Chapter Forty

194 6 0
                                    

Drake’s POV

Noong  umaga ay nag almusal muna kami ni Chloe at mabilis na inihatid siya dahil may exam pa daw sila. Ayaw niyang magpasundo dahil kailangan ko daw magpahinga at mahaba habang biyahe pa ako. Pinili kong magbyahe ng gabi para iwas traffic na rin. Mag aalas singko na ng hapon na nung tumawag sa akin si Jeffrey. Ang private investigator na binabayaran ko para maghanap kay Chloe. Sinabi ko ng nahanap ko na siya pero pinahanap ko kung saan siya tumutuloy ngayon. Pupunta siya ngayon dito sa condo ko para magreport. Pagkabukas ng pinto after niya mag doorbell ay nagulat akong puro sya pasa, sugat sa mukha at katawan, naka neckbrace pa siya.

“Oh anong nangyari sa iyo?” Pinapasok ko na siya at iika ika pa siyang naglalakad.

“Boss may bumugbog sa akin sa lugar na iyon kanina lang,” hirap niyang paliwanag. Putok din kasi ang labi niya.

Dahilan para kabahan na ako. “Ha? Bakit saan ba siya nakatira?” Sabay bigay sa akin ni Jeffrey ng sketch ng eksaktong bahay ni Chloe at nakasulat din doon ang exact address niya.

“Squatter area boss. Sinusundan ko siya tapos ‘nung nalaman ko na, pabalik na sana ako ng biglang may nambugbog sa akin. Hinila ako sa loob ng abandonadong building boss. Madilim kaya hindi ko nakilala boss pero ang lakas niya! Pinapaamin ako kung ano daw ang ginagawa ko. Boses babae boss pero buti na lang may dumaang mga tanod kaya kumaripas na siya ng takbo. Nagreport ako sa barangay pero walang nakita sa CCTV. Buti buhay pa ako ngayon boss. Delikado ang lugar na iyon, dapat masabihan mo ang kilala mo ‘dun boss.” Ngumungiwi pa ang mukha niya halatang in pain pa siya.

Dumagundong ng lalo ang puso ko. “Chloe…” usal ko. Delikado siya sa lugar na iyon.  Iniabot ko na ang envelope na bayad ko pero kumuha pa ako sa wallet ko ng ilan pang libo. “Eto ang bayad mo. Dadagdagan ko para makapagpagamot ka. Salamat. Magpagaling ka.” Pagkatapos noon ay umalis na si Jeffrey at karipas ko naman sa cellphone ko para tawagan si Chloe. Agad naman niyang sinagot iyon.

“Nasaan ka?” Bungad kong tanong.

“Nakauwi na po ako sir, bakit po?” Naririnig ko pa ang papel na hawak niya siguro.

 “Ayusin mo na ang mga gamit mo diyan. Susunduin kita. Dito ka na magstay sa condo ko.”

“Ha? Tumigil ka nga! Ano na naman iyang naiisip mo? Sige na mag aaral pa ako! Bye,” at binaba na niya ang tawag.

Nagmadali akong maligo at magbihis. Saka madaling pinuntahan ang address niya. Looban pa iyon kaya sa labasan ako nagpark at totoong nakakakuha ako ng atensyon ng mga taga roon. May sketch naman kaya madaling sundan ang daan. Hindi ko itatatwa ang kabang nararamdaman ko. Iniisip kong baka mapano si Chloe sa lugar na ito. Pagkarating sa bahay ay nakita kong magulo ang bahay na iyon. Marami raming taong lumalabas pasok, siguro ay maraming nangungupahan doon. Nakuha ko kaagad ang atensyon ng isang babae.

“Ay pogi! Ako ba ang hanap mo?” Naka maiksing short siya at naka spaghetti strap na pang itaas. Nailang ako kaya mabilis akong nagtanong.

“Ah hindi po. Tanungin ko lang po kung nandiyan si Chloe?”

“Chloe? Ah iyong bagong tenant. Naku may sariling mundo lagi ang isang iyon. Maganda pa naman. Sige wait ka lang diyan pogi,” at umakyat na siya. Nagulat akong pinalibutan na ako ng mga babae roon at gustong magpakilala. Nginitian ko na lang sila hanggang makabalik ang tumawag kay Chloe.  “Hoy! Lubayan niyo nga iyan! Taken na iyan ni Chloe!” Saway niya sa mga lumalapit sa akin. “Wala siya sa kwarto niya pogi eh.”

Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon