Prologue

1.7K 38 19
                                    

Song: I'll Say Goodbye For The Two Of Us

Chloe's POV

"Kinamumuhian kita Chloe, habang buhay kong dadalhin ang galit ko sayo!" sigaw niyang sabi sa akin.

Parang pinipiga ang puso ko sa mga salita niya. Kahit minsan ay hindi ko naisip na sa lahat ng taong mamumuhi sa akin ay siya pa. Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung ano pa ang maaari kong sabihin sa kaniya.

"Ngayon lang ako hihiling sayo Chloe, ngayon lang! Will you please... stay away from me..." matigas niyang pahayag. "Ni ayokong makita lahat ng may kinalaman sa'yo! Lumayo ka sa akin! Please I beg you.. Kalimutan mo ako.. Kalimutan mo tayo! At kung may natitira ka pang hiya sa sarili mo, tatapusin mo ngayon ang lahat ng koneksiyon natin!"

Patalikod ko siyang nilayuan at pumikit. Hindi ko kinakaya ang mga sinasabi niya sa akin. Marami na akong pinagdaanan sa buhay pero ang isang ito ang hindi kinakaya ng puso ko. Bakit ganito? Bakit kailangan maging ganito kasakit? Bakit ako? Bakit kami? Bakit sa amin kailangang mangyari ito?

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko at makapag isip. Nanatili akong nakatalikod sa kaniya habang ang mga luha ko'y patuloy na umaagos. Parang walang katapusan.. Parang walang hangganan..

"Kung iyan ang gusto mo, gagawin ko," nanatili ang paghikbi ko sa lalamunan ko. "Sa isang kundisyon, Drake, lalayo ako ng tuluyan sa'yo at walang maiiwan ni bakas ng pagkatao ko." Matigas kong pahayag kahit sa loob ko'y para na akong mabubuwal ng mga oras na iyon. Pinahid ko muna ang mga luha ko at matapang na humarap sa kaniya.

"At ano namang gusto mong mangyari, ha? Wala ng natira sa akin Chloe, kinuha mo ng lahat!" sambit niya.

"May ibibigay ako sa iyong lugar at oras, magkita tayo mamayang gabi. Pagkatapos nito, sinisiguro ko sa iyo na hinding hindi mo na ako makikita pa," pabulong kong sabi sabay yuko.

Tangina, bakit ganito kasakit! Kung alam mo lang, Drake, kung ano ang ginawa ko at bakit ko ginawa ang lahat ng ito. Pero hindi mo na dapat malaman ang lahat. Mabuti ng ganito ang nararamdaman mo sa akin.

"Ha! At inaasahan mong pupunta ako?
Maninigas ka doon pero ni anino ko ay hindi magpapakita sa iyo" matigas niyang sabi

"Sampung milyon, Drake. Magandang panimula para sa sinasabi mong lahat na kinuha ko sa iyo. Aayaw ka pa din?!" ni hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng tapang para sabihin sa kaniya lahat ng ito. Pumayag ka na please.. Please...

"At talagang pinangatawanan mo pa ang pagsulsol sa akin ha? Iba ka talaga," umiigting ang pangang pahayag niya. "Pero sige Chloe. Siguraduhin mo lang na huli na ito at kahit kailan ay hinding hindi ko na makikita iyang pagmumukha mo!"

"Sinisiguro ko Drake. Tutupad ako sa usapan. At alam kong tutupad ka din," saad ko. Halos nanginginig na ang tuhod ko. Wala ni sa hinagap na maiisip kong posibleng mangyari ito. Sige lang Drake. Kamuhian mo ako. Iyan nga ang gawin mo mahal ko. Simulan mo ng burahin ako sa buhay mo. Pero huling pagkakataon pa. Please, sumipot ka.

"Masyado na bang bumaba iyang pagkatao mo Chloe? Para magpapakababa pa sa akin ng ganito? Para kang puta na handang ibigay ang sarili nila. Iyon nga lang wala akong pambayad sa iyo. The irony is, ikaw pa ang magbabayad sa akin. Sabagay, hindi na ko lugi sa iyo." Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. Matang hanggang kaluluwa ko, ramdam ko ang panlilisik. Mga matang dating puno ng respeto at pagmamahal sa akin, pero ngayon ay iba na.

"At tignan mo nga naman. Maaaring puta nga ako, pero marami akong pera at hindi ako talunan Drake!" Pagkasabi ko noon, agad siyang lumapit sa akin at hawak na niya ngayon ng isang palad niya ang mga pisngi ko. Masakit pero kailangan mong tiisin Chloe. Ganiyan nga.

Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon