Chapter Sixty

313 8 1
                                    

Song: You'll Be Safe Here-Rivermaya

Chloe's POV

"Sigurado ka bang dito ang hide out ng grupo, MJ?" Taka kong tanong kay Ethan habang nasa isa kaming transaksyon. Isang kuta ng sindikato ang papasukin namin ngayon. Illigal na gawaan ng pinagbabawal na gamot ang dahilan ng paglusob namin sa kuta nila.

"Oo naman, minanmanan pa nga namin sila ng ilang linggo." Gumaling na si Ethan sa ganitong transaksyon. Naging bihasa na rin siya sa paggawa ng mga gamot na nakakatulong ng malaki sa organisasyon.

"Kanina pa tayo naglalakad dito, ni wala ngang makitang tao!" Galit kong pahayag. Iniisip ko na baka natunugan ng mga hayup ang paglusob namin.

"Dito tayo RD!" Sabay turo sa isang pasilyo.

May naramdaman akong naglakad sa kanang bahagi ni Ethan kaya hinanda ko ang battle staves na hawak ko. Mahigpit ang rule namin ngayon, walang gagamit ng baril. Sinenyasan ko si Ethan na ako ang lulusob.

Gumapang akong walang ingay at nang makita ang mga lalaki naka full gear pa ang mga hayup ay siyang gamit ko ng pamalo ko sa kanila. Sinubukan nilang sabay na tamaan ako ngunit nauna ako sa kanila at makailang beses na pinalo sa kanila ang battle staves. Ang nasa kaliwang pamalo ko ay pinalo sa nasa kaliwang lalaki at ganoon naman sa kabila. Nawalan ng malay ang dalawa kaya tumuloy na ako sa pinagtaguan ni Ethan. Pagkakita sa kaniya ay nakatingin lang siyang pirmi sa dalawang lalaking napabagsak ko. Animo'y unang beses akong makitang makipaglaban.

"Bakit parang gulat na gulat ka?"

"Ha- ah lika na! Dito na ang daan doon sa target natin. At tinuro niya na ito. Nagtaka akong naglalakad siyang walang ingat. Samantalang ako ay alalay ang mga paa sa pagkilos.

"Malapit na tayo RD!"

"Sige, ihanda mo na ang pampatulog, kailangan natin ang target ng buhay."

"Copy!"

Sinenyas niya ang isang magarbong pinto. At inayos ko ang mga gamit ko at hinanda sa paglusob. Sumenyas akong ok na, kaya malakas niyang sinipa ang pinto at mabilis akong pumasok doon. Ngunit ang pagtataka ko ay walang liwanag ang kwarto! Bigla namang sumara ang pinto! Hinanap ko si Ethan. Kailangan kong makasigurong ligtas siya.

Nilinga ko ang mga mata ko at nag umpisa ng kabahan, lumakad akong pabalik sa pintuan ngunit nagtakang sarado na iyon.

"J.. " Bulong ko.. Gumapang ako kwarto at kinapa kung may mga gamit bang naroon ngunit nabigo ako. Nilukuban na ako ng takot, at bumalik sa pintuan at planong sipain iyon ng malakas ng may humawak sa mga kamay ko at kinuha ang battle staves ko. Narinig kong tinapon niya iyon sa malayo.

"Sino ka?" Ngunit malakas niya akong hinila at mabilis na tinali. Nagpumiglas ako at mabilis akong nakawala sa pagkakahawak niya. Tinulak ko siya at akmang sisipain ng bumukas ang mga ilaw na nagpasilaw sa akin. Naiharang ko ang mga kamay ko sa mga mata ko.

"Stop na! Stop na!" Pagkarinig ko sa boses na iyon ay nanlaki na ang mga mata ko. "Ako ito honey, ang asawa mo! Puta muntikan na ako doon ha!"

Pagtingin ko sa bumukas na pinto ay nandoon ang buong pamilya ko at ang pamilya ni Drake. Napakurap kurap pa ako ng makailang beses bago lalong luminaw sa akin ng nakikita ko.

Maganda ang ayos ng malaking kwartong iyon. Nagkalat ang mga bulaklak at ang mga balloons. Tinignan kong muli ang pamilya namin ni Drake at nakitang naka ayos din sila na parang may event. At ang kambal ko, parang nakapang abay si Aya at may hawak na basket of flower. Si Kaeley naman ay naka tuxedo at may hawak na maliit na unan. Lahat sila ay nakangiting nakatunghay sa amin.

Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon