Song: How Can I Not Love You by Joy Enriquez
Ethan's POV
Foundation Day
"Hahahaha," mangiyak ngiyak kong tawa habang nanonood.
"Ano ba naman iyong babae sa dulo, nakakahiya! Siya lang ang nakakasira ng cheer dance nila! Sana hindi na sumali!" inis na pahayag ng babae kong katabi.
'Kung makacomment akala mo perfect. Ako, naaaliw kaya ako natatawa, but I don't judge. Pero hindi ko talaga akalain na ganiyan siya sumayaw. '
Dance number na ng Cheering Group for Nursing Department na kasamang sumasayaw si Chloe. Kulay purple ang suot nila, tshirt at maiksing palda at naka rubber shoes. Naka ponytail din siya na mataas. Maganda talaga si Chloe, hindi maitatatwa.
'Wala akong pakelam kahit di ka marunong sumayaw. Basta mahal kita' nakangiti kong pagkausap sa sarili ko.
Siya ang nasa bandang likod at laging nahuhuli. Minsan naman nauuna siya sa formation. Gulong gulo din siya sa mga steps. Halatang napilitan lang. Kawawa naman.
Pero dahil gusto ko siyang maasar, kinukuhaanan ko ng video ang performance nila.
"Shit, Ethan! Dapat pala talaga pinigilan mo si Sir Pael para magperform si Chloe! Siguradong hindi na papasok ang Nursing Dept. sa mananalo sa cheering dance," nag aalalang tanong ng katabi ko na kasama sa grupo namin nila Chloe.
"Sorry na... Hin-di ko mapigilang tumawa. Para kasi siyang bata na pinilit ng Nanay niyang sumayaw sa harap ng Ninang nila," sabi ko.
"Ulol ka! Lagot ka pag narinig ka nun!"
At nagtutuloy pa rin ang number nila Chloe. Nag iba na ng formation at nasa gilid na lang siya. Wala na halos mahirap na step kaya mukha naman nakabawi siya. Sana talaga, sinabi niyang ayaw niya at magagawan ko naman iyon ng paraan. Pero natatawa pa rin talaga ako.
Isang formation pa at natapos na ang cheering dance number nila.
Nakayukong umalis si Chloe sa grupo na pawisan.
'Kawawa naman ang loviedubs ko'
"Dahil sa isang tao hindi na papasok ang Nursing Dept. sa mananalo! Ano ba yan!" sabi nung katabi na nagsalita kanina .
"Hoy, kayo! Masyado niyong siniseryoso ang laban, ha! Kung kayo kaya ang pinilit na sumali?!" saad ko. "Manahimik na kayo diyan, ha. Naaasar na ko sa inyo!" angil ko sa kanila.
"Ay, sorry Ethan. Pero kasi-"
"Huwag niyong pag initin ang ulo ko! Basta manahimik na lang kayo! Akala mo mga kagandahan 'tong mga ito, kulutin ko kayo diyan eh," naasar kong sabi sa dalawang babae.
Lahat ng tao halos nakatingin na kay Chloe at nag bu Booo sila!! Mga baliw!! At tinignan ko si Sir Pael sa mga upuan ng mga Prof. at tama nga ako, tuwang tuwa ang hayop.
"Chloe, dito!" tawag ko sa kaniya.
Lumapit siya sa grupo namin ng nakayuko at halatang nahihiya. Walang kaibigan si Chloe, hindi ko lang alam kung meron nga sa school namin, pero simula pa lang na nakilala ko siya, wala na akong nakikitang kasama niya o napagkakausap niya.
"Ang galling mo doon ha," asar ko. Gusto kong pagaanin ng pang aasar ang nararamdaman niya.
"Ano, kayo? Hindi ba kayo lalayo sa akin? Hay, naku tong mga taong to! Ikaw, Ethan, mahal mo pa buhay mo ha? Manahimik ka pwede?" sabay irap na pahayag niya habang nagpupunas ng pawis at umupo na siya sa tabi ko.
"Ano kaya pa? Diba mayroon ka pang song number mamaya? Sabihin mo na kaya na huwag na? Kasi atlis, eto cheer dance at may kasama ka. Baka mapahiya ka ulit Chloe," pag aalala ko.
BINABASA MO ANG
Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1
RomanceMinsan lang umibig ang isang Chloe Samonte. Humanga, nagmahal sa isang tao sa matagal na panahon. Hinintay niyang masuklian ni Drake ang pagmamahal niya. Ngunit, nang dumating na ang pagkakataon para sa kanila, malaking pagsubok ang hinarap ng kan...