Song: It Will Rain by Bruno Mars
Drake's POV
Magdamag akong hindi nakatulog at nag iinom lang ng beer. Bumagsak ang pag asa kong magiging maayos kami at kakalimutan na niya ang dati niyang trabaho. Ano bang meron doon at hindi niya mabitiwan? Ang sakit sakit na ng pakiramdam ko. Nahihirapan na akong unawain siya kung ako ay hindi niya mapagbigyan sa gusto ko na talikuran na niya iyon. Sumisilip na ang liwanag sa labas ng may tumawag sa akin at si Chloe iyon.
Honey is calling..
Sinagot ko iyan ng pabalang, "Anong room mo?" K*ngina, kahit nasasaktan na ako, hindi ko naman siya kayang matikis! "Nasaan ka na?"
"Ikaw ba ang kasama ng babaeng ito?" Parang nawala ang amats ko pagkarinig ko sa lalaking nasa kabilang linya. Agad akong tumayo.
"Sino ito? Bakit hawak mo ang cellphone niya?!"
"Nandito kami sa Opium Bed, seaside. Ikaw na ang sumundo kasi mukhang nanlata sa ginawa namin kagabi." Paliwanag ng lalaki kaya lalong nagpuyos ang galit ko.
"P*tangina ka! Anong ginawa mo kay Chloe?" Agad na akong lumabas at papunta na sa sinasabi niya.
"Oh relax! Siya ang nag aya hindi ako. Sunduin mo na lang pare," at binaba na niya ang tawag. Nanginginig na ang buong parte ng katawan ko.
Pagkarating ko sa sinabi ng lalaki at nakitang nag aayos siya ng pantalon niya ay agad ko na siyang sinapak. Sila lang ang tao sa lugar na iyon kaya alam kong ito lang ang lalaking tumawag sa akin!
"G@go ka!! Papatayin kita!!" Ilang sapak pa ang inabot niya sa akin at sumasabay naman siya ng suntok sa akin.
Pinaibabawan ko siya at sunod sunod ang suntok ko sa kaniya. "G@go ka rin! Hindi naman ako ang nag aya! Bakit hindi siya ang tanungin mo?" Doon ako natigil at tumingin sa tinuturo ng lalaki. Mali, hindi si Chloe iyan! Sigurado ako, hindi siya iyan. Pero palapit ng palapit ay nakukumpirma kong siya nga ang nakahiga doon! Gumuho ang natitira ko pang pag asa! Mahimbing siyang natutulog na tanging kumot ang nagtatakip sa katawan niya. Bahagyang nakaladlad ang braso at dibdib niya. Doon na bumuhos ng husto ang luhang kagabi ko pa pinipigilan. Nasa gilid niya ang maleta niya at nagkalat ang mga beer cans at iba pang klase ng alak at pagkain. "Masarap kasama sa party ang babaeng iyan. Hahaha," sambit pa ng lalaking putok na ang mukha at nguso.
Nagpupuyos ang galit ay sinapak ko siya ulit. "Magsama kayo! Parehas kayong walang kwenta!!! Magsama kayo!!!" At dali dali na akong umalis at umakyat sa kwarto. Inayos ko na lahat ng gamit ko at mabilis na nagpahatid sa airport. Nasa terminal na ako ng makita ko si Hally na nakatayo doon at may hawak na maleta.
Nakasimangot pa rin akong humarap sa kaniya. "Drake! Baby!" At bumeso siya sa akin na tinanggap ko naman. "Nandito ka rin pala," sabay yumapos siya sa leeg ko na iniwasan ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Matabang kong tanong.
"May meeting lang ako, ikaw sino kasama mo?"
"Huwag mo muna akong kausapin Hally," at sabay lakad na sa reception area. Naramdaman kong nakasunod pa rin si Hally.
"Si Chloe ba ang kasama mo? Nasaan siya?" Mataas na tono niyang tanong. Parang nanunudyo.
"Huwag mong mabanggit ang pangalan na iyan!"
"Woopss! Mukhang may problema kayo ha. Anyway, saan ka uuwi?"
"Sa Maynila," sagot ko.
"Sabay na tayo, doon din ako. Naghihintay na ang sundo ko doon," at humawak na siya sa braso ko. Hindi ko na lang siya pinansin sa lahat ng pagtatanong niya sa akin. Tumakbo ang mga araw na wala na akong balita kay Chloe. Wala akong gustong malaman tungkol sa kaniya. Wala! Para akong pumapasok ng walang buhay. Natatapos ang araw ko sa pag inom ng alak.
BINABASA MO ANG
Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1
RomanceMinsan lang umibig ang isang Chloe Samonte. Humanga, nagmahal sa isang tao sa matagal na panahon. Hinintay niyang masuklian ni Drake ang pagmamahal niya. Ngunit, nang dumating na ang pagkakataon para sa kanila, malaking pagsubok ang hinarap ng kan...