Chapter Fifty

232 8 2
                                    

Song: Itutulog na lang- The Juans

Chloe's POV

"You did the great job RD. Hindi mo ako binigo, salamat," at hinalikan ako ng dati kong boss sa pisngi at binigay sa akin ang mga bulaklak sa akin. Nagpapalakpakan na ang mga tao.

"Mapilit ka dad, sinabi nang ayoko," at tinignan ko siya. "You look pale, kumusta ang pakiramdam mo?" Sabay hinawakan ang mukha niya.

"Katatapos ko lang kanina sa chemotherapy. Responsive daw ang process dahil lumiliit na ang mass sa kidney ko. Everything will be better."

"Good. Magpalakas ka lang dad. Hanggang ngayon hindi ako sanay sa tawag sa iyo," at nagtawanan na kami. "Sa makalawa na kayo aalis nang naynay sa New York. Enjoy your honeymoon. Sa akin muna si Ate Emma." At nginitian ko siya.

"Thank you, anak. Salamat at pumayag ka sa gusto kong mangyari. You are so great. I can't imagine life without you," at niyakap na niya ako. Hinawakan ko na ang kamay niya pagkatapos at parehas kaming humarap sa mga tao.

Kakasal lang nila ni naynay 'nung nakaraang linggo. Hindi ko alam na matagal na rin pala ang relasyon nila. And he decided na I adopt kaming tatlong magkakapatid. He is suffering from kidney cancer stage 3. Pinalabas niyang ako ang kinasal sa kaniya dahil alam niyang hindi kakayanin ng naynay ang hirap ng pagtataguyod ng kumpanya kung sakaling mawala siya. At hindi iisang mag anak niya ang kalaban namin ngayon, marami ang naghahabol sa yaman niya. Bagay na ayaw niyang mangyari, dalawa daw sila ng taytay ko na nagtaguyod ng kumpanya. Kaya marapat lang daw na kami ang magmana ng maiiwan niya.

Hinati na niya ang shares niya sa aming mag anak. Ako ang pinakamalaking shares kaya ako na ang pinalit niya sa kumpanya as CEO. Hindi na kinakaya ng katawan niya ang effect ng chemo kaya I replaced him. Everything will be according to our plan..

Natapos na ang performance at nag group hug na kaming performers at nag thank you prayer. Pagkatapos ay may thank you party sa malapit na bar but I refused to come.

Kasalukuyan akong nasa dressing room kasama ang ilan sa mga performer nang lapitan ako nila naynay.

"Napakagaling mo anak! Proud na proud ako sa iyo!" Sabay halik sa akin ni naynay.

"Oweng sino iyong lalaki? Bakit mo siya hinalikan? Hindi naman iyon si Drake! Bad ka!" Baling naman sa akin ni Ate Emma. Hindi ko na maalis sa kaniya ang tungkol kay Drake. Pilit naming pinapaliwanag ngunit nabibigo kami. Hinawakan ko na lang ang pisngi niya at humalik doon.

"Proud kuya here! Bet ko iyong isang kasama mo. Kunin mo number. Pangalawa sa nagperform.. Sige na.." Masuyong bulong sa akin ni Kuya Leone dahilan para pitikin ko siya sa noo.

"Tado! May jowa na iyon!" Baling ko sa kaniya. "Mauna na kayong umuwi. Dala ko naman ang sasakyan ko. Sa bahay na tayo mag celebrate ha. Mag take out na lang kayo ng food," at hinatid ko na sila sa pinto at humalik.

"Baby girl, nandyan si Drake kanina at nasabi ko sa kaniya ang nangyari sa iyo noon," bulong ni kuya sa akin dahilan para mangatog ang mga tuhod ko. Saka sila umalis na.

"Best friend!!!" Napalingon ako sa maingay na boses na iyon. Alam na alam na kung sino iyon. "Hindi mo naman ako ininform na ganoon ka pala kahusay! BFF! Grabe!!! Ayan ha! Humabol ako kahit naka uniform pa nga diba?" Pagpapaliwanag ni Daisy. Sinabi niya kasing hindi siya makakapanood sa akin.

"Kumusta pag aaral natin?"

"Medyo nahihirapan, kinalawang na ata ang utak ko. 'Peram naman ng konti sa iyo."

"Loko!" At pagtingin ko sa may pintuan ay may makisig na lalaki na nakatunghay doon. "Jowa?"

Nagkibit balikat lamang ito at ngumiti, "kinda. It's complicated."

Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon