ngumiti lamang si mata Avisala Eshma Mahal Ko, Avisala Eshma rin sa inyong lahat! maituturing ko itong isa sa pinakamasayang araw ng aking buhay.

Naisip ni Cassiopea, na kahit anong tago nya sa Kanyang mga sikreto, lalabas at lalabas din ang mga ito. Kagaya nalamang ng kanyang kaarawan.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon