Song: I hate you, I love you
Drake's POV
Pagdating ko sa opisina ay nagkakagulo sa department ko kasama si Dexter.
"Anong nangyari?"
Lumapit sa akin si Dex, "Namatay na ang Don Gener. Nilibing kaagad ang bangkay niya at walang lamay na nangyari. Grabe! Ang bilis!"
Nanlumo ako at nagulat sa nangyari. Alam naming maysakit ang don pero ang bilis naman ng pagkamatay niya. Kaagad kong inisip si Chloe, baka katulad naming siya ng mamatay ang lolo ko. Baka nalulungkot din siya sa pagkamatay ng asawa niya.
Walang sabi sabing pumunta ako sa opisina niya ngunit wala doon si Gemma at bahagyang nakabukas ang kwarto ni Chloe. Lumapit ako sa may pintuan at rinig doon ang pag uusap nila. "Hahaha.. Grabe pagod na pagod kami ni Tita Helen 'nung isang araw. Grabe ang energy niya sa pag shashopping. Partida na ka heels pa siya 'nun Attorney."
"Eh kasi naman, aliw na aliw ang mommy ko sa iyo. Alam mo bang ang bilin niya sa akin, wala na daw siyang tatanggaping mamanugangin kung hindi ikaw."
"Ikaw kasi pinakilala mo pa ako. Masaya naman ako kaso baka mahirapan ka kapag nagkataon."
"Pinapapunta ka niya mamaya sa bahay. Kapag hindi, ikaw daw ang pupuntahan niya dito. At next weekend, mag mall daw kayo ulit. Ang daddy naman nagpapasalamat sa iyo kasi nawawala ang topak ni mommy dahil sa iyo kaya tahimik din ang mundo niya. Hahaha."
"Si Tita talaga, halika kain tayo sa labas," ay ani Chloe. Hindi ako natinag sa pagtayo ko doon kahit alam kong palabas na sila. Nagtatawanan pa silang lumabas. Nakita ko ang gulat sa kanila.
"Yes Mr. Arellano?" Tanong ni Chloe.
Tinignan ko sila ng masama, "iyan ba ang nagluluksa?" Sabay alis ko sa harap nila.
Nagsimula ang meeting ng hapon kasama ang board of directors.
"First time in this company's history, we hit the target sales on the first quarter. Heps! Not only once, not twice but thrice the target numbers! Congratulations Miss C! Your leadership pushed us to success." Paliwanag ng head ng sales department.
"No, it's everybody's effort. Especially the Immunazinc of Mr. Arellano. Iyon ang madalas nauubos sa market. Bukod kasi sa mura na, same effect lang sa ibang brand at mas maganda pa. Good job everybody. Thank you for all your effort. Rest assured that you will be well compensated. Promotion and merit increase are now aligned to HR. Meeting adjourned. Have a great day ahead."
Pagkatapos noon ay pumunta ako sa opisina kong bagsak ang balikat. Naiisip ko pa rin ang say ani Chloe habang kasama si Attorney Antonio. Nang makita ko ang isang report ay may tanong ako kay Gemma kaya dumiretso ako sa opisina nila. Ngunit wala si Gemma doon at rinig ko doon na may kasama siya.
"Sir huwag kang malikot, hindi tatama ang gagawin ko."
"Masakit sa position na ito Miss C, ibang position naman,"
"Hindi pwede, tiis lang, masisiyahan ka din pagkatapos," nagulat ako sa pag uusap nila at napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na siya hinarap at mabilis na lang na umalis. Mabilis ko ng kinuha ang mga gamit ko at astang uuwi nan ang mapadaan ako sa guard. May naisip akong tanungin.
"Manong, sino ang pumupunta sa office ni Miss C sa gabi? Nakakauwi pa ba siya?"
"Naku Sir napakasipag ni Miss C. May mga kliyente pa siya kahit hatinggabi na. Pero tuwing weekend, may bisita siya na matandang lalaki na iyon at iyon din. Mukha namang hindi papatulan iyon ni Miss C. Sa ganda 'nun?" Lalong nag alab ang galit na nararamdaman ko. Aalis na ako ng makita ko si Mr. Harry Sy, malaking kliyente ng Wecare. May ari ng kinikilalang drugstore sa buong Pilipinas. Yumuko ako at bumati sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1
RomanceMinsan lang umibig ang isang Chloe Samonte. Humanga, nagmahal sa isang tao sa matagal na panahon. Hinintay niyang masuklian ni Drake ang pagmamahal niya. Ngunit, nang dumating na ang pagkakataon para sa kanila, malaking pagsubok ang hinarap ng kan...