Song: O, Pag ibig
Chloe's POV"Oweng!! Ano ba, kanina pa kita tinatawag ha! Ano bang ginagawa mo diyan?" Ang nanay kong maingay pero mahal na mahal ko.
"Eto na po 'Nay. Nagliligpit lang po, pababa na po," bahagyang sigaw ko. Pagkababa ko ay nagmamadaling lumapit siya sa akin.
"Dalhin mo na itong mga ginawa kong kakanin na order nila Don Manuel. Bilisan mo na at baka kanina pa ito hinihintay." Sabay bigay sa akin ng tatlong malalaking bilao.
Pagkasabi ng Nanay ko na kila Don Manuel iyong order,agad na nabuhayan ako. Sana nandoon si Sir Drake! Ang lalaking matagal ko ng hinahangaan.
Habang nasa ulo ko ang tatlong bilao, masaya akong naglakad palabas. Ang Don Manuel Arellano, Lolo nila Drake at Ethan Arellano. Mayayamang angkan dito sa amin sa Quezon Province.
Bago tuluyang lumabas ng pinto, tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin.
'Nakakadismaya ang itsura mo, girl. Baka kahit isang sulyap, hindi magawa ni Drake sa iyo.'
Lulumaing pantalon, may mga sirang damit at tsinelas na pinipilit na lang isalba para magamit. Nagsuot na rin ako ng cardigans para matakpan ang butas ng damit ko.
Hayaan mo na Chloe, darating din ang oras para sa iyo. Makakaahon din kayo sa hirap. Hold ka lang diyan heart, bawal ka mapagod. Aayos ka din, aayos din ang buhay mo. Tapangan mo lang. Just keep going, girl. Wala ka rin namang choice.
Paalis na sana ako ng may humila sa kamay ko. "Oweng san ka punta? Diba, sabi mo maglalaro tayo?" malambing na tugon ng nakatatanda kong kapatid na si Ate Emma.
Nilapag ko muna ang mga kakanin. May espesyal siyang kalagayan, Autism. Siya at ang Naynay Lourdes ko ang dahilan kung bakit pinipilit kong makaahon sa hirap.
Maagang pumanaw ang Taytay ko sa edad na kwarenta. Binaril siya sa isang madilim na lugar. Hanggang ngayon ay hindi pa alam kung sino. Magsasampung taon na. Kaya kayod kalabaw na ako at ang Naynay ko simula noon. Natuto akong kumayod, tulong na rin sa kaniya.
"Ate Emma, mamaya maaga akong uuwi, pangako. Maglalaro tayo, ha. Ngayon kasi may inuutos pa si Naynay. At pagkatapos may raket pa ako. Sorry Ate ha, babawi ako sa iyo. Promise!" itinaas ko pa ang kanang kamay ko.
"Sige, ha. Basta uwi ka kaagad, ha. Mamimiss kita Oweng ko," sambit niya.
"Oo ba! Ano na nga ang kasabihan natin ate?" tanong ko
"Mahihirapan pero hindi susuko!" sabay naming saad at nag apir rin pagkasabi.
"Alis na ko Ate. Smile na iyan," at nag smile na ang ate Emma ko. Kinuha ko ulit ang kakanin at nilagay sa ulo ko.
Habang nasa daan, ramdam kong may sumusunod sa akin.
Tae!Hindi pwedeng masira ang kakanin ni Naynay. Mukha mapapasabak ako!
BINABASA MO ANG
Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1
RomanceMinsan lang umibig ang isang Chloe Samonte. Humanga, nagmahal sa isang tao sa matagal na panahon. Hinintay niyang masuklian ni Drake ang pagmamahal niya. Ngunit, nang dumating na ang pagkakataon para sa kanila, malaking pagsubok ang hinarap ng kan...