Chapter Twenty Eight

192 5 0
                                    

A/N: Hello pows. Enjoy reading.

Ang sakit ng kanta noh? :'(

Nga pala, nakita ko na ang perfect for my main character at nasa dulo sila para basahin niyo. Hahaha..

Drake's POV

"Gago ka! Papatayin kitang hayup ka!" sigaw ko sa isang lalaking sinabing mukha daw masarap si Chloe. Hindi ko napigilan ang galit ko dahil simula pa kanina pinag uusapan na ng mga lalaki si Chloe na tinatawag din nilang Samantha. Alam kong ginawa lang siyang escort ng isang iyon. At hindi rin naman ako tanga para malaman na hindi naman nila binibigay ang mga totoo nilang pangalan. Pilit ko rin siyang sinisiraan para mabawasan ang paghanga nila para sa taong mahal ko. Ang hirap! Pero kailangan ko siyang intindihin dahil ito ang gusto niya. Nagsisikap siya at ayaw niyang makatanggap ng anumang tulong mula sa akin. Puta!

'Ano ba ang dapat kong gawin? Ano?'

"Mas gago ka! Ano problema mo ha!! Nagkukwentuhan lang tayo dito! Ikaw na nga itong sinasamahan uminom!" Inambaan ko pa ang lalaki pero inawat na kami ng mga tao at hinila na lang siya palabas. Kinuha ko ulit ang baso ko na may lamang alak.

Pagtalikod ko ay ganoon na lang ang gulat kong nasa harapan ko na si Chloe na nakapameywang sa akin at masama ang tingin. "Lasing ka na," sabay kuha sa hawak kong baso na may alak.

"Huwag kang mangialam. Doon ka sa lalaki mo!" at kinuha ko muli ang baso sa kaniya pero iniilag niya iyon.

"Tumigil ka na," tumingin siya sa paligid na tila may hinahanap. "Nasaan ang kasama mo?"

Ngumisi lang ako, "hinatid ko na ang GIRLFRIEND ko. Ikaw nasaan na ang kliyente mo?"

Umiwas siya ng tingin at inilapag sa bar counter ang baso ng alak, "Halika ka na, iuuwi na kita sa inyo. Ayokong nakikipag usap sa lasing."

"Concern ka na sa akin? Dapat pala lagi akong maglasing para makita kong may pakialam ka sa akin."

"Drake tama na. Alalayan na kita," at hinawakan na niya ako sa beywang ko at inilagay ang kamay ko sa balikat niya para maalalayan ako.

Lasing na nga ako pero nasa huwisyo pa. "Kailan ba ako pwede magpa book para ako naman ang serbisyuhan mo? Kaya ko din namang magbayad ha."

At nakita kong nalungkot siya pero nagtutuloy pa rin akong alalayan na naglalakad. "Huwag ka ng magsalita baka kung ano pang magawa ko sa iyo."

"Gawin mo. Gawin mo honey. Alam mo gusto ko ng tigilan ito eh. Kaso isipin ko pa lang na hindi na kita makikita, parang mas masakit iyon kesa sa tanggapin ko kung ano ka at sino ka."

"Mali lahat ng iniisip mo sa akin. Magpapaliwanag ako pero hindi ngayong nasa impluwensiya ka ng alak. Saan ka naka park? Hindi ka pwedeng mag drive." Siya namang turo ko sa may gawi sa sasakyan ko.

"Marunong kang mag drive?" lasing kong tugon at tingin sa kaniya.

"Tren na lang ata ang hindi ko pa napaandar. Susi mo," nakalahad niyang tanong at sabay abot ko naman ng susi ko.

Iniupo niya muna ako sa front passenger seat. Inaayos niya pa ako ng upo at dahil napalapit siya sa akin kaya hinapit ko siya at hinalikan. Mabilis naman siyang bumitaw at galit na umalis.

'Ayaw na niya sa akin.'

Balibag niyang sinara ang pinto, "tsk! Buwisit ka! Sa susunod na halikan mo pa ako ng hindi nagsasabi, sasapakin na talaga kita!"

"Kapag sa iba nagpapahalik ka, bakit sa akin hindi! Ayaw mo na sa akin noh?" malakas na loob kong tanong.

"Drake! Itigil mo na ang panghuhusga sa akin na para bang alam na alam mong lahat ng nararamdaman ko! Umayos ka na at magdadrive ako. Huwag ka ng magsasalita kung ayaw mong tuluyan akong sumama sa iba!"

Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon