Chapter Thirty One

204 8 0
                                    

Chloe's POV

Agad na tinignan si Drake ng mga doktor at mga nurses.  Nasabi ko na lahat ng nangyari pati na ang pagkakabagsak niya. Buti na lang ay sa kama siya nawalan ng malay at hindi napano ang ulo niya. Aligaga akong pumaparoot parito ng lakad dahil sa takot sa nakita kong paghihirap ni Drake. Alam kong hindi simpleng sakit ng ulo lang iyon dahil sa itsura niya kanina. Bakas na bakas ang matinding sakit sa kaniya.

"Oweng--- bakit wala ka short?" tanong ni Ate Emma na prenteng nakaupo doon at nilalaro lang si Bing Bong.

"Oweng--- bakit wala ka short?" tanong ni Ate Emma na prenteng nakaupo doon at nilalaro lang si Bing Bong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Shit! Hindi ko na napansin ang suot ko. Naka tshirt nga lang pala ako ni Drake at naka panty lang sa loob. Pagkatingin ko sa sarili ko ay saka ako nahiyang umupo. Nakakakuha na pala ako ng atensyon ng ibang tao ng hindi ko alam. Napirmi na lang ako sa upuan na nanginginig ang mga kamay. Napayuko ako at sandaling nanalangin. Sana ay walang masamang nangyari kay Drake. Please please please.

Ilang saglit pa ng mapatingin ako sa pinto at humahangos doon ang pamilya ni Drake. Kinabahan ako habang papalapit sila sa akin. Tumayo ako at inaya ko rin si Ate Emma na tumayo para magbigay galang. Pero nagmadaling lumapit sa akin ang mommy ni Drake at—

***PAKKKK***

Isang malakas na sampal ang naramdaman ko sa kaliwang pisngi ko at hindi nakuntento ay pinaghihila pa ang buhok ko.

"Walanghiya kang babae ka!!! Anong ginawa mo sa anak ko, anong ginawa mo kay Drake ha!!!"

"My', ano bang ginagawa mo? Wala siyang ginagawang masama!" Pahayag ni Ethan na pumunta na sa harap ko para awatin ang mommy niya at protektahan ako.

Napahawak na lang ako sa pisngi ko at bahagyang inayos ang buhok ko.

"Ikaw bad ka! Bad ka! Sinaktan mo Oweng ko! Hindi ko kayo bati!!!" galit na sambit ni Ate Emma habang hinahampas si Bing Bong sa ere dahil hinahawakan ko ang mga kamay niya.

"Ate tama na."

"Bad sila! Umalis kayo! Inaano ba kayo ni Oweng ko ha!!! Bad kayo bad!!"

"Ate. Hindi sila bad. Bati natin sila," at nung nakita ni Ate Emma ang mga mata ko ay siyang kalma niya.

Nasa ganoon kaming tagpo ng humahangos na pumasok si Hally. "Mom, dad how's Drake?" At bago nila masagot iyon ay tumingin muna siya sa akin at bakas sa kaniya ang galit. "Buwisit kang babae ka!" At aktong sasabunutan niya ako ng pigilan siya ni Ethan. "Anong ibig sabihin ng itsura mo? Binabahay ka na ni Drake? Ang kapal ng mukha mo! At anong akala mo, totoo lahat iyan?"

"Anong ibig mong sabihin Hally?" tanong ng daddy nila at si Ethan ay naramdaman kong nagulat.

Tinignan niya muna si Ethan. At alam kong ayaw niya din sabihin kay Ethan ang totoo at nadala lang siya ng galit niya.

"Katulad ng ibang nalink kay Drake, nasisiguro ko mom,dad na isa lang siya doon," paliwanag ni Hally.

Napayuko na lang ako. Dahil alam kong mali na pero 'di ko kayang bumitaw. Ika'y masasaktan dahil pangako ko'y walang iwanan. (A/N: aminin mo, binalikan mo tapos narealize mo kanta siya? Kantahin mo na lang ulit. 😊)

Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon