Song: Once Again by Southborder
A/N: Super love the song. Hope you will like it while reading this chapter. Sobrang related. Eeeehhh!!!! Hahaha..
Chloe's POV
"Hmm.. Aray ulo ko!"Gumising akong sobrang sakit ng ulo ko. Inalala ko kung anong nangyari sa akin. Ganoon na lang ang gulat ko ng tumingin ako sa paligid at hindi pamilyar sa akin ang kwartong kinaroroonan ko. "Oh my gracious! Nasaan ako?!" Bulalas ko.
Nanatili akong nakatanga ng magbukas ang pinto at siyang takip ko ng kumot sa katawan ko. Niluwa ng pinto ang nag iisang taong ayoko na makita, "breakfast is ready, good morning honey!" Bati niya habang may hawak na isang tray na may mga pagkain at inilagay iyon sa side table. "Inumin mo na itong mga gamot para sa sakit ng ulo mo. Pero kumain ka muna ng konti." Normal niyang pahayag na animo'y karaniwan lang ang lahat. Napansin niya siguro akong nakatulala. "Oh! Para kang nakakita ng multo. Hindi ako aparisiyon gaya ng sabi mo kagabi." Sambit niya na inilahad pa ang mga kamay.
"A-a nong ginagawa mo? Ako? Anong ginagawa ko dito? May, may nangyari ba sa atin?" Tumingin ako sa loob ng kumot at dumagundong ng labis ang puso ko. Hindi pwedeng may mangyari sa amin ng hindi ko alam, hindi! Lalo na ngayon sa kalagayan namin.
"Relax. Hey! Walang nangyari kaya kumalma ka." Panigurado niya, dahilan para kumalma ako.
Huminga ako ng malalim. "Hayyyy.. Salamat naman."
"Bakit parang ayaw mong may mangyari?" Sabi niya na lumungkot pa ang mukha.
"Hoy! Umayos ka nga lalaki ka. Uuwi na ako. Nasaan ang mga damit ko?" Tumayo na ako at nag umpisang maghanap. Nakita kong nakatupi ang mga damit ko sa may upuan sa gilid ng kama. Mukhang bagong laba iyon.
Agad niya akong nilapitan, "sandali nga. Kumalma ka! Mag usap tayo." Magaan niyang hinawakan ang kamay ko.
"Hindi ako kakalma. Ayokong kumalma Drake! Magbibihis na ako!" Sabay bitiw sa pagkakahawak niya sa akin.
"Bakit ka ba nagkakaganyan?"
Tinignan ko siya ng masama. "Stop being nice! You are cheating right now! Itigil mo na ito!"
"Let me explain," bagsak ang mga balikat niyang tugon.
"Wala na tayong dapat pag usapan. Una't sapul, hindi naman naging tayo kaya walang dapat tapusin. Kung dati pumayag pa akong paglaruan niyo ako, ngayon hindi na! May bata ng pinag uusapan dito, ano ba! Umayos ka nga!" Malakas kong sambit at lumakad ng palayo sa kaniya pero hinila niya lang ako ulit.
"Pwede ko namang suportahan ang bata ng hindi kami nagpapakasal. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang." Nasa tinig na niya ang boses ng panghihinayang at matinding pagmamakaawa.
PAKKK!!
Sinampal ko na siya sa matinding galit na nararamdaman ko. "Sana naisip mo iyan noong mga panahong may nangyayari sa inyo. Sana naisip mo iyan habang masaya kang bumabayo sa babaeng iyon! Huwag mo na akong linlangin Drake! Tama na ito, tigilan mo na ako!" Inalis kong mabilis ang kamay niyang nakahawak sa akin.
Humarap siya sa akin na parang hindi nasaktan at yumuko. "Sinamahan ako ni Hally noong panahong lasing na lasing ako dahil sa iyo. Nawawalan na ako ng pag asang makita ka ulit. Hindi ko alam ang ginagawa ko noon-"
Tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang mga tainga ko. "Tama na! Tama na! Please, ayoko ng marinig parang awa mo na." Pagmamakaawa ko at napaupo na sa lapag. Umiyak na lang ako sa tuhod ko.
Naramdaman kong lumapit siya sa akin at lumuhod. "Mag usap tayo, please, honey, hindi ako papayag na ganito tayo magtatapos. Ayoko." Umiiyak na rin niyang pahayag.
BINABASA MO ANG
Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1
RomanceMinsan lang umibig ang isang Chloe Samonte. Humanga, nagmahal sa isang tao sa matagal na panahon. Hinintay niyang masuklian ni Drake ang pagmamahal niya. Ngunit, nang dumating na ang pagkakataon para sa kanila, malaking pagsubok ang hinarap ng kan...