Chapter Twenty Two

199 7 0
                                    

A/N: Stay happy. Stay inlove. :)

Ethan's POV

"Bro I'm sorry. Hindi ko sinasadyang masapak kita. Sana huwag na tayong mag away."

Hindi ko pa rin siya pinapansin at nagtutuloy lang akong mag ayos ng gamit ko para mag duty.

"Ethan. Ano? Paano ba ako makakabawi sa'yo? Sige na. Sapakin mo na ako ulit. Huwag lang tayong magtalo. Nagagalit na si mommy at daddy. Ang hirap ng hindi niyo ako pinapansin. Huy!" at tinapik niya ang balikat ko.

"Ano ba kuya! Umayos ka nga! Wala akong oras sa iyo!" at nagmamadali na akong kinuha ang gamit ko at pumunta na sa pinto ng kwarto ko para lumabas. Hawak ko na ang door knob nang..

"Plano ko ng ligawan si Chloe," nakayuko niyang pahayag.

Hindi ako nakakilos at natigil. Tama ba ang narinig ko?

"Sorry bro pero hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Sinubukan ko naman pero wala eh. Mababaliw na ako sa kakatanggi eh. I'm sorry. I'm sorry."

'So, parehas sila ng nararamdaman sa isa't isa? At ako? Lalong lumabo ang pag asa ko kay Chloe.Ganoon? Sapakin ko kaya ulit ito?'

Nilapitan ko siya at humarap ako sa kaniya.

"At? Gusto mong pumabor ako ha kuya? Ok! Sana sagutin ka niya! Sana maging masaya kayong dalawa! Ganoon ba gusto mo ha? Ano pa? Kasalan na ba? Tang ina! Eh di congrats!"

"Ethan! Hindi sa ganun! Mag usap tayo ng maayos please."

"Ah usap! King ina ano ginagawa natin ngayon? Sayaw ba ito?!"

"Umayos ka! Alam kong mahirap ngayon pero hindi ko gustong sa iba mo malaman! Gusto ko si Chloe! At gagawin ko lahat para sa kaniya!"

"Eh di GOOD LUCK!!! Ako nga hindi umubra, ikaw pa!"

Pumikit siya at parang naaasar na.

"Sige magpalamig ka muna. Pero gusto ko lang sabihin sa iyo na sana respetuhin mo na siya. Kahit ano pa man ang naging past niya, babae pa rin siya at kailangan nating igalang siya."

"Wow coming from you? Eh di ikaw na magalang. Ikaw na tinitingala. Ikaw na tagapagmana. Ikaw na lahat. Tapos ikaw pa ang ginu—" napatigil ako. Hindi ko sasabihin iyon at hindi ko hahayaana na maging madali sa kaniya ang lahat.

"Andito lang ako, kung gusto mo ng magkaayos tayo at magusap ng matino, sabihan mo lang ako. Kilala kita. Hindi ka rin tatagal na magkagalit tayong dalawa. Alis na ako."

Umalis na siya at pagkasara ay hinagis ko na lang sa pinto ang hawak kong libro.

Pumikit ako. Ano bang meron ang kuya na wala ako? Hay! Hindi ko pwedeng ipilit pa kung ayaw ni Chloe sa akin. Hindi ko pwedeng hadlangan ang kaligayahan niya. Pero hindi rin ako papayag na maging tulay sa kanilang dalawa! Manigas ka kuya!

Pagkadating sa ospital ay nagkasalubong kami ni Chloe sa may lobby. Napayuko na lang siya at nagtuloy sa paglakad. Pero hinila ko siya.

"Huwag mo akong hawakan!"

"Mag usap tayo. Please Chloe please! Sorry. Sorry sa lahat. Sorry."

Tumingin siya sa paligid at siguro ay nahihiya siyang manguha kami ng atensyon sa mga tao kaya tinuro niya ang café na nasa loob ng ospital. Pagkaupo ay hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

"I'm sorry. Pangako, hindi na iyon mauulit. Nagising na ako. At nasa proseso na ako. Sana mapatawad mo pa ako sa nagawa ko."

Pagkasabi noon ay doon lang siya tumingin sa akin.

Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon