Chapter Fifty Six

265 8 2
                                    

Song: Where you are- Jessica Simpson and Nick Lachey

Favourite lines:  

Now baby there were times when selfishly
I'm wishing that you are here with me
So I can wipe the tears away from your eyes
And make you see
That every night while you are dreamin'
I'm here to guard you from a far
And anytime I feel alone
I close my eyes and dream of
Where you are

Drake's POV

"Hi Honey!" Buhay na buhay na bati ni Chloe sa video na pinapanuod ko sa cellphone niya. Anniversary namin ang code 'nun. Lalong bumigat ang pakiramdam ko at wala ng tigil ang mga luha ko. Binuksan ko na ang safety deposit box na sinabi niya at kasalukuyan akong nasa kwarto ng opisina niya. Hawak ko na sa mga kamay ko ang laman ng SDB, marriage certificate, pre-signed niyang annulment papers, at ang lalong kinagulat ko ay ang mental incapacity certificate. I'm trembling, parang pinagsakluban ng langit at lupa ang pakiramdam ko ngayon. Sobrang sakit!

"Alam kong mahihirapan akong magsabi sa iyo ng totoo kaya siguro dito na lang. May surprise ako, tenen!" At pinakita na niya sa camera ang Marriage Certificate namin, " it's official! It's real! It's registered! We are married!" At pinakita niya pa ang singsing niyang suot. Ang wedding ring namin. Ang saya ng mga mata niya pero agad iyong napalitan ng lungkot. "I'm sorry, hindi ko alam. Hindi ko kayang sabihin sa iyo ng personal. Masyado akong takot na ipagtabuyan mo ako, ano ba iyan." May luha ng pumapatak sa mga mata niya at agad niya iyong pinahid. "Hindi ko kaya lalo na ang marinig sa iyo na gusto mo akong hiwalayan." Humihikbi na akong pinapanood iyon. Hindi honey, mali ka.

Huminga siya ng malalim at umupo ng maayos. "Uhum! Kung nabuksan mo na ang safety deposit box, nandiyan na lahat ng kailangan." Umiiling ako, "andyan na pati ang pinirmahan kong form. I've already coordinated with Attorney Perez, and he told me that 6 months is the fastest waiting time. Ayun na lang siguro ang hihintayin niyo ni Hally. Huwag ka na mainip." At ngumiti siya, pero ako sa kabilang banda ay bigat na bigat na. Daig pa ng may cancer of the bone ang sakit ng nararamdaman ko.

"Hahatiin na rin ang kayamanan na meron ako, kaya ang plano ko, paghiwalayin na ulit ang Wecare sa Surecare company. At ibigay na sa iyo iyon o mas tamang sabihin na ibalik na sa iyo ang dating kumpanya niyo. Ayokong sa akin manggaling, pero you leave me no choice, ginamit ng lolo mo ang kumpanya niyo para pagtakpan ang illegal na ginagawa niya sa planta niyo. He promoted illegal drugs inside your company. At iyon ang hindi namin maatim na magtuloy. Yes, that's true, it's me and Don Gener who planned it all. Kailangan naming itama ang mali, dahil iyon ang tungkulin namin." At yumuko na ito at umiyak.

"I am a member of secret organization, hon. I am a secret agent since birth." At tumingin siya sa cam at pahapyaw na ngumiti. Napako naman ako doon sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at gulat na gulat sa nalaman ko. Inulit ko ang part na iyon sa pag aakalang mali ako, mga sampung beses kong inulit pero tama ang narinig ko. Umiiling akong makailang ulit pang plinayback iyon. Si Chloe, secret agent? Anong? Paano? "I am trained and equipped to fight, to battle, to combat, and worse, to kill," at pinunasan niya ang luha niya. "I am born for that role. That's my life and you are right, I would never get away with it," sumeryoso ang mukha niya. "Sa oras na malaman mo ito, sinisiguro kong hindi ka na manganganib. May mga batas kaming hindi mo kailanman maiintindihan." Hininto ko ulit at sinubukang isipin kung totoo ngang lahat ng sinasabi niya. Sinabunutan ko ang sarili ko at iniisip ang lahat ng nangyari. Simula ng makita ko siya sa bahay, inakusahan sa maling paratang, ang mga maling trato kong hindi niya kailanman pinuna, mga galit ko sa kaniya na buong puso niya lang tinanggap at walang pasubaling hinarap niya lang. Bakit? Paano ko iyon nagawa sa isang taong mahal na mahal ko? Paano?

"If after this message, you still despise me, I would understand. Hate me and please forget about me. You can go on now with your chosen life. Have a life, Sir." Tinigil ko muna ang video dahil hindi na ako nakakahinga sa pag iyak. Paanong nagawa ko siyang I judge ng ganoon? Bakit ko naisipang isa siyang pakawalang babae? Iyon pala ay ako ang makakauna sa kaniya. Paano kong naatim na kamuhian siya? Kung lahat pala ng ginagawa niya ay para sa akin at sa kabutihan ng lahat? Selfless Chloe... Sabihin mo sa aking nililinlang mo lang ako at buhay ka pa... Parang awa mo na...

Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon