Song: Everything I Wanted cover by Dan Ombao, maylabs! 😝
Chloe's POV
"Oweng, andito ka na!' bungad ng ate Emma sa akin. Niyakap niya ako at hinalik halikan nang sunod sunod.
"Namiss mo ko talaga Ate, grabe! Andaming kiss," lalong gumaan ang nararamdaman ko dahil kay Ate.
"Kanina pa kita hintay, eh. Hintay ka na rin ni Bing Bong," ang tinutukoy niya ang ang elephant stuffed toy na binigay ko sa kaniya.
"Gabi na, hindi ka pa natutulog? Masama sa iyo Ate ang magpuyat," mag aalas dose na ako nakauwi mula sa trabaho ko. Ganiyan ang ate Emma, madalas hindi siya nakakatulog ng wala ako. Dumating akong nakaupo siya sa labas ng bahay namin, hawak ang stuffed toy niyang si Bing Bong.
Niyakap ko siya ng mahigpit, maganda ang Ate Emma. Matanda siya sa akin ng limang taon. Maliit, alon alon na buhok, mahabang pilikmata, matangos na ilong at maliit na labi. Mas kahawig siya ni Naynay kesa sa akin. Iyon nga lang at may Autism siya. Twenty five na siya pero nasa eight year old lang ang thinking capacity niya.
"Oweng ko, bakit parang malungkot ka? May umaway ba sa iyo? Hindi ko sila bati pag sinaktan ka nila."
Huminga ako ng malalim at humarap sa kaniya. "Wala Ate. Lika, tulog na tayo. Kukwentuhan na lang kita tapos bukas na tayo maglaro, ha," sabay halik sa kaniya sa pisngi.
"SIGE! Gusto ko iyan! Gusto ko iyan!"
Pagpasok sa bahay, "pambihira kang bata ka! Hindi ka man lang nagsasabi kung anong oras ka uuwi! Kanina ka pa niyan hinihintay!" galit na sabi ni Naynay Lourdes.
"Pasensiya na 'Nay. Nawalan po ako ng load. Bukas po pala maaga na ang duty ko sa Magsaysay Hospital. Pakigising na lang po ako ng alas sais," balik eskwela na bukas kaya dapat maghanda ako.
"Sige, nakahanda na ang mga gamit mo. Hala sige at magpahinga na tayo. Emma, inumin mo na yung gatas mo. Ikaw din Oweng, para may lakas ka bukas."
"Opo 'Nay. Tulog na rin po kayo," at hinalikan ko na rin siya at pumunta na kami sa kusina para uminom ng gatas.
Pagkatapos uminom ng gatas, naligo na 'ko at nagsipilyo. Kinuwentuhan ko na si ate Emma ng fairytales. Buti at kaagad naman siyang nakatulog. Bumibigat na rin ang talukap ko. Kahit na mabigat ang puso, pinilit kong magpahinga para bukas. Niyakap ko na lang ang Ate.
'Tomorrow is another day, Chloe. Happy memories lang.'
Kinaumagahan, naunahan ko ang alarm ng isang oras. Bumangon na ako at naghanda sa duty ko. Matatapos na ako sa kursong Nursing, konting konti na lang.
'Push pa, Chloe! Kaya mo iyan!'
Sinuot ko na ang white uniform ko at white stockings at sinabay na rin ang white na sapatos. Kumain na rin ako ng pandesal at nagkape. Tulog pa ang Ate Emma kaya hinalikan ko na lang siya sa noo at nagpaalam na rin kay Naynay.
Maaga akong nakarating sa ospital. Hinanda ko na muna lahat ng kailangan ko at umupo muna sa may waiting shed malapit sa Emergency Room.
Habang naghihintay, nadako ang tingin ko sa isang itim na sasakyan. May babaeng lumabas sa passenger seat at dumungaw sa may bintana ng driver's seat. Mukhang nagkiss sa tao doon.
Tinted ang kotse kaya di ko makita. Badtrip! Ijudge ko sana kung bagay sila o hindi. Nagsimula ng maglakad papasok ng ospital ang babae, napakaganda niya! Straight ang buhok niya hanggang bewang, maputi, matangos ang ilong, at matangkad. Bumagay sa kaniya ang hapit niyang suot na red dress hanggang bago mag tuhod. Naka stiletto heels at bag na mamahalin. Mukha siyang artista. Lahat ng nadadaanan niya ay napapatingin sa kaniya katunayan na maganda siya. At nung magawi siya sa akin, napanganga pa ako.
BINABASA MO ANG
Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1
RomanceMinsan lang umibig ang isang Chloe Samonte. Humanga, nagmahal sa isang tao sa matagal na panahon. Hinintay niyang masuklian ni Drake ang pagmamahal niya. Ngunit, nang dumating na ang pagkakataon para sa kanila, malaking pagsubok ang hinarap ng kan...