Adyenda sa araw

124 7 8
                                    

Encantadiks1285643 Naka abot pa HAHA

~~
Nagising ang Bathaluman sa kanyang silid, ramdam nya ang simoy ng hangin na sariwa, ang liwanag na nagmumula sa araw, at higit sa lahat ang ngiti na bumabalot sa kanyang  labi.

Napabangon ang Bathaluman sa kanyang paghiga, huminga sya ng malalim at napaisip.

Ano kaya ang maari kong gawin ngayon? Tanong nya sa kanyang isip.

Matapos ang ilang minuto ng ibat ibang bagay na maari nyang isagawa, bumangon sya at agaran nagbihis kasabay narin nitong lumisan ng kanyang silid.

Habang naglalakad ang Bathaluman patungo sa punong bulwagan ng devas, binati sya ng ibat ibang Ivtre na nakasalubong nya, hindi naman sya nagdalawang isip na magpasalamat.

Matapos ang kanyang paglalakbay naabutan nya ang silid na walang katao-tao, nagtaka ang Bathaluman lalo na't sa mga oras na ito, ay palagi naman narito ang nilalang na hinahanap nya, nalungkot ang bathaluman ngunit hinayaan nya nalamang ito, bago pa sya makaalis ng silid May narinig syang naglaho sa kayang likuran, hindi na nya kinakailangan pang alamin kung sino ito lalo na't, kilala na nya ang nilalang.

Hasne Ivo Live, mahal ko! Wika ng nilalang

Agad naman syang tumalikod at nakita ang una at nag iisang nilalang na kanyang minahal, binati sya puno ng ngiti kasama narin ang magagandang bulaklak na hawak nya.

Avisala Eshma mahal ko, wika nya, agad naman nyang tinanggap ang bulaklak na ibinigay sakanya at bago paman sya makapagsalita, hinalikan sya ng bathala sa kanyang labi, hindi naman nagdalawang isip si Cassiopeia na hindi ito ibalik sakanya.

Matapos nilang halikan ang isa't isa, tinanong ang Bathaluman ng kanyang kasintahan

Ngayong kaarawan mo, May naiisip kabang nais mong isagawa? Tanong ni Emre

Magandang katanungan, ngunit wala pa, sagot nya, ngunit ang naisip ko nalamang ay magbigay ng araw para sa aking sarili, isang araw na wala akong gagawin na anomang tungkulin, sapat na ito para sa aking kaarawan.

Kung yan ang iyong nais, hahayaan kitang isagawa mo ito, Sagot ni Emre

Ngumiti naman si Cassiopea, tumalikod sya upang umalis, ngunit pinigilan sya ng kanyang kasama

Saan ka patutungo? Tanong ni Emre

Kinakailangan kong magtungo ng Lireo, lalo na't pinangakuan ko sina Lira at Mira na tutulungan ko sila sa kanilang gawain, sagot ni Cassiopea

Ngunit hindi ba't ikaw na mismo ang nagsabi na, Nais mo magkaroon ng araw na wala kang gagawin na tungkulin? Bakit tila agad mo na itong sisirain? Natawang tanong ni Emre

Huwag kang mag alala, madalian lamang ito, at hindi ko sasayangin ang araw na ito lalo na't bihira ko lamang  ipagdiwang ang aking kaarawan.

Masasayang lamang ang Araw mo mahal ko,

Tingnan nalamang natin,ito ang huling wika ng bathaluman bago sya lumisan ng Devas, habang huminga lamang ng malalim ang bathala.

Sa lireo, nagsasanay sina Mira at Lira kasama ang mga kawal, ng biglaan nalamang maynaglaho sa kanilang harapan.

Avisala Esti, Sanggre wika ng bathala

Agad naman napatingin ang mga nagsasanay at nagbigay pugay sa kanya.

Cassiopea Great timing! Wika ni Lira, kailangan ko ng tulong, kasi kapag ginagawa kong yelo yung bato, kagaya ng tinuro mo, nagiging paneya, palagi nalang! Tingnan mo!

Ginamit ni Lira ang kanyang kapangyarihan at sinubukan ito sa isang dyamante, ngunit naging paneya parin.

Pwede din sya makain, wika ni Lira, at agad kinuha ang paneya at kinain.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon