Chapter Twenty

212 9 0
                                    

Song: Wish I Was Better-Kina

Drake's POV

Ilang araw na ang nakakaraan at nag focus na lang ako sa trabaho ko. Maaga akong umaalis at gabi na ako kung umuwi.

"Dexter, Dexter! Bakit ganito ang report na ito?"

"Sir? Patingin. Tama naman na po iyan Sir sabi nang Marketing Department."

"Anong tama?! Hindi! Mali iyong formula neto! Ipaulit mo iyan! Sabihin mong ayusin nila ang trabaho nila! Naka ilang balik na iyan ha? Pang sampung pasa na iyan na hindi matama tama! Ano ba!!!"

Hindi ko namalayang naibato ko pala iyong folder. Pinulot na lang ni Dexter.

"Sorry sorry." Nahilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.

"Sir, mawalang galang na po pero parang lately napakainit po ng ulo niyo. Hindi naman po kayo ganyan dati. Tingin ko po need niyo ng matinding pahinga. Mag unwind kayo boss, makakatulong iyon."

Huminga ako ng malalim at tinapik ko na lang ang balikat niya, "pasensiya ka na ha. Sige pwede ka nang umuwi Dex. Thanks for today," sabay pasok sa opisina ko.

Pagkaupo ay napasandal at itinaas ko na lang ang ulo ko na nakapikit.

'Ano bang nangyayari sa iyo Drake!'

Tinapos ko na lang ang hawak kong report at umalis na. Nagsimula na akong magdrive. Maaga pa kaya nag isip muna ako kung saan pwede mag ikot ikot nang mapagdesisyunan kong pumunta sa tabing dagat.

Nasa daan na ako nang mapansin ko ang mga grupo ng mga batang nasa tabi ng dagat. Nandoon sila sa may poste ng ilaw. May isang babaeng nakatalikod na nakaupo sa harap nila. Hindi ko alam pero gusto kong malaman kung ano iyon at titig na titig sila sa nagsasalita. Kaya hininto ko ang sasakyan sa gilid at lumapit doon. Palapit nang palapit, parang nagiging pamilyar ang boses ng nagsasalita. Bumibilis ang tibok ng puso ko nang tuluyan akong mapalapit at pumunta sa tagong likurang bahagi at doon ko nakompirmang..... Si Chloe... Siya ang nagsasalita... Pinagtatagpo ba talaga kami?

"At doon natatapos ang kwento nang Alamat ng Pinya," sabay nagpalakpakan ang mga bata. "Heto na siguro ang huling araw kong matuturuan kayo. Salamat sa inyo at naging parte kayo ng buhay ko. Laging niyong tatandaan na napakahalaga ng edukasyon kaya pilitin ninyong matuto at makatapos ng pag aaral. Maaasahan ko ba iyon?"

"Opo Teacher Sam!" sabay sabay na sagot ng mga bata.

'Bakit Sam?'

"Binilin ko na kayo kay Teacher Aubrey para tuloy tuloy kayong maturuan."

May batang lumapit sa kaniya habang umiiyak, "Tea-cher Sam," humihikbi pang tugon ng bata. "Pwede po bang --huwag na kayo umalis --at dito na lang kayo sa -amin? Pwe-de ko ka-yo ka-tabi sa hi-gaan ko."

Nakita kong yumakap si Chloe sa bata at inalo ito. Naiiyak na rin siya. "Yeye kailangan ni teacher umalis eh. Pangako dadalawin ko kayo ha," umupo siya para pumantay sa bata, "pag iigihan mo ang pag aaral ha. Hindi dahilan ang kahirapan para tumigil matuto ha, Ye?"

"O---ppo" humihikbi pa siya at yumakap ulit.

"Teacher Sam!" sabay sabay lumapit ang mga bata sa kaniya at isa isang yumakap sa kaniya.

Luhaan siyang natapos at bumalik sila sa inupuan nila.

Hindi ko naiintindihan pero ramdam kong aalis siya. Saan kaya siya pupunta? At ganito siya kalapit sa mga batang ito? Sumasakit na naman ang ulo ko kung anong dapat isipin.

"Isang kanta na lang tayo tapos pwede na kayong umuwi. Yeye, lika! Ikaw manguna sa pagkanta natin." Lumapit naman ang bata at humawak sa kamay niya. Saka siya humawak ng gitara at nagsimula nang tumugtog.

Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon